Gamot at Lunas
Image Source: www.freepik.com
Ang paglalapat ng lunas sa kanser sa lalamunan ay batay sa kung anong uri ng kanser ang taglay, anong stage na ito, at sa kabuuang kalagayan ng kalusugan ng pasyente. Ang mga karaniwang lunas para sa sakit na ito ay ang mga sumusunod na mga pamamaraan:
- Pag-aalis sa tumor sa pamamagitan ng operasyon o paninistis, lalo na sa mga unang bahagi ng pag-usbong nito
- Pagpapasailalim sa pasyente sa radiation therapy upang patayin ang mga selula ng kanser at paliitin ang bukol nito
- Pagpapasailalim sa pasyente sa chemotherapy upang patayin ang mga selula ng kanser
- Pinagsama-samang pagtitistis, radiation therapy, at chemotherapy