Buod

Ang isa sa mga pangmatagalan at pabalik-balik na uri ng sakit o karamdaman na umaapekto sa tiyan ay ang irritable bowel syndrome o IBS. Tinatawag din itong spastic colitis, mucus colitis, o nervous colon.

Sa ngayon ay hindi pa alam ang mga tiyak na sanhi ng kondisyong ito. Subalit, tukoy na ang ilang mga salik at mga trigger na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon nito.

Ang mga sintomas ng IBS ay ang pagkakaroon ng pabalik-balik na pananakit ng tiyan na may pagtitibi o pagtatae, pagkakaroon ng kabag, maging ang pagbabago sa kaugalian ng pagdudumi. Ang mga palatandaan ng kondisyong ito ay maaaring magkakaiba sa bawat taong apektado nito.

Sa ngayon ay walang tiyak na lunas sa IBS. Sa halip, ay ginagamot o nilalapatan lamang ng lunas ang mga sintomas nito. May ilan ding mga sikolohikal na pamamaraan na ginagamit upang makatulong sa pagpapabuti ng pananaw ng pasyente sa kaniyang kondisyon.

Kasaysayan

Noon lamang 1950 unang lumabas ang konsepto ng “irritable bowel” nang ito ay malathala sa Rocky Mountain Medical Journal. Ginamit ito upang tukuyin ang mga taong may mga sintomas ng pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagtitibi subalit wala namang anumang impeksyon sa katawan.

Sa mga panahong ito, ipinalalagay na ang pagkakaroon ng IBS ay bunga ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang mga pagsusuri upang matukoy ang mga tiyak na sanhi ng kondisyong ito.

Mga Uri

May tatlong pangunahing uri ng irritable bowel syndrome o IBS. Ito ay ang mga sumusunod:

  • IBS na may pagtitibi. Ang pagtitibi ay ang pagkakaroon ng matigas na dumi na lubhang mahirap ilabas. Sa kondisyong ito ay makararanas ng pananakit ng tiyan, kawalan ng ginahawa, o kabag.
  • IBS na may pagtatae. Sa kondisyong ito ay napakalapot ng dumi ng pasyente. Nakararanas din nang madalas at minsan ay hindi mapigilang pagdudumi ang taong may ganitong uri ng IBS. Kalakip din nito ang pananakit ng tiyan at ang pagkabalisa.
  • IBS na may pagtitibi at pagtatae. May mga pagkakataon na ang taong may IBS ay makararanas ng pagtitibi sa isang pagkakataon at ng pagtatae naman sa isa pa. Subalit, ito ay bihira lamang mangyari.

Mga Sanhi

Image Source: www.freepik.com

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang tiyak na sanhi ng IBS. Subalit, ang mga sumusunod na salik ay maaaring may kinalaman sa pagkakaroon ng ganitong sakit:

  • Hindi normal na paggalaw o pagpiga ng mga kalamnan sa bituka. Kapag labis at matagal ang paggalaw o pagpiga ng mga kalamnan sa loob ng mga bituka, maaari itong magdulot ng pagkakaroon ng kabag at pagtatae. Kapag sobra naman ang pagbagal ng paggalaw ng mga bituka, maaari naman itong maging sanhi ng pagtitibi o pagtigas ng dumi.
  • Abnormalidad sa nervous system. Maraming naidudulot na hindi magandang kondisyon ang mga abnormalidad sa mga ugat patungo, palabas, at palibot sa digestive system. Kasama na rito ang pananakit ng tiyan, kabag, at hindi magandang pagdaloy ng mga dumi.
  • Pamamaga ng mga bituka. Kapag may nararanasang kondisyon sa bituka, nagkakaroon ng pagdami ng mga selula ng immune system Maaari itong magdulot ng IBS.
  • Pagkakaroon ng naunang na impeksyon. Maaaring magkaroon ng IBS makaraan ang mga impeksyon sa tiyan dulot ng bacteria o
  • Pagbabago o kakulangan ng mga bacteria sa tiyan. Ang mga “good bacteria” sa tiyan na kung tawagin ay mga microflora ay malaki ang kaugnayan sa pagkakaroon ng magandang Batay sa mga pag-aaral, may pagkakaiba ang mga microflora ng taong mayroon at walang IBS.

Ang mga sintomas ng IBS ay maaari ring ma-trigger ng mga sumusunod:

  • Mga uri ng pagkain. May ilang uri ng mga pagkain na kung nagdudulot ng alerhiya sa iba ay nagpapalala sa mga sintomas ng IBS. Subalit, ito ay hindi pa ganap na nauunawaan sa ngayon at patuloy pa rin itong pinag-aaralan.
  • Mga hormone. Ang mga kababaihan ay higit na mataas ang panganib na makaranas ng IBS dahil sa dami ng mga pagbabagong hormonal na nararanasan ng kanilang katawan. May mga pagkakataon na mas malala ang mga sintomas ng kondisyong ito kapag sila ay may regla.
  • Stress. Ang stress ay hindi tahasang nagdudulot ng IBS batay sa mga pagsusuri. Subalit, napalalala nito ang mga sintomas ng kondisyong ito.

Mga Sintomas

Image Source: www.freepik.com

  • Hindi magkakatulad ang mga sintomas ng irritable bowel syndrome sa iba-ibang pasyente. Bukod pa rin, ang ilan sa mga sintomas ng IBS ay may hawig sa mga sintomas ng ibang mga sakit o karamdaman. Narito ang ilan sa mga nasabing sintomas:
  • Pagbabago sa nakasanayan sa pagdudumi
  • Pananakit at pamumulikat ng tiyan
  • Pakiramdam na hindi ganap na nailabas ang dumi pagkatapos na magbawas
  • Pagkakaroon ng labis na kabag
  • Pag-agos ng malapot na likido mula sa puwit
  • Biglaang pagkaramdam ng pangangailangan na dumumi
  • Paglobo ng tiyan
  • Madalas na pag-ihi
  • Pagbaho ng hininga
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng mga kasu-kasuan o ng mga kalamnan
  • Pananamlay at labis na kapaguran
  • Pagkabalisa

Para sa mga kababaihan, puwede ring makaranas ng hindi regular na pagreregla kasabay ng IBS. Isa pang sintomas na kadalasang nararanasan lamang ng mga kababaihan ay ang pananakit ng puson o iba pang kalapit na bahagi tuwing nakikipagtalik.

Ang mga sintomas ng IBS ay maaaring lumala pagkatapos kumain at maaaring tumagal nang dalawa hanggang apat na araw. Pagkatapos nito ay maaaring guminhawa na ang pakiramdam at tuluyan nang mawala ang mga sintomas.

Mga Salik sa Panganib

Sinuman ay maaaring magkaroon ng irritable bowel syndrome. Subalit, higit na mataas ang panganib ng pagkakaroon nito sa mga sumusunod:

  • Mga mas nakababata. Napatunayan sa mga pagsusuri na ang IBS ay higit na nakaaapekto sa mga taong wala pang 50 taong gulang.
  • Mga kababaihan. Ang irritable bowel syndrome ay karaniwang nararanasan ng mga kababaihan. Ang isa sa mga salik ng pagkakaroon nito sa mga kababaihan ay ang estrogen therapy bago o makaraan ang
  • Pagkakaroon ng irritable bowel syndrome sa pamilya. Maaaring may kinalaman ang mga gene sa pagkakaroon ng IBS, bukod sa mga salik na pangkapaligiran.
  • Pagkakaroon ng problema sa pag-iisip. Ang pagkakaroon ng mga alalahanin, depresyon, at iba pang mga problema sa pag-iisip ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng IBS. Maaari ring magkaroon ng kinalaman ang karanasan sa pagiging biktima ng pag-abusong sexual, pisikal, o emosyonal sa pagkakaroon ng kondisyong ito.

Mga Komplikasyon ng Irritable Bowel Syndrome

Kapag hindi nalunasan, ang IBS ay maaaring magbunga ng mga sumusunod na komplikasyon:

  • Mababang kalidad ng pamumuhay. Batay sa ulat ng mga dalubhasa, naaapektuhan ng IBS ang kalidad ng pamumuhay ng mga taong mayroon nito. Halimbawa, marami sa mga pasyenteng may IBS ang madalas na lumiliban sa paaralan o trabaho kaysa sa mga taong walang ganitong kondisyon.
  • Problema sa pag-uugali at kaisipan. Ang mga taong may taglay na IBS ay mas lantad sa depresyon at pagkabalisa.

Pag-Iwas

Image Source: unsplash.com

Ang mga sumusunod na mga hakbang ay makatutulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng irritable bowel syndrome:

  • Pag-iwas sa sorbitol, isang sangkap na matatagpuan sa mga chewing gum at iba pang mga kendi
  • Pagpili sa mga pagkaing gawa sa oats upang maiwasan ang pagkakaroon ng kabag
  • Pagkain sa tamang oras araw-araw
  • Hindi pagmamadali sa pagkain
  • Pag-inom nang katamtamang dami ng mga nakalalasing na inumin
  • Pag-iwas sa mga carbonated na mga inumin na kagaya ng mga softdrink
  • Pag-iwas sa ilang uri ng prutas at gulay
  • Pag-inom nang katamtamang dami ng tsaa at kape
  • Pag-inom ng sapat na tubig araw-araw

Makatutulong din ang pag-iwas sa mga pagkaing mayroong resistant starch. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga processed foods, tulad ng hotdog at bacon, maging sa ilang uri ng mga legumes, tulad ng mani.

Malaki rin ang maitutulong ng pag-iwas sa stress laban sa irritable bowel syndrome. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Pagsasailalim sa counseling. Ang mga dalubhasa ay maaaring magbigay ng ilang payo ukol sa pagbabago ng pananaw at pakikitungo ng isang tao kapag nakararanas ng matinding
  • Mga ehersisyong nakapagpapakalma. May mga uri ng ehersisyo na nakatutulong sa pag-relax ng mga kalamnan at maging ng isipan. Isa sa mga ehersisyong ito ay yoga.
  • Mindfulness meditation. Ito ay isang uri ng paraan kung saan ay itinututok ang isip sa mga bagay na nakapagtatanggal or nakababawas ng Kabilang dito ang meditative breathing exercise na ginagawa nang hindi bababa sa 20 na minuto.

Sanggunian