Ano ang sore throat?
Masakit ba o makati ang lalamunan mo? Nahihirapan ka bang lumunok? Maaaring may sore throat ka! Ang sore throat o pamamaga ng lalamunan ay hindi isang sakit – isa lamang itong senyales ng iba pang sakit na nagdudulot nito. Impeksyon ng virus ang pinakamadalas na sanhi nito.
Ano ang mga sintomas nito?
Image Source: www.freepik.com
Kung bunga ng karaniwang sipon:
- Pagbahing
- Pagluluha
- Ubo
- Sinat
- Kaunting pananakit ng ulo o katawan
Kung bunga ng trangkaso:
- Panghihina
- Pananakit ng katawan at kasu-kasuan
- Panginginig
- Pagpapawis
- Mataas na lagnat
Ano ang mga sanhi?
Kadalasang sanhi ang impeksyon ng virus o bacteria na nakakahawa. Maaari ding dahilan ang allergy, panunuyo at pagkairita ng lalamunan. Madalas tuloy maapektuhan ang mga taong mahina ang resistensya , mga may allergy, at mga madalas mapagod o mairita ang lalamunan.
Ano ang nangyayari sa sore throat?
Kung virus ang impeksyon, nawawala ito sa isang linggo. Kung bacteria, maaari itong tumagal at lumala at malulunasan lamang ng antibiotics. May ilang may sore throat na nagkakaroon ng komplikasyon sa puso at bato. Mahalagang komunsulta sa doktor para malaman ang sanhi at maiwasan ito.
Paano maiwasan ang pagkaroon ng sore throat?
- Ugaliing maghugas ng kamay, lalo na kung may kasambahay na maysakit. Ito ang pinakamabuting paraan ng pag-iwas.
- Uminom ng maraming tubig o “fluids” para maiwasan ang dehydration
- iwasan ang usok. Takpan ang ilong palagi kung mausok.
- Huwag manigarilyo at umiwas sa usok ng sigarilyo.
- Iwasan ang mga taong may sakit (hal. sipon o sore throat). Magtakip ng bibig kapag nakikipag-usap kung ikaw o ang kausap ay may sore throat.
- Iwasan ang paggamit ng kubyertos, baso, twalya, at iba pang personal na gamit ng iba.
- Umubo at suminga sa tissue at itapon pagkatapos. Iwasang gumamit ng panyo.
Magpakonsulta kung…
Image Source: news.autmillennium.org.nz
- Malala ang sintomas at mas matagal na sa 1 linggo
- Napakahirap lumunok o huminga
- Sobrang paglalaway ng isang bata
- Mataas ang lagnat
- May nakakapang kulani sa leeg
- May nana sa lalamunan
- May mga pantal
- Pamamalat ng boses nang higit 2 linggo
- Dugo sa laway o plema
- Nade-dehydrate o kulang ang tubig sa katawan
- Paulit-ulit ang sore throat