Gamot at Lunas  

Image Source: www.freepik.com

Sa kondisyon na lactose intolerance, ang tanging gamot at lunas para rito ay ang pagbawas sa pag-inom o pagkain ng mga produktong nagtataglay ng lactose. Pagbawas lamang sapagkat karamihan ng mga taong may ganitong kondisyon ay nakakayanan pa rin ang pagkonsumo ng mga produktong may kaunting lactose. Hindi rin sila gaanong nakararanas ng matitinding sintomas kahit na makainom sila ng kaunting gatas o makakain ng keso. Ganunpaman, iba-iba ang bawat tao. Kung malubha ang mga nararanasang sintomas, maaaring tuluyang tanggalin sa diyeta ang mga produktong may lactose.

Upang hindi makaranas ng malulubhang mga sintomas, maaaring gawin ang mga sumusunod:

  • Pagbawas sa pagkain ng mga dairy product. Ang mga dairy product ay mga produktong gawa sa gatas ng mga hayop, tulad ng baka, kalabaw, at kambing. Halimbawa ng mga dairy product ay gatas, mantikilya, keso, yogurt, krema, sorbetes, tsokolate, at iba pa. Kailangang bawasan ang pagkonsumo ng mga ito upang hindi gaanong magsilabasan ang mga sintomas.
  • Pagkain ng mga lactose-free product. Dahil sa maraming tao ang may ganitong kondisyon, marami na ring mga produkto ang ginawa upang makakuha ng sapat na calcium at bitamina D ang mga taong lactose-intolerant. Sa ngayon, mayroon na’ng mga lactose-free na gatas, soya milk, yogurt, at ilang uri ng mga keso.
  • Pag-inom ng mga milk substitute. Kung nais uminom ng gatas, maaaring subukan ang mga gatas na gawa sa bigas, oat, soybean, almond, hazelnut, niyog, quinoa, at patatas. Bagama’t naiiba ang lasa ng mga ito kaysa sa gatas na gawa sa baka, magandang alternatibo ang mga ito upang magkaroon ng sapat na nutrisyon ang katawan. Karaniwang nagtataglay ang mga milk substitute na ito ng protina, potassium, antioxidant, calcium, bitamina A, B, at K, zinc, at
  • Pagkain ng mga produktong may lactose kasama ang ibang pagkain. Sa mga taong lactose-intolerant na hindi nakararanas ng malulubhang mga sintomas, maaari pa rin namang kumain ng mga produktong may Subalit, mas mainam na kainin ang mga ito kasama ang ibang pagkain. Halimbawa, kung iinom ng kalahating baso ng gatas na hindi lactose-free, maaaring sabayan ito ng pagkain ng tinapay. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga sintomas na nararanasan. Upang malaman kung anong kombinasyon ng pagkain ang mainam, kailangan talagang subukan ang iba’t ibang uri ng pagkain nang paunti-unti.
  • Pag-inom ng mga calcium at vitamin D supplement. Maaari ring uminom ng mga calcium at vitamin D supplement upang mapunan ang kulang na nutrisyon ng katawan. Bagama’t nakabibili ng mga supplement na ito kahit walang reseta, mas mainam pa rin ang magtanong sa doktor upang malaman kung gaano karami ang tabletang dapat inumin sa araw-araw. Dagdag dito, malalaman din ng pasyente kung ilang miligramo ng supplement ang kanyang dapat bilhin at inumin sapagkat maraming mga supplement ang ibinebenta sa mga bigat na 500mg, 1000mg, o 1,300mg.
  • Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calcium at vitamin D. Bukod sa mga supplement, may mga pagkain din namang mayaman sa calcium at vitamin D. Halimbawa ng mga ito ay ang mga mabeberde at madadahong gulay, broccoli, salmon, sardinas, orange, almond, dried bean, tokwa, soybean, pechay, mustasa, itlog, at atay. Maaari ring kumain ng mga calcium-fortified product, gaya ng ilang mga uri ng gatas, fruit juice, vegetable juice, at
  • Paggamit ng lactase enzyme tablet o drops. Maaari ring gumamit ng mga lactase enzyme tablet o drops upang matulungan ang bituka na tunawin ang mga produktong may lactose. Maaaring mabili ang mga ito sa botika kahit walang reseta. Mainam na inumin ang tableta bago kumain, samantalang ang drops ay maaaring ihalo sa gatas na iinumin. Ganunpaman, tanungin muna ang iyong doktor bago bumili ng produktong ito sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay bumibisa ang gamot na ito sa mga taong may lactose intolerance.
  • Pagpapaaraw sa umaga. Upang matulungan ang katawan na gumawa ng sapat na bitamina D, magpaaraw sa umaga. Kung panahon ng tag-init, magpaaraw lamang sa loob ng 10-15 minuto. Kung panahon naman ng taglamig, maaaring magpaaraw hanggang 20 o 30 minuto. Ayon sa mga pag-aaral, mainam na magpaaraw tuwing bago sumapit ang alas-8 ng umaga. Ganunpaman, sa Pilipinas, lalo na sa mga lungsod, maaaring sobrang init na kahit alas-7 pa lang ng umaga. Tantyahin na lamang kung anong oras ang pinakamainam magpaaraw.
  • Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa probiotic. Ang probiotic ay nagtataglay ng mga “good bacteria” na nakatutulong upang maging mas maayos ang proseso ng pagtunaw ng mga pagkain sa tiyan. Halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa probiotic ay mga pickle, miso, kimchi, natto, at yogurt. Mayroon ding nabibiling mga probiotic supplement sa mga botika na hindi na nangangailangan pa ng reseta ng doktor.
  • Paggamot sa kasalukuyang sakit. Kung ang lactose intolerance ay dulot ng ibang kondisyon, gaya ng celiac disease, kailangang gamutin muna ito upang makayanan na ng tiyan at mga bituka na tunawin ang Kung hindi magagamot ang kasalukuyang sakit, hindi rin mawawala ang pagiging lactose-intolerant.

Ang lactose intolerance ay hindi na nagagamot, lalo na kung ito ay namana. Ganunpaman, maaari namang mamuhay nang normal at maiwasan ang pagkakaroon ng mga sintomas sa pamamagitang ng pag-iwas o pagbawas sa pagkain ng mga produktong may lactose. Kumpara noon, mas marami na ring mga food choice o altaernatibong pagkain para sa mga may ganitong kondisyon, kaya naman mas madali nang mapunan ang mga kakulangan sa nutrisyon. Kailangan lamang maging matiyaga at mapanuri kung ano ang mga dapat kainin at inumin.