Buod
Ang malaria ay isang uri ng sakit na hatid ng mga lamok, partikular na ang babaeng Anopheles mosquito. Subalit, ang nagdudulot talaga ng sakit na ito ay isang parasatiko. Kapag ang isang tao ay nakagat ng lamok na ito, ang parasitikong nasa katawan ng lamok ay malilipat sa kaniya. Ito ay magdudulot ng iba’t ibang mga sintomas gaya ng pagkakaroon ng mataas na lagnat, panginginig, pananakit ng mga kasu-kasuan, pananakit ng tiyan, at marami pang iba.
Laganap ang sakit na malaria sa mga lugar na may tropikal na klima. Kasama dito ang maraming mga bansa sa Africa, Asya, Central at South America, Carribean, Middle East, maging sa ilang mga isla sa Karagatang Pasipiko.
Sa Pilipinas lamang, laganap ang malaria sa mga probinsyang Apayao, Zambales, Mindoro Occidental, Palawan, Sulu, Tawi-Tawi, at ilang mga isla sa Mindanao. Batay sa pag-aaral, mataas ang posibilidad na magkaroon ng malaria sa mga lugar na ito buong taon. Subalit, lalong tumataas ang panganib na magkaroon nito sa loob na buwan na nakararanas ng labis na pag-ulan.
Ang isang kaso ng malaria ay itinuturing na isang medical emergency sapagkat maaaring manganib ang buhay ng pasyente kung hindi ito maaagapan. Upang malunasan ang sakit na ito, kailangang dalhin ang pasyente sa ospital nang sa gayon ay maobserbahan siya at mabigyan ng karampatang medikasyon.
Kasaysayan
Ang malaria ay isang Italyanong salita na nangangahulugang “masamang hangin” sapagkat inakala noon na ang hangin mula sa mga latian ay kontaminado ng mga sangkap na nakapagdudulot ng lagnat. Isang Italyanong doktor, si Francisco Torti, ang pinakaunang gumamit ng salitang ito.
Noon pa man ay may naitatala na tungkol sa sakit na ito. Bagama’t hindi pa ito kilala sa tawag na malaria, ang mga sinaunang taga-Ehipto (1550 BC) at sinaunang Griyego (413 BC) ay nakapaglahad ng mga sintomas na tugma sa kondisyong ito. Ayon sa kanila, nagkakaroon ng lagnat kapag lumapit at nakalanghap ng kontaminadong hangin sa mga putikan o latian.
Sa patuloy na pag-aaral tungkol sa malaria, natuklasan ni Charles Louise Alphonse Laveran (1880), isang army doctor mula sa Pransya, na ang sakit na ito ay dulot ng malarial parasite. Bagama’t tumpak ang mga obserbasyon at paglalahad ni Laveran, kakaunting impormasyon lamang ang kanyang naibahagi. Pagsapit ng taong 1897, unti-unti nang napagtagpi kung paano nabubuhay ang malarial parasite sa mga lamok at kung paano ito nakapagdudulot ng malaria. Dahil sa pagkakatuklas na ito ito, ginawaran siya ng Nobel Prize noong 1907.
Mga Uri
May limang uri ng malaria na nakaaapekto sa mga tao, batay sa mga parasitikong pinag-uugatan ng mga ito:
- Plasmodium falciparum. Ang Plasmodium falciparum ay ang pinakalaganap na uri ng malaria at isa ito sa mga pinakamapanganib na uri. Pinakalaganap ito sa Africa pero matatagpuan din ito sa ibang mga lugar na may tropikal o mainit na klima. Ang parasitikong ito ay mabilis dumami kaya naman ito ay nagdudulot ng labis na pagdurugo at pagbabara ng mga daluyan ng dugo ng pasyente.
- Plasmodium vivax. Bukod sa Plasmodium falciparum, isa rin ang Plasmodium vivax sa mga pinakamapanganib na uri ng Mas marami itong mga kaso sa Asya at Latin America. Ang nakapangangamba sa parasitikong ito ay maaari itong manirahan sa sistema ng katawan sa loob ng maraming buwan o taon at unti-unti itong magdudulot ng impeksyon sa dugo.
- Plasmodium ovale. Ang Plasmodium ovale ay isang napakadalang na uri ng malaria pero madalas ay natatagpuan ito sa Africa at ilang mga isla sa Karagatang Pasipiko. Bagama’t ang parasitikong ito ay nagdudulot ng malaria, ito ay hindi kasinglala ng Plasmodium falciparum.
- Plasmodium malariae. Ang Plasmodium malariae ay matatagpuan sa kahit anong lugar sa mundo. Subalit, kumpara sa Plasmodium falciparum at Plasmodium vivax, ito ay hindi kalalaan sapagkat ito lamang ay Ibig sabihin, ang impeksyon na dulot ng parasitikong ito ay hindi kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Plasmodium knowlesi. Ang parasitikong ito ay laganap naman sa timong-silangang Asya, lalo na sa Malaysia. Maaaring mag-umpisa ang impeksyong dulat nito sa pamamagitan ng mga mas banayad na sintomas. Subalit, maaari rin itong lumala kung hindi malapatan ng agarang lunas.
Mga Sanhi
Image Source: www.freepik.com
Ang pangunahing sanhi ng malaria ay ang pagkagat ng lamok na may Plasmodium na parasitiko. Subalit, lingid sa kaalaman ng iba, mayroon pang ibang mga sanhi ito. Naka-lista rito ang lahat ng mga maaaring maging sanhi ng malaria:
- Kagat ng lamok. Gaya ng nasabi, ang carrier o tagapagdala ng sakit na malaria ay ang babaeng Anopheles mosquito. Sa paraang ito, maaari lamang magkaroon ng malaria ang isang tao kung ang lamok na nakakagat sa kanya ay infected ng parasitikong
- Pagsasalin ng dugo. Maaari ring magkaroon ng sakit na malaria kung nasalinan ng dugo na may parasitikong
- Natusok ng infected na hiringgilya. Bukod sa pagsasalin ng dugo, maaari ring magka-malaria kung natusok ng infected na hiringgilya.
- Organ transplant. Kapag ang donor ng isang organ ay mayroong malaria, posible ring magkaroon ang recipient o tatanggap nito.
Mga Sintomas
Image Source: www.medicalnewstoday.com
Ang mga sintomas ng malaria ay maaaring maranasan sa loob ng 24 hanggang 48 na oras matapos makagat ng lamok na infected. Subalit, depende pa rin ito sa uri ng parasitiko na dala ng lamok. Kung ang lamok ay dala-dala ang parasitikong Plasmodium vivax, maaaring sumulpot ang mga sintomas makalipas ang maraming buwan o taon.
Upang agarang malunasan ang sakit na malaria, nakabubuting antabayanan ang mga sumusunod na sintomas:
- Mataas na lagnat
- Panginginig ng mga kalamnan (shaking chills)
- Pananakit ng mga kasu-kasuan
- Pananakit ng tiyan
- Labis na pamamawis
- Masakit na ulo
- Pakiramdam na tila naduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Pamumutla
- Pananakit ng mga kalamnan
- Pagdanas ng kombulsyon
- Pagdumi nang may kasamang dugo
Madalas ay napagkakamalan ang malaria na simpleng trangkaso lamang. Pero ang pinakapangunahing sintomas ng malaria ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat na may kasamang labis na panginginig ng mga kalamnan o shaking chills. Kapag nakaranas ng ganitong sintomas, agad na magpatingin sa doktor.
Mga Salik sa Panganib
Mataas ang posibilidad na magkaroon ng malaria dahil sa mga sumusunod na salik:
- Pagbabakasyon sa lugar na kilalang pugad ng malaria. Kapag nagbakasyon sa kilalang mga lugar na pugad ng malaria gaya ng Africa, Asya, at iba pa, maaaring makagat ng lamok na may Tandaan, ang malaria ay sakit na maaaring makuha buong taon sa mga lugar na ito sapagkat kanilang tropikal at mainit na klima ay pabor na pabor para sa mga lamok.
- Pagiging sanggol o bata. Dahil ang mga sanggol at bata ay hindi pa gaanong malakas ang immune system, mas madali silang maapektuhan ng sakit na ito. Bukod dito, ang mga bata ay kadalasang mahilig ding maglaro sa labas ng bahay kaya mas maaaring silang makagat ng mga lamok na mayroong malaria.
- Mga may edad. Gaya ng mga bata, ang mga may edad na ay mayroon ding mga mahihinang immune system kaya hindi rin sila malayong maapektuhan ng Bukod dito, ang kanilang mga ugat at daluyan ng dugo ay nagiging mas marupok kaya naman maaari silang makaranas ng matinding pagdurugo kapag naapektuhan ng malaria.
- Mga buntis at ang mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Kapag ang isang buntis ay nakagat ng lamok na may malaria, maaari siyang magkaroon ng sakit na ito at maipasa ito sa kanyang sanggol. Pero ayon sa mga doktor, ito ay napakadalang.
Pag-Iwas
Ang malaria ay isang mapanganib na kondisyon subalit maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Hindi pagbakasyon sa kilalang malaria areas. Kung nais magbakasyon, mas mainam na pumunta na lamang sa ibang lugar na walang gaanong Hangga’t maaari, iwasan ang mga lugar gaya ng Africa, Asya, Central at South America, Haiti, Dominican Republic, Middle East, at ilang mga isla sa Pasipiko.
- Pagsuot ng mahahabang damit. Upang mabawasan ang balat na makakagat ng lamok, magsuot ng damit na may mahahabang manggas. Magsuot din ng pantalon upang hindi makagat ang mga binti ng lamok. Sa halip na tsinelas, magsuot ng sapatos upang hindi nakalabas ang mga paa.
- Pagpahid ng mosquito repellent. Kung pupunta sa mga lugar na malamok, ugaliing magpahid muna ng mosquito repellent. Nakatutulong ito upang hindi ka kagatin ng mga lamok dahil ayaw nila ng amoy nito. Maraming mabibiling mosquito repellent sa mga botika kaya naman ikaw ay mananatiling protektado.
- Pag-alis ng mga pinamamahayan ng lamok. Kung may mga naiipunang tubig sa loob o labas ng bahay, alisin ang mga ito upang hindi mapagpugaran ng mga lamok. Panatilihing malinis ang kapaligiran upang hindi ito pamahayan ng mga lamok.
- Pag-inom ng mga anti-malarial drug. Marami na ngayong gamot ang maaaring inumin upang maiwasan ang malaria tulad ng atovaquone-proguanil, doxycycline, at mefloquine hydrochloride. Upang malaman ang tamang dosage nito, kumonsulta sa doktor.
Huwag mamaliitin ang kagat ng mga lamok lalo na kung ikaw ay nagkalagnat na may kasamang panginginig. Maaaring ito ay malaria na. Napakabilis nitong lumala sapagkat ang mga parasitiko ay inaatake ang mga daluyan ng dugo, pati na rin ang atay. Bukod dito, maaari rin itong magdulot ng komplikasyon gaya ng malalang anemia at pinsala sa utak na maaaring magresulta sa comatose.
Sanggunian
- https://www.cdc.gov/parasites/malaria/index.html
- https://www.healthline.com/health/malaria
- https://www.nhs.uk/conditions/Malaria/
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/150670.php
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/malaria/symptoms-causes/syc-20351184
- https://www.drugs.com/health-guide/malaria.html
- https://www.health24.com/Medical/Malaria/Overview/What-are-the-symptoms-and-signs-of-malaria-20130205
- https://www.medbroadcast.com/condition/getcondition/malaria
- https://www.webmd.com/a-to-z-guides/malaria-symptoms#1-2
- https://www.medlife.com/blog/malaria-types-cause-symptoms-treatment/
- https://www.scientificamerican.com/article/when-was-malaria-first-di/
- https://www.etymonline.com/word/malaria