Buod
Ang Lou Gehrig’s disease ay kilala rin sa tawag na amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Isa itong uri ng motor neuron disease kung saan nagkakaroon ng problema ang mga motor neuron o mga nerve na kumokontrol sa paggalaw ng mga kalamnan. Sa kondisyon na ito, karaniwang nagkakaroon ng panghihina ng mga kalamnan kaya naman nakararanas ang pasyente ng hirap sa pagkilos at maging sa pagsasalita. Sa paglala ng kondisyon na ito, maaari na ring maapektuhan ang mga kalamnan ng baga at nagreresulta ito sa hirap sa paghinga.
Hindi lubusang malaman kung bakit nagkakaroon ng Lou Gehrig’s disease. Basta-basta na lamang nitong naapektuhan ang mga tao, samantalang ang ilang mga kaso ng kondisyon na ito ay pinaniniwalaang namamana sa pamilya. Bukod dito, pinaniniwalaan din na maaaring magdulot ng Lou Gehrig’s disease ang ilang mga salik na pangkapaligiran gaya ng pagkakalantad sa mga kemikal at mga metal.
Walang gamot sa Lou Gehrig’s disease sapagkat ito ay isang uri ng progresibong sakit. Ganunpaman, maaaring magbigay ng ilang mga lunas ang doktor upang maibsan ang mga iniindang sintomas ng pasyente. Ang mga karaniwang ginagawang lunas sa pasyenteng may ganitong kondisyon ay physical therapy.
Kasaysayan
Ang amyotrophic lateral sclerosis (ALS) ay nagmula sa mga salitang Griyego na “a,” “myo,” at “trophic.” Nangangahulagan ang mga ito na “wala,” “kalamnan,” at “nutrisyon.” Ibig sabihin, sa kondisyon na ito, “walang natatanggap na nutrisyon ang mga kalamnan.”
Kapag walang natatanggap na nutrisyon ang mga kalamnan, maaaring makaranas ng “atrophy” o panghihina at kalaunang pagkasayang ang mga ito. Samantalang ang “lateral” ay tumutukoy sa bahagi ng spinal cord na kung saan matatagpuan ang mga nerve na kumokontrol sa paggalaw ng mga kalamnan. Ang “sclerosis” naman ay tumutukoy sa pagsusugat o paninigas ng mga apektadong bahagi.
Ang Lou Gehrig’s disease o ALS ay unang natuklasan ng isang Pranses na neurologist na si Jean-Martin Charcot noong 1869. Subait, noong 1939 lamang nakilala ang sakit na ito nang magkaroon nito ang isang sikat na baseball player na si Lou Gehrig. Dahil dito, ang ALS ay kinilala na rin sa tawag na Lou Gehrig’s disease.
Bagama’t alam ng karamihan na ang ALS ay isang motor neuron disorder, wala pa rin talagang gaanong mga pag-aaral tungkol dito. Kaya naman noong 2014, sumikat ang “Ice Bucket Challenge” upang makakalap ng pondo para sa pananaliksik sa sakit na ito. Sa ice bucket challenge, ang isang tao ay kukuhanan ng video habang siya ay binubuhusan ng timbang may laman na yelo at tubig. Bukod dito, maaari ring magbigay ang taong gumawa ng challenge ng donasyon sa Amyotrophic Lateral Sclerosis Association. Naging sikat ang challenge na ito bandang Hulyo hanggang Agosto 2014. Walang kinalaman ang pagbubuhos ng malamig na tubig at yelo sa pagkakaroon ng ALS. Isa lamang itong kampanya upang mapukaw ang atensyon ng mga tao nang sa gayon ay maibahagi sa kanila na may ganito palang uri ng sakit.
Mga Uri
Ang Lou Gehrig’s disease o ALS ay may dalawang pangunahing uri. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Sporadic ALS. Ang sporadic ALS ay ang pinakalaganap na uri. Halos 95% ng ALS ay Sa kondisyon na ito, hindi malaman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ALS ang isang tao.
- Familial ALS (FALS). Ang FALS ay isang uri ng ALS na namamana. Sa lahat ng mga kaso ng ALS, 5-10% nito ay FALS. Sa kondisyong ito, maaaring maipasa ng magulang na may ALS ang problemadong gene sa lahat ng kanyang mga anak. Dahil dito, umaabot ng hanggang 50% ang posibilidad na magkaroon ng ALS ang mga anak.
Mga Sanhi
Hindi pa talaga malaman kung ano ang sanhi ng Lou Gehrig’s disease o ALS. Gaya ng nabanggit noong una, 95% ng mga kaso ng ALS ay sporadic o hindi malaman ang dahilan. Subalit, pinaniniwalaan ng mga doktor na maaaring may kinalaman ang mga sumusunod sa pagkakaroon ng ganitong kondisyon:
- Pagkamana ng problemadong gene. Maaaring magkaroon ng ALS kung namana ng anak ang prolemadong gene ng kanyang magulang. Sa katunayan, mahigit sa 12 gene mutation o pagbabago ng mga gene ang nai-ugnay sa pagkakaroon ng kondisyon na ito. Dahil sa gene mutation, nasisira ang mga nerve na kumokontrol sa paggalaw ng mga kalamnan.
- Pagkakalantad sa ilang mga salik pangkapaligiran. Pinaniniwalaan din ng ilang mga siyentipiko at doktor na nakapagdudulot din ng ALS ang ilang mga salik na pangkapaligiran gaya ng pagkakalantad sa mga kemikal, metal, at mga mikrobyo. Noong 1991 at kapanahunan ng Gulf war, mas maraming mga sundalo ang nagkaroon ng ALS.
- Pamumuo ng glutamate sa paligid ng mga nerve cell. Ang glutamate ay isang uri ng neurotransmitter na tumutulong upang makapagbigay ng mga mensahe sa pagitan ng utak at mga Subalit, kung mamumuo ang glutamate sa paligid ng mga nerve cell, maaaring magdulot ito ng pinsala.
- Pagkakaroon ng pinsala ng mitochondria. Ang mitochondria ay ang bahagi ng selula na gumagawa ng enerhiya. Kung may pinsala ito, ang mga kalamnan ay maaaring hindi magkaroon ng sapat na lakas at manghina.
- Pagkakaroon ng mga free radical. Ang mga free radical ay kilala bilang sanhi ng kanser, subalit maaari rin itong magdulot ng ALS. Maaaring magkaroon ng mga free radical dulot ng oxidative stress o paggamit ng oxygen ng katawan upang makagawa ng enerhiya.
- Pagkakaroon ng problema sa immune system. Kung may problema ang immune system, maaaring atakihin nito ang masisiglang nerve ng katawan.
Mga Sintomas
Image Source: www.memesmonkey.com
Ang mga sintomas ng Lou Gehrig’s disease o amyotrophic lateral sclerosis (ALS) ay halos natutulad sa ibang mga uri ng motor neuron disease. Subalit, sa kondisyong ito, mas kapansin-pansin ang mga sumusunod na sintomas:
- Panghihina ng mga kalamnan sa kamay at paa
- Pananakit ng kalamnan
- Pamumulikat o paninigas ng kalamnan
- Mabilis na pagkapagod
- Hirap sa paglalakad
- Palagiang natatalisod o nadadapa
- Nakatayungkong postura
- Pagiging emosyonal
- Hirap sa paggalaw ng dila at pagsasalita
- Palaging nabibitawan ang hawak
- Hirap sa paglunok
- Pagkakaroon ng problema sa mental na kapasidad
Sa paglala ng kondisyon, maaari ring magkaroon ng hirap sa paghinga ang pasyente sapagkat pati ang mga kalamnan ng kanyang baga ay naaapektuhan na. Maaari ring maparalisa ang katawan ng pasyente at tuluyan ng hindi makakilos.
Mga Salik sa Panganib
Isa sa mga pinakalaganap na uri ng motor neuron disease ang ALS. Sa katunayan, tinatayang nasa 14,000-15,000 na bilang ng mga Amerikano ang mayroon nito. Ilan lamang ang mga sumusunod na salik na nagbubunga ng mas mataas na kaso ng ALS:
- Pagiging matanda. Kadalasan, naaapektuhan ng ALS ang mga taong nasa pagitan ng edad 55 at 75-anyos. Subalit, kahit anong edad ay maaaring magkaroon nito.
- Pagiging lalaki. Ayon sa datos, mas maraming kalalakihan ang naaapektuhan ng ALS kaysa sa mga kababaihan dulot na rin ng kanilang mga propesyon sa buhay.
- Pagiging sundalo. Dahil karamihan ng mga sundalo ay nagkaroon ng ALS noong Gulf war (1991), pinaniniwalaan na mas nalalantad ang mga nasa ganitong propesyon sa mga kemikal at metal.
- Lahi at etnisidad. Bagama’t walang lahing pinipili ang ALS, mas maraming mga Caucasian ang nagkakaroon nito kumpara sa ibang mga lahi.
Mga Komplikasyon
Sa unti-unting paglala ng Lou Gehrig’s disease, maaaring magdulot ito ng iba’t ibang komplikasyon, gaya ng mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng mga problema sa baga gay ng lung failure at pulmonya
- Hindi na lubusang maintindihan ang mga sinasalita
- Aspiration o madalas na pagkakasamid
- Pagkakaroon ng malnutrisyon at dehydration
- Pagbaba ng timbang
- Kawalan ng kakayanan na maalagaan ang sarili
- Pagkakaroon ng problema sa memorya o dementia
- Pagkakaroon ng mga bed sore o mga sugat bunga ng matagal na pagkakahiga
Ang pasyenteng may ALS ay maaaring tuluyang dumepende na sa mga kamag-anak sa mga pang-araw-araw na gawain lalo na kung hindi na makatayo at nakaratay na sa higaan.
Pag-Iwas
Image Source: www.freepik.com
Bagama’t ang Lou Gehrig’s disease ay bigla na lamang nakaaapekto sa isang tao, maaaring pababain ang posibilidad na magkaroon ng ganitong kondisyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Kumain ng mga makukulay na prutas at gulay gaya ng mansanas, bell pepper, saging, dalandan, kamatis, pipino, kalabasa, at iba pa. Ayon sa pag-aaral, nakatutulong ang mga pagkaing ito sapagkat nagtataglay ito ng mga antioxidant na nakalalaban sa mga free radical.
- Kumain din ng mga madadahon at mabeberdeng gulay gaya ng kangkong, kale, spinach, at letsugas. Gaya ng makukulay na prutas at gulay, mayaman ang mga ito sa
- Isama rin sa kinakain ang mga pagkaing mayayaman sa omega-3. Bukod sa nakapagpapalusog ito ng puso, nakatutulong ito upang mapigilan ang maagang paglabas ng mga sintomas ng ALS. Ilan lamang sa mga pagkaing mayaman sa sa omega-3 ay salmon, tuna, sardinas, mani, at linga.
- Iwasang manghina ang mga kalamnan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo araw-araw. Maglaan ng kahit 30 minuto upang makapagbatak-batak ng katawan.
- Magsuot ng angkop na proteksyon kung nagtratrabaho sa mga lugar na maraming kemikal at metal. Mainam na magsuot ng mga panakip sa ilong upang hindi ito malanghap. Gumamit din ng mga guwantes upang hindi rektang madikitan ng mga kemikal at metal ang balat.
Sanggunian:
- http://www.alsa.org/about-als/what-is-als.html
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/281472.php
- https://www.health.ny.gov/diseases/chronic/als/
- https://www.webmd.com/brain/understanding-als-basics#2-4
- https://www.webmd.com/brain/understanding-als-symptoms#1
- https://www.ninds.nih.gov/Disorders/Patient-Caregiver-Education/Fact-Sheets/Amyotrophic-Lateral-Sclerosis-ALS-Fact-Sheet
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/amyotrophic-lateral-sclerosis/symptoms-causes/syc-20354022