Sakit na Neurolohikal
Buod

Ang mga neurolohikal na sakit (neurological diseases) ay tumutukoy sa mga uri ng karamdaman na umaapekto sa utak, sa gulugod, maging sa mga ugat na umuugnay sa mga ito. Sa ngayon ay mayroong mahigit na 600 na mga kondisyon sa mga bahaging ito ng katawan. Ang pinaka-kilala sa mga ito ay ang kanser sa utak, Parkinson’s disease, epilepsy, maging ang stroke.
Ang iba pang mga sakit na neurolohikal ay ang Huntington’s disease at muscular dystrophy na bunga ng abnormal na mga gene. Samantala, ang spina bifida ay dulot naman ng hindi maayos na pag-usbong ng nervous system. Ang Parkinson’s disease at Alzheimer’s disease naman ay dulot ng pagkapinsala o pagkamatay ng mga nerve cell.
Ang karaniwang sintomas ng mga pangunahing neurolohikal na sakit ay kagaya ng pagkakaroon ng panandaliang pagkalimot, pangmatagalang pagkalimot, pangingisay (na kagaya ng sa epilepsy), maging ang pagkaparalisa (kagaya ng sa stroke).
Ang ilan naman sa mga sanhi ng pagkakaroon ng ilan sa mga neurolohikal na sakit ay ang uri ng pamumuhay, mga impeksyon, pagkakaroon ng abnormal na mga genes, mga uri ng pagkaing pumipinsala sa nervous system, pagkapinsala o injury na bunga ng aksidente, maging ang ilang mga salik na pangkapaligiran.
Ang ilan sa mga neurolohikal na sakit ay hindi na maaaring lunasan, subalit may ilang mga hakbang na nakatutulong upang malunasan ang mga sintomas ng mga ito. Sa kabilang dako, may mga uri ng neurolohikal na sakit na nilulunasan gamit ang brain mapping, deep brain stimulation, gamma knife, maging ang iba pang uri ng mga therapy na naglalayong i-repair o hilumin ang mga pinsala na dulot ng trauma o aksidente.
Kasaysayan ng mga kondisyong neurolohikal
Image Source: unsplash.com
Ang pag-aaral ukol sa mga sakit na neurolohikal, maging ang iba’t ibang mga lunas para rito, kabilang na ang neurosurgery, ay nag-umpisa na noon pa mang panahon ng mga sinaunang sibilisasyon. Subalit, noon lamang ika-16 na siglo naging sistematiko ang pag-aaral ukol sa larangang ito, maging ang mga lunas para sa iba’t ibang sakit na nasasaklaw nito.
Ang mga Inca ng South America ay ginawa na ang trepanning, isang uri ng paraan ng operasyon sa bungo na ginagamit upang lunasan ang mga sakit sa ulo. Ang pamamaraan nilang ito ay nakakatulad sa modernong paraan. Ginamit nila ito sa mga mandirigma nila noon batay sa mga nakalap na ebidensya sa mga labi ng sibiliasyong ito.
Sa matandang Ehipto naman ay may naitalang mga pamamaraan ng operasyon para sa trauma. May mga naitala sa Edwin Smith papyrus ukol sa mga paglalarawan at mga mungkahi ukol sa mga lunas sa sakit na may kinalaman sa utak at mga ugat.
Sa panahon naman ni Hippocrates, ang dakilang manggagamot ng sinaunang Grecia, pinag-aralan na ang mga natural na sanhi ng epilepsy. Ginawa na rin noon ang pag-analisa sa nervous system sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga labi ng tao. Sa panahon naman ni Aristotle ay inilarawan ang utak ng tao. Samantala, sa panahon ng sinaunang Roma naman ay ginawa ni Galen ang operasyon upang ipakita ang nervous system ng ilang uri ng mga nilalang, kasama na ang mga unggoy.
Noon namang panahon ng Renaissance ay nagkaroon ng mabilis na pag-unlad sa pag-aaral ukol sa mga sakit na neurolohikal at sa neurosurgery. Ito ay dahil sa pagkaka-imbento sa isang uri ng makabagong paraan ng pagpapalimbag ng mga aklat.
Noon namang 1543 ay lalo pang mabilis na umunlad ang pag-aaral ukol sa neurology at anatomy nang ipinalimbag ni Andreas Vesalius ang kaniyang akda na De humani corpori fabrica. Dito ay idinetalye niya sa pamamagitan ng mga guhit ang mga ventricle, pituitary gland, meninges, cranial nerve, ang mga bahagi ng mata, perhipheral nerve, maging ang utak at ang spinal cord.
Samantala, noon namang 1549 ay ipinalimbag ni Jason Pratensis ang kauna-unahang aklat ng neurology, ang “De Cerebri Morbis”. Naglalaman ang aklat na ito ng iba’t ibang mga sakit na neurolohikal, mga sintomas ng mga ito, maging ang ilang mga ideya mula kay Galen at iba pang mga may akda na Griyego, Romano, at Arabo. Noon namang 1664 ay ipinalimbag ni Thomas Willis ang kaniyang aklat na “Anatomy of the Brain” na sinundan naman ng isa pa niyang aklat na “Cerebral Pathology” na inilimbag noong 1667. Ang “circle of Willis” na katawagan sa isang bahagi ng utak ay nag-umpisang gamitin nang tinanggal ni Willis ang utak mula sa cranium upang pag-aralan ito.
Paglipas ng may ilang daang taon pa ay naimbento naman ang iba’t ibang uri ng mga kagamitan na tumutulong sa mabisang pag-opera sa ulo at sa buong nervous system. Sa panahon natin ngayon, karaniwan na ang mga imaging device na tumutulong upang ligtas na masilip ang nervous system ng pasyente nang hindi na kinakailangan ang operasyon.
Mga Katangian
Napakarami ng mga uri ng sakit na neurolohikal. Dahil dito, napakarami rin ng mga katangian ng mga kondisyong ito.
Sa ibang mga uri ng sakit na ito, may mga emosyonal na sintomas na maaaring umapekto sa pasyente, kagaya ng mga sumusunod:
- Pagbabago ng ugali dahil sa karamdamang emosyonal
- Depresyon
- Pagkakaroon ng mga ilusyon
Bukod dito, maaari ring makaranas ng mga pisikal na sintomas ang mga taong may sakit na neurolohikal. Ang mga ito ay kagaya ng mga sumusunod:
- Buo o bahagya na pagkaparalisa ng katawan
- Panghihina ng mga kalamnan
- Buo o bahagya na pagkawala ng pakiramdam
- Pagkakaroon ng mga seizure
- Hirap sa pagbabasa at pagsusulat
- Hirap sa pag-unawa
- Pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pananakit ng katawan
- Kakulangan sa pagiging alerto
Kapag nakaranas ang sinuman ng mga palatandaan na nabanggit sa itaas, kinakailangang magpasuri kaagad sa manggagamot.
Mga Sanhi
Bagama’t ang mga ugat, ang spinal cord, maging ang utak ay napaliligiran ng mga protective membrane, maaaari pa ring mapinsala ang mga ito. Ang pagkakabunggo ng ulo o ng gulugod bunga ng mga aksidente at iba pang trauma na dulot ng mga pisikal na aktibidad ay maaaring maging sanhi ng hindi maayos na paggana ng mga neurological pathway. Kahit ang maliit na pinsala rito ay maaaring maging daan ng ikapagkakaroon ng sakit na neurolohikal.
Ang ilan sa mga salik na maaaring magbunga ng pagkakaroon ng sakit na neurolohikal ay ang mga sumusunod:
- Uri ng pamumuhay. May mga kaugalian at mga bisyo na maaaring magdulot ng pagkapinsala ng nervous system. Ang ilan sa mga ito ay ang malabis na pagkain ng mga pagkaing matataba, kakulangan ng ehersisyo, maging ang paninigarilyo.
- Mga impeksyon. May mga uri ng virus na umaapekto sa utak at sa iba pang bahagi ng nervous system.
- Genetics. May mga salik na namamana na maaaring hindi maiwasan.
- Kakulangan ng nutrisyon. Ang utak at ang mga ugat ay nangangailangan din ng sapat na nutrisyon sa lalong ikaaayos na paggana ng mga ito. Ang isa sa mga pangunahing bitamina na kailangan ng mga ito ay ang vitamin Tumutulong ito sa pagpapatibay sa kaugnayan ng mga ugat, gulugod, at utak.
- Mga bagay sa kapaligiran. May mga sangkap at mga kemikal na nasa kapaligiran na maaaring puminsala o magpahina sa buong nervous system ng katawan.
- Mga trauma. Ang pagkakabunggo ng ulo o kaya ay ang pagkakabali ng gulugod bunga ng mga aksidente ay maaaring magdulot ng panandalian o kaya ay pamalagiang pinsala sa utak o sa buong nervous system.
Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng mga kondisyong neurolohikal
Narito naman ang mga kilalang salik na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng sakit na neurolohikal:
- Pagkakaroon ng altapresyon. Ang pagkakaroon ng altapresyon ay naglalagay sa tao sa panganib ng pagkakaroon ng stroke na isa sa mga pangunahing sakit na neurolohikal.
- Mga namamanang kondisyon. Kapag mayroong gene sa lahi ng isang tao na nagdudulot ng sakit na neurolohikal, siya ay may mataas na panganib na magkaroon ng ganitong kondisyon.
- Uri ng pamumuhay. Ang ilang mga bahagi ng pamumuhay, kagaya ng mga pinipiling uri ng pagkain at ang kakulangan sa ehersisyo, ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng mga sakit na neurolohikal.
- Mga salik na pangkapaligiran. Kapag ang paligid ng tirahan, o kaya ay ng lugar na pinagtatrabahuhan, ay lantad sa iba’t ibang uri ng impeksyong umaapekto sa nervous system, maaari rin itong maging daan sa ikapagkakaroon ng sakit na neurolohikal.
Paggamot at Pag-Iwas
May mga uri ng sakit na neurolohikal na hindi na nalulunasan, o irrerversible. Subalit, may ilan naman na maaaring lunasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagbabago sa uri ng pamumuhay. Ito ang isa sa pinaka-pangunahing lunas sa mga kilalang sakit na neurolohikal. Ang pamumuhay na naaayon sa tuntunin ng mabuting kalusugan, kagaya ng pagpili ng masusustansiyang pagkain, pag-eehersisyo, maging ang pag-iwas sa paninigarilyo, ay malaki ang naitutulong sa pangkalahatang kalusugan. Nakatutulong din ito sa ikapananatiling maayos ng paggana ng buong nervous system.
- Physiotherapy. Ginagawa ang paraang ito upang lunasan ang mga sintomas ng ibang sakit na neurolohikal at upang maibalik ang paggana ng ibang bahagi ng nervous system na napinsala.
- Paglunas sa sakit. May mga uri ng mga sakit na neurolohikal na nagdudulot ng malubhang pananakit. Bahagi ng paglunas sa kabuuang kondisyon ay ang pagbawas o kaya ay ang lubos na pag-alis sa sakit na nararamdaman ng pasyente sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gamot o kaya ay ng operasyon.
- Mga iba’t ibang uri ng gamot. Mga gamot na ipinaiinom na tumutulong sa panunumbalik ng paggana ng mga napinsalang bahagi ng nervous system. Subalit, ito ay para sa iilan lamang na uri ng kondisyon.
- Cognitive therapy treatments. Ang paraan na ito ay tumutulong upang baguhin ang pag-iisip o ang pananaw ng pasyente ukol sa uri ng kaniyang karamdaman.
Pag-iwas sa mga kondisyong neurolohikal
May mga hakbang na maaaring gawin upang makatulong sa pagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng ilan sa mga neurolohikal na sakit. Ang mga ito ay kagaya ng mga sumusunod:
Image Source: unsplash.com
- Wastong pagkain. Piliin ang mga pagkaing tumutulong sa pagpapalusog at sa pagpapanatiling malusog ng utak at ng mga ugat, kagaya ng mga pagkaing mayaman sa bitamina B. Iwasan din ang mga pagkaing labis ang taglay na taba upang makaiwas sa altapresyon at
- Pagkakaroon ng sapat na ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang tumutulong sa pagpapalakas ng mga kalamnan at buto. Tumutulong din ang mga ito sa pagpapatibay at sa pagpapanatiling malusog ang mga ugat at ang utak, dahil nagbubunga ito ng maayos na pagdaloy ng dugo.
- Pag-iwas sa paninigarilyo. Napatunayan sa ilang mga pag-aaral na may mga sangkap sa sigarilyo na maaaring magdulot ng pinsala hindi lamang sa baga, kundi maging sa mga ugat. At dahil sa iba’t ibang uri ng mga sakit sa baga na maaaring idulot ng sigarilyo, mahihirapan ang katawan na bigyan ng sapat na dami ng oxygen ang utak para sa maayos na paggana nito.
- Pag-monitor sa presyon ng dugo. Ang regular na pag-monitor sa presyon ng dugo ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-atake ng stroke. Kaya, dapat ay regular na natitiyak na ang presyon ng dugo ay normal batay sa edad at kalusugan.
- Pamamalaging normal ng timbang. Ang pagiging labis na mataba, o kaya ay pagkakaroon ng timbang na higit sa normal, ay isa sa mga pangunahing salik sa pagkakaroon ng neurolohikal na sakit, lalo na ng altapresyon o
- Pag-iwas sa stress. Ang stress ay itinuturing din na isa sa mga pangunahing salik sa pagkakaroon ng sakit na neurolohikal, lalo na ang altrapresyon o stroke. Mainam na gawin lagi ang mga bagay na nakalilibang sa tuwing nahaharap sa mga problema. Maaari ring sangguniin ang mga doktor ukol sa mga aktibidad na maaaring gawin na tumutulong sa pag-iwas sa stress.
Mga Uri ng mga Kondisyong Neurolohikal
Isa sa mga mabibisang paraan upang agad na malapatan ng lunas ang anumang uri ng sakit ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol dito. Narito ang talaan ng mga iba’t ibang uri ng sakit na maaaring umapekto sa utak, sa gulugod, maging sa mga ugat na umuugnay sa mga ito:
- Abnormal na pagtubo ng gulugod (Spina bifida)
- Absence of the septum pellucidum
- Acid lipase disease
- Acid maltase deficiency
- Acquired epileptiform aphasia
- Acute disseminated encephalomyelitis
- ADHD
- Adie’s pupil
- Adie’s syndrome
- Adrenoleukodystrophy
- Agenesis of the corpus callosum
- Agnosia
- Aicardi syndrome
- Aicardi-Goutieres syndrome
- Alexander disease
- Alpers’ disease
- Alternating hemiplegia
- Alzheimer’s disease
- Anencephaly
- Aneurysm
- Angelman syndrome
- Angiomatosis
- Anoxia
- Antiphospholipid syndrome
- Aphasia
- Apraxia
- Arachnoid cysts
- Arachnoiditis
- Arnold-Chiari malformation
- Arteriovenous malformation
- Asperger syndrome
- Ataxia telangiectasia
- Ataxias and cerebellar or spinocerebellar degeneration
- Atrial fibrillation and stroke
- Attention deficit-hyperactivity disorder
- Autism spectrum disorder
- Autonomic dysfunction
- Barth syndrome
- Batten disease
- Becker’s myotonia
- Behcet’s disease
- Bell’s palsy
- Benign essential blepharospasm
- Benign focal amyotrophy
- Benign intracranial hypertension
- Bernhardt-Roth syndrome
- Binswanger’s disease
- Blepharospasm
- Bloch-Sulzberger syndrome
- Brachial plexus injuries
- Bradbury-Eggleston syndrome
- Brain aneurysm
- Brown-Sequard syndrome
- Bulbospinal muscular atrophy
- CADASIL
- Canavan disease
- Carpal tunnel syndrome
- Causalgia
- Cavernomas
- Cavernous angioma
- Cavernous malformation
- Central cervical cord syndrome
- Central cord syndrome
- Central pain syndrome
- Central pontine myelinolysis
- Cephalic disorders
- Ceramidase deficiency
- Cerebellar degeneration
- Cerebellar hypoplasia
- Cerebral aneurysms
- Cerebral arteriosclerosis
- Cerebral atrophy
- Cerebral beriberi
- Cerebral cavernous malformation
- Cerebral gigantism
- Cerebral hypoxia
- Cerebral palsy
- Cerebro-oculo-facio-skeletal syndrome (COFS)
- Charcot-Marie-tooth disease
- Chiari malformation
- Cholesterol ester storage disease
- Chorea
- Choreoacanthocytosis
- Chronic inflammatory demyelinating polyneuropathy (CIDP)
- Chronic orthostatic intolerance
- Cockayne syndrome type II
- Coffin Lowry syndrome
- Colpocephaly
- Coma
- Complex regional pain syndrome
- Congenital facial diplegia
- Congenital myasthenia
- Congenital myopathy
- Congenital vascular cavernous malformations
- Corticobasal degeneration
- Cranial arteritis
- Craniosynostosis
- Cree encephalitis
- Creutzfeldt-Jakob disease
- Cumulative trauma disorders
- Cushing’s syndrome
- Cytomegalic inclusion body disease
- Cytomegalovirus infection
- Dancing eyes-dancing feet syndrome
- Dandy-Walker syndrome
- Dawson disease
- De morsier’s syndrome information
- Deep brain stimulation for movement disorders
- Dejerine-Klumpke palsy
- Dementia
- Dementia na may kasamang lewy bodies
- Dentate cerebellar ataxia
- Dentatorubral atrophy
- Dermatomyositis
- Developmental dyspraxia
- Devic’s syndrome
- Diabetic neuropathy
- Diffuse sclerosis
- Dravet syndrome
- Dysautonomia
- Dysgraphia
- Dyslexia
- Dysphagia
- Dyspraxia
- Dyssynergia cerebellaris myoclonica
- Dyssynergia cerebellaris progressiva
- Dystonias
- Early infantile epileptic encephalopathy
- Empty sella syndrome
- Encephalitis
- Encephalitis lethargica
- Encephaloceles
- Encephalopathy (familial infantile)
- Encephalopathy
- Encephalotrigeminal angiomatosis
- Epilepsy
- Epileptic hemiplegia
- Erb’s palsy
- Erb-Duchenne at Dejerine-Klumpke palsies
- Essential tremor
- Extrapontine myelinolysis
- Fabry disease
- Fahr’s syndrome
- Fainting
- Familial dysautonomia
- Familial hemangioma
- Familial idiopathic basal ganglia calcification
- Familial periodic paralyses
- Familial spastic paralysis
- Farber’s disease
- Febrile seizures
- Fibromuscular dysplasia
- Fisher syndrome
- Floppy infant syndrome
- Foot drop
- Friedreich ataxia
- Frontotemporal dementia
- Gaucher disease
- Generalized gangliosidoses
- Gerstmann’s syndrome
- Gerstmann-Straussler-Scheinker disease
- Giant axonal neuropathy
- Giant cell arteritis
- Giant cell inclusion disease
- Globoid cell leukodystrophy
- Glossopharyngeal neuralgia
- Glycogen storage disease
- Guillain-Barré syndrome
- Hallervorden-spatz disease
- Hemicrania continua
- Hemifacial spasm
- Hemiplegia alterans
- Hereditary neuropathies
- Hereditary spastic paraplegia
- Heredopathia atactica polyneuritiformis
- Herpes zoster
- Herpes zoster oticus
- Hirayama syndrome
- Holmes-Adie syndrome
- Holoprosencephaly
- HTLV-1 associated myelopathy
- Hughes syndrome
- Huntington’s disease
- Hydranencephaly
- Hydrocephalus
- Hydromyelia
- Hypercortisolism
- Hypersomnia
- Hypertonia
- Hypotonia
- Hypoxia
- Immune-mediated encephalomyelitis
- Inclusion body myositis
- Incontinentia pigmenti
- Infantile hypotonia
- Infantile neuroaxonal dystrophy
- Infantile phytanic acid storage disease
- Infantile refsum disease
- Infantile spasms
- Inflammatory myopathies
- Iniencephaly
- Intestinal lipodystrophy
- Intracranial cysts
- Intracranial hypertension
- Isaacs’ syndrome
- Joubert syndrome
- Kapansanan sa pagkatuto (learning disabilities)
- Kearns-Sayre syndrome
- Kennedy’s disease
- Kinsbourne syndrome
- Kleine-Levin syndrome
- Klippel-Feil syndrome
- Klippel-Trenaunay syndrome (KTS)
- Klüver-Bucy syndrome
- Korsakoff’s Amnesic syndrome
- Krabbe disease
- Kugelberg-Welander disease
- Kuru
- Lambert-Eaton myasthenic syndrome
- Landau-Kleffner syndrome
- Lateral femoral cutaneous nerve entrapment
- Lateral medullary syndrome
- Leigh’s disease
- Lennox-Gastaut syndrome
- Lesch-Nyhan syndrome
- Leukodystrophy
- Levine-Critchley syndrome
- Lipid storage diseases
- Lipoid proteinosis
- Lissencephaly
- Locked-in syndrome
- Lou Gehrig’s disease (Amyotrophic lateral sclerosis o ALS)
- Machado-Joseph Disease
- Macrencephaly
- Masakit na likod (Back pain)
- Masakit na ulo (Head pain)
- Megalencephaly
- Melkersson-Rosenthal syndrome
- Meningitis at encephalitis
- Meningitis
- Menkes disease
- Meralgia paresthetica
- Metachromatic leukodystrophy
- Mga komplikasyong neurolohikal mula sa AIDS
- Mga neurolohikal na bunga ng cytomegalovirus infection
- Mga neurolohikal na komplikasyon ng AIDS
- Mga neurolohikal na komplikasyon ng lyme disease
- Mga neurolohikal na palatandaan ng Pompe disease
- Mga tumor sa gulugod (Spinal cord tumors)
- Mga tumor sa utak at gulugod
- Microcephaly
- Migraine
- Miller fisher syndrome
- Mini stroke
- Mitochondrial myopathies
- Moebius syndrome
- Monomelic amyotrophy
- Motor neuron diseases
- Moyamoya disease
- Mucolipidoses
- Mucopolysaccharidoses
- Multi-Infarct dementia
- Multifocal motor neuropathy
- Multiple sclerosis
- Multiple system atrophy
- Multiple system atrophy na may kasamang orthostatic hypotension
- Muscular dystrophy
- Myasthenia gravis
- Myelinoclastic diffuse sclerosis
- Myoclonic encephalopathy ng mga sanggol
- Myoclonus
- Myopathy
- Myotonia congenita
- Myotonia
- Narcolepsy
- Neuroacanthocytosis
- Neurodegeneration na may pamumuo ng iron sa utak (Brain Iron Accumulation)
- Neurofibromatosis
- Neuroleptic malignant syndrome
- Neurological sequelae of lupus
- Neuromyelitis optica
- Neuromyotonia
- Neuronal ceroid lipofuscinosis
- Neuronal migration disorders
- Neurosarcoidosis
- Neurosyphilis
- Neurotoxicity
- Niemann-Pick disease
- Normal pressure hydrocephalus
- O’Sullivan-McLeod syndrome
- Occipital neuralgia
- Ohtahara syndrome
- Olivopontocerebellar atrophy
- Opsoclonus myoclonus
- Orthostatic hypotension
- Overuse syndrome
- Pabalik-balik na pananakit (chronic pain)
- Pagbara ng gulugod (Spinal cord infarction)
- Pantothenate kinase-associated neurodegeneration
- Paraneoplastic syndromes
- Paresthesia
- Parkinson’s disease
- Paroxysmal coreoathetosis
- Paroxysmal hemicrania
- Parry-Romberg syndrome
- Pelizaeus-Merzbacher disease
- Pena Shokeir II syndrome
- Perineural cysts
- Periodic paralyses
- Peripheral neuropathy
- Periventricular leukomalacia
- Persistent vegetative state
- Pervasive developmental disorders
- Phytanic acid storage disease
- Pick’s disease
- Pinched nerve
- Pinsala sa gulugod (Spinal cord injury)
- Pinsala sa ulo na dulot ng aksidente (Head injury)
- Pinsala sa utak (brain Injury)
- Pinsala sa utak na bunga ng trauma (Traumatic brain injury)
- Piriformis syndrome
- Pituitary tumors
- Polymyositis
- Pompe disease
- Porencephaly
- Post-polio syndrome
- Postherpetic neuralgia
- Postinfectious encephalomyelitis
- Postural hypotension
- Postural orthostatic tachycardia syndrome
- Postural tachycardia syndrome
- Primary dentatum atrophy
- Primary lateral sclerosis
- Primary progressive aphasia
- Prion diseases
- Progressive hemifacial atrophy
- Progressive locomotor ataxia
- Progressive multifocal leukoencephalopathy
- Progressive sclerosing poliodystrophy
- Progressive supranuclear palsy
- Prosopagnosia
- Pseudo-Torch syndrome
- Pseudotoxoplasmosis syndrome
- Pseudotumor cerebri
- Psychogenic movement
- Ramsay hunt syndrome I
- Ramsay hunt syndrome II
- Rasmussen’s encephalitis
- Reflex sympathetic dystrophy syndrome
- Refsum disease
- Repetitive motion disorders
- Repetitive stress injuries
- Restless legs syndrome
- Retrovirus-associated myelopathy
- Rett syndrome
- Reye’s syndrome
- Rheumatic encephalitis
- Riley-Day syndrome
- Sacral nerve root cysts
- Saint vitus dance
- Salivary gland disease
- Sandhoff disease
- Schilder’s disease
- Schizencephaly
- Seitelberger disease
- Seizure disorder
- Semantic dementia
- Septo-optic dysplasia
- Severe myoclonic epilepsy of infancy (SMEI)
- Shaken baby syndrome
- Shingles
- Shy-Drager syndrome
- Sjögren’s syndrome
- Sleep apnea
- Sleeping sickness
- Sotos syndrome
- Spasticity
- Spinal muscular atrophy
- Spinocerebellar atrophy
- Spinocerebellar degeneration
- Steele-Richardson-Olszewski syndrome
- Stiff-Person syndrome
- Striatonigral degeneration
- Stroke (atake sa utak)
- Sturge-Weber syndrome
- Subacute sclerosing panencephalitis
- Subcortical arteriosclerotic encephalopathy
- Subcortical dementia
- SUNCT headache
- Swallowing disorders
- Sydenham chorea
- Syncope
- Syphilitic spinal sclerosis
- Syringohydromyelia
- Syringomyelia
- Systemic lupus erythematosus
- Tabes dorsalis
- Tardive dyskinesia
- Tarlov cysts
- Tay-Sachs disease
- Temporal arteritis
- Tethered spinal cord syndrome
- Thomsen’s myotonia
- Thoracic outlet syndrome
- Thyrotoxic myopathy
- Tic douloureux
- Todd’s paralysis
- Tourette syndrome
- Transient ischemic attack
- Transmissible spongiform encephalopathies
- Transverse myelitis
- Tremors
- Trigeminal neuralgia
- Tropical spastic paraparesis
- Troyer syndrome
- Tuberous sclerosis
- Vascular erectile tumor
- Vasculitis syndromes ng central at peripheral nervous systems
- Von Economo’s disease
- Von Hippel-Lindau disease (VHL)
- Von Recklinghausen’s disease
- Wallenberg’s syndrome
- Werdnig-Hoffman disease
- Wernicke-Korsakoff syndrome
- West syndrome
- Whiplash
- Whipple’s disease
- Williams syndrome
- Wilson dsease
- Wolman’s disease
- X-linked spinal and bulbar muscular atrophy
- Zellweger syndrome
Tandaan na ang anumang uri ng sakit, kahit minor pa ang uri nito, ay maaaring lumala at humantong sa kamatayan. Ganito rin ang mga sakit na neurolohikal, lalo na at ang naaapektuhan nitong bahagi ng katawan ay ang isa sa pinakamahalaga. ang utak.
Kung mayroon mang nararamdamang mga sintomas na inilarawan sa artikulong ito patungkol sa mga sakit na neurolohikal, sumangguni kaagad sa mga doktor na neurologist.
Sanggunian
- https://www.psychguides.com/neurological-disorders/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK11793/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4202568/
- https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_neurological_conditions_and_disorders
- https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_neurology_and_neurosurgery
- https://www.ucsfhealth.org/conditions/neurological_disorders/
- https://www.who.int/features/qa/55/en/
- https://medlineplus.gov/neurologicdiseases.html
- https://www.ninds.nih.gov/disorders/all-disorders