Gamot at Lunas

May dalawang pangunahing paraan upang malunasan ang IBS. Una ay ang pag-inom ng tamang gamot. Pangalawa naman ay ang mga pagbabago sa diyeta at iba pang mga uri ng lifestyle change upang hindi lumala ang mga sintomas ng IBS. Mayroon ding mga alternatibong panlunas para sa IBS na katulad ng psychological therapy at hypnosis.

Mga Gamot Para sa Irritable Bowel Syndrome

Ang mga sumusunod na gamot ay ginagamit upang lunasan ang mga sintomas ng IBS:

Image Source: www.freepik.com

  • Antispasmodic na mga gamot. Tumutulong ang mga gamot na ito upang mabawasan at maibsan ang pamumulikat ng tiyan at pananakit ng mga kalamnan sa paligid nito. Kabilang sa mga ito ang dicyclomine, hyoscine, at hyoscyamine sa mga antispasmodic na gamot na inirereseta para sa mga taong may IBS.
  • Bulk-forming na laxative o labatiba. Ang mga gamot na ito ay tumutulong upang malunasan ang pagtitibi. Maaaring mabili nang walang reseta o over the counter ang mga labatiba, subalit dapat silang inumin na may ibayong pag-iingat. Kung hindi wasto ang pag-inom ng ganitong gamot, maaari itong magdulot ng dehydration, pagkahilo, at maging paghina o pagkasira ng mga bato o kidney.
  • Rifaximin. Ang rifaximin ay isang uri ng antibiotic. Binabawasan nito ang dami ng bacteria sa tiyan at pinipigilan din ang diarrhea.
  • Antimotility na mga gamot. Ang mga antimotility drugs ay ginagamit para sa pagtatae. Kabilang sa mga ito ang loperamide na tumutulong sa pagpapabagal ng pagpipiga nga mga kalamnan sa bituka. Isa ring pangkaraniwang antimotility na gamot ang diphenoxylate na may kasamang atropine.
  • Tricyclic antidepressant (TCAs). May mga pag-aaral na nagpakitang may magandang epekto sa sikmura ang mga tricyclic antidepressant, lalo na laban sa pananakit at pamumulikat ng tiyan. Karaniwang mas mababang dosis ng TCA ang inirereseta para sa mga may IBS kaysa sa mga may
  • Pain killers. Para sa mga pasyenteng may IBS na nakararamdam ng labis na pananakit ng tiyan, karaniwang nagre-reseta ang mga doktor ng mga pain killer, tulad ng pregabalin at gabapentin.

Ang mga sumusunod namang gamot ay ibinibigay bilang panghuling lunas kung sakaling hindi maging mabisa ang mga gamot na nabanggit sa itaas:

  • Alosetron. Inirereseta ang gamot na ito sa mga kababaihang may IBS na nakararanas ng malubhang
  • Lubiprostone. Tukad ng alosetron, ibinibigay rin ang lubiprostone sa mga kababaihang may IBS. Ang gamot na ito ay ginagamit para sa malalalang kaso ng pagtitibi upang mapagaan ang pagdumi.
  • Eluxadoline. Paminsan-minsan ay inirereseta din ang eluxadoline upang mabawasan ang mga pagkibot o contraction ng kalamnan sa tiyan. Subalit, naiugnay na ng ilang mga pananaliksik ang eluxadoline sa pagkakaroon ng pancreatitis. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito madalas na ginagamit; ibinibigay lamang ang eluxadoline kung napatunayang mababa ang panganib ng pasyente na magkaroon ng pancreatitis.

Tamang Diyeta Para sa Irritable Bowel Syndrome

Malaki ang maitutulong ng tamang pagkain at mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay (lifestyle changes) upang mabawasan ang mga sintomas ng IBS at maginhawahan ang pasyente. Narito ang ilang mga payo na madali lamang sundin:

Image Source: blogs.discovermagazine.com

  • Subukan ang iba-ibang dami ng fiber sa pagkain. Nakatutulong ang fiber upang maiwasan ang pagtitibi. Subalit, puwede rin itong magdulot ng kabag. Bawasan o dagdagan ang dami ng fiber sa iyong diyeta at bantayang mabuti kung ano ang nagiging epekto nito. Maaaring mas makatulong ang pag-inom ng mga fiber supplement sa halip na kumain ng mga pagkaing mayaman sa Isa sa mga pinakakilalang fiber supplement ay ang psyllium.
  • Iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng kabag at pamumulikat ng tiyan. Karaniwang nagdudulot ng mga sintomas ng IBS ang mga beans, carrot, patatas, saging, at sibuyas. Madalas ding magpalala ng mga sintomas ng IBS ang mga pagkaing mayaman sa gluten, gatas, at keso. Kasama rin sa mga dapat iwasan ang mga chewing gum na may sorbitol at mga produktong mayroong Tandaan lamang na hindi lahat ng taong may IBS ay may pare-parehong mga trigger food. Makatutulong ang isang food diary upang matiyak kung anu-anong mga pagkain ang nagdudulot ng sintomas ng iyong IBS.
  • Pagkain o pag-inom ng mga probiotic. Ang mga probiotic ay ang mga tinatawag na good bacteria na karaniwang namamalagi sa tiyan at bituka. May mga kamakailang pag-aaral na nagpapatunay na nakatutulong ang mga probiotic na maibsan ang mga sintomas ng IBS. Kasama sa mga pagkaing mayaman ditoCa ay ang yogurt, miso, at kimchi.
  • Kumain nang tama sa oras. Subukang kumain sa parehong oras araw-araw upang makondisyon ang tiyan at matulungang maiwasto ang pagdumi. Gayundin, iayon ang dami ng iyong pagkain sa sintomas ng IBS. Para sa mga nagtatae, subukang kumain nang mas kaunti ngunit mas madalas. Para naman sa mga tinitibi, mas mainam ang mas marami ngunit mas madalang na pagkain.
  • Mag-ehersisyo. Maraming benepisyo ang pag-eehersisyo, kasama na rito ang pagpapasigla at pagsasaayos ng paggalaw ng mga bituka. Gayundin, nakatutulong ang ehersisyo upang mabawasan ang stress. Humingi ng payo sa iyong doktor kung ano ang mabisang ehersisyo para sa estado ng iyong kalusugan.

Alternatibong Mga Lunas Para sa Irritable Bowel Syndrome

Image Source: www.acutonix.com

Maraming alternatibong lunas na ginagamit para sa irritable bowel syndrome. Bagama’t kailangan pa ng karagdagang pag-aaral, may mga tinatawag na anecdotal evidence na nagpapatunay sa bisa ng mga alternatibong lunas na ito. Gayunpaman, mas makabubuti pa ring kumosulta muna sa doktor bago subukan ang mga sumusunod:

  • Cognitive behavioral therapy (CBT). Isang uri ng talk therapy ang CBT. Nakatutulong ito upang magkaroon ng mas positibong pananaw ang pasyente at mabawasan naman ang negatibo o hindi tamang paraan ng pag-iisip. Sa tulong ng CBT, mas mauunawaan ng taong may IBS kung paano mas mabisang matugunan ang mga sintomas ng sakit
  • Hypnotherapy. Ang hypnotherapy ay isang uri ng alternatibong medisina. Sa tulong ng hypnosis, layunin ng hypnotherapy na maiba ang tampulan o focus ng pasyente. Sa ganitong paraan, mas magiging positibo ang tinatawag na mindset ng tao at mas madaling malalampasan ang mga sintomas ng IBS.
  • Acupuncture. Isa ring uri ng alternatibong medisina ang acupuncture. Ito ay nagmula sa bansang Tsina at madalas na ginagamit noong sinaunang panahon upang baguhin ang daloy ng chi o enerhiya ng buhay. Marami ang naniniwala ang accupuncture ay may kakayahang paramihin ang mga likas na pain killer sa katawan ng tao.
  • Pag-inom o pagkain ng peppermint. Ang peppermint ay isang likas na antispasmodic, kung kaya’t minsan ay inirerekomenda ito bilang pampalubay o pampa-relax sa tiyan at bituka. Madalas na iniinom ang peppermint bilang tsaa, ngunit mayroon ding mga kapsula na may peppermint oil. Puwede ring ihalo ang peppermint oil sa ilang mga lutuin bilang pampalasa.