Buod
Ang neuropathy ay ang pinaikling tawag sa peripheral neuropathy. Sa kondisyon na ito, ang mga peripheral nerve ng isang tao ay may pinsala kaya nakararanas siya ng pamamanhid ng katawan at pakiramdam na tila tinutusok-tusok ng mga karayom (pins and needles). Kapag sinabing peripheral, ang tinutukoy nito ay ang mga nasa gilid o dulong bahagi ng katawan. Kaya naman kapag may peripheral neuropathy, ang mga sintomas ay kadalasang nararamdaman sa mga kamay at paa.
Nagdudulot ang neuropathy ng hindi komportableng pakiramdam at maaari itong makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bukod sa mga nabanggit na pamamanhid at pagramdam ng pins and needles, maaari ring makaranas ang pasyente ng panghihina, pananakit, at pamumulikat ng mga kalamnan ng kamay o binti. Kabilang din sa mga sintomas ng neuropathy ay ang paghina ng reflex ng katawan, pagiging sensitibo sa temperatura, pagkakaroon ng hirap sa pagbabalanse, makuyad na pagkilos, pagkahilo, at kawalan ng kakayanan sa pakikipagtalik.
Ang kondisyong ito ay maaaring mamana o kaya naman ay makuha dulot ng iba’t ibang mga paraan. Ilan lamang sa mga sanhi ng neuropathy ay aksidente o trauma, impeksyon, autoimmune disorder, systemic disease, ilang uri ng mga gamot, vascular disorder, kakulangan sa bitamina, at labis na pag-inom ng alak.
Upang magamot ang neuropathy, ang pasyente ay maaaring resetahan ng mga gamot, isailalim sa physical therapy, pagamitin ng mga instrumentong nakatutulong sa pagkilos, o kaya naman ay operahan.
Kasaysayan
Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na 100 uri ng neuropathy at nagkakaroon ng kondisyon na ito dahil napipinsala ang mga nerve ng katawan. Noong sinaunang panahon, bandang ika-4 na siglo, pinaniniwalaan ni Aristotole na ang mga nerve ay kinokontrol ng puso. Matapos ang 6 na siglo, kinontra ni Galen ang mga inilahad ni Aristotle. Ayon kay Galen, isang kilalang doktor na Romano, ang mga nerve ay kinokontrol ng utak at hindi ng puso. Ito naman ay sinang-ayunan ng iba pang mga doktor noong kapanahunang iyon.
Isa rin si Master Nicolaus sa mga doktor na naglahad tungkol sa mga nerve at nervous system. Ayon sa kanya, ang mga nerve ay maliliit na miyembro ng utak na tumutulong upang makaramdam at makakilos ang isang tao. Bukod dito, sinabi rin ni Nicolaus na ang mga nerve ay nahahati sa mga “soft nerve” at “hard nerve.” Sa kasalukuyan, ang mga soft nerve ay kilala na ngayon bilang sensory nerve, samantalang ang hard nerve ay kilala sa tawag na motor nerve.
Ayon naman sa ibang mga doktor at mananaliksik, ang mga nerve ng katawan ay nakatutulong upang makapag-ugnayan ang iba’t ibang mga bahagi nito. Kung ang mga nerve ay magkakapinsala, mawawalan ng koordinasyon ang mga bahagi ng katawan at maaari naman itong magdulot ng iba’t ibang mga kondisyon.
Dahil napakalawak ng saklaw ng nervous system, patuloy pa rin ang pag-aaral tungkol sa sistemang ito. Dahil din sa kontribusyon ng mga sinaunang doktor at mananaliksik, mas naiintindihan na ngayon ang mga sakit na maaaring makaapekto sa nervous system at mga angkop na lunas para rito.
Mga Sanhi
Ang peripheral neuropathy ay maaaring mamana o makuha sa iba pang paraan. Ilan lamang sa mga kilalang sanhing ito ay:
- Charcot-Marie-Tooth (CMT) disease. Ang CMT ay isang namamanang uri ng Sa kondisyon na ito, naapektuhan ang mga motor at sensory nerve ng katawan. Dahil dito, nahihirapan ang pasyente na igalaw ang kanyang mga binti at paa dulot na rin ng panghihina ng mga kalamnan nito. Bukod dito, nawawala sa normal na itsura o porma ang mga paa habang tumatagal. Ito naman ay nagiging sanhi ng madalas na pagkadulas o pagkahulog ng pasyente. Kalaunan, maaapektuhan din ng CMT ang mga kalamnan ng mga kamay.
- Aksidente o trauma. Maaari ring magdulot ng neuropathy ang aksidente o trauma. Maaaring ito ay mula sa pagkakahulog, aksidente sa kalsada, o maling pag-eehersisyo. Dahil dito, maaaring maipit ang mga peripheral nerve ng katawan at magdulot ng neuropathy.
- Impeksyon. Ang pagkakaroon ng impeksyon sa katawan ay maaari ring magdulot ng neuropathy. Kapag may impeksyon, ang katawan ay maaaring inaatake ng bacteria o virus. Pero sa kaso ng neuropathy, ang kadalasang sanhi nito ay viral infection. Ilan lamang sa mga viral infection na maaaring magdulot ng neuropathy ay bulutong, shingles, herpes, AIDS, at iba pa.
- Autoimmune disorder. Kapag may autoimmune disorder ang isang tao, inaatake ng sariling immune system ang mga bahagi ng katawan. Halimbawa ng mga autoimmune disorder ay Guilain-Barre syndrome, systemic lupus erythematosus, at rheumatoid arthritis. Kung mayroon man ng alinman sa mga kondisyong nabanggit, mapapansin na madalas mamanhid at makaranas ng pakiramdam na tila tinutusok-tusok ang mga kamay at paa. Ito ay sapagkat naaapektuhan na ng mga kondisyong ito ang mga peripheral nerve ng katawan.
- Systemic disease. Ang systemic disease ay isang paghahanay ng mga sakit kung saan ang buong katawan ay naaapektuhan. Halimbawa ng mga systemic disease ay diabetes, ilang uri ng kanser, at karamihan ng mga autoimmune disease. Kapag mayroong systemic disease, ang mga peripheral nerve ay napipinsala at nagreresulta sa
- Ilang uri ng mga gamot. Ang ilang uri ng mga gamot ay maaari ring magdulot ng Halimbawa nito ay ang mga platinum compound, taxane, vinca alkaloid, thalidomide, velcade, cystosine arabinoside, misonidazole, interferon, at iba pa.
- Vascular disorder. Ang vascular disorder ay mga uri ng sakit na nakaaapekto sa mga daluyan ng dugo ng katawan. Halimbawa ng mga vascular disorder ay altapresyon at atherosclerosis o pagbabara ng daluyan ng dugo. Sa mga kondisyong ito, ang mga daluyan ng dugo ay maaaring kumapal at maging marupok. Ito naman ay nagreresulta sa pagkasugat-sugat ng mga ito. Dahil din dito, maaaring maapektuhan ang mga kalapit na nerve sa daluyan ng dugo at magdulot ng
- Kakulangan sa bitamina. Ang mga nerve ng katawan ay nangangailangan ng sapat na dami ng mga bitamina upang gumana nang maayos. Kung nagkukulang sa mga bitamina E, B1, B6, B9, B12, at niacin, maaaring magkaroon ng
- Labis na pag-inom ng alak. Ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng katawan na i-proseso ang mga bitamina at mineral na kailangan ng mga nerve upang manatiling malusog.
Mga Sintomas
Image Source: www.amputee-coalition.org
Kung may neuropathy ang isang tao, maaaring makaranas siya ng karamihan sa mga sumusunod na mga sintomas:
- Pakiramdam na tila tinutusok-tusok na pakiramdam (pins and needles) sa mga kamay o paa
- Pamamanhid ng mga kamay o paa
- Panghihina ng mga kalamnan
- Pananakit ng mga kalamnan
- Pamumulikat ng mga kamay o binti
- Paghina ng mga reflex ng katawan
- Pagiging sensitibo sa temperatura
- Pagkakarooon ng hirap sa pagbabalanse
- Makuyad na pagkilos
- Pagkahilo
- Kawalan ng kakayanan sa pakikipagtalik
Kapag nagkaroon ng neuropathy, karaniwang nararamdaman ang mga sintomas sa parehong kanan at kaliwang bahagi ng katawan. Ngunit may mga kaso rin na ang naaapektuhan ay isa lamang sa mga ito.
Mga Salik sa Panganib
Image Source: www.freepik.com
Maaaring maapektuhan ng neuropathy ang kahit na sinuman, subalit naipatataas ng mga sumusunod na salik ang posibilidad na magkaroon nito:
- Pagiging matanda. Habang tumatanda, ang mga nerve ng katawan ay nagiging marupok na at pumapalya na. Kaya naman, madalas makaramdam ng pangingimi at pamamanhid ang mga matatanda.
- Pagkakaroon ng kasaysayan ng diabetes sa pamilya. Kung may diabetes ang ilang malalapit na miyembro ng pamilya, maaari ring magkaroon ng diabetes at magdulot ito ng neuropathy.
- Pagkakaroon ng payat at mahinang pangangatawan. Maaari ring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng neuropathy ang isang tao kapag siya ay mayroong payat at mahinang pangangatawan. Ito ay nangangahulugan lamang na kulang siya sa mga bitamina at mineral na siyang kailangan ng mga nerve upang gumana nang maayos at manatiling malusog.
- Labis na pag-inom ng alak. Gaya ng nabanggit noong una, ang alak ay maaaring maapektuhan ang mga bitamina at mineral ng katawan. Dahil dito, ang mga nerve ng katawan ay hindi nagkakaroon ng sapat na nutrisyon.
- Pagkakaroon ng kanser. Tataas din ang posibilidad na magkaroon ng neuropathy ang mga taong may kanser. Sa kondisyong ito, hindi lang ang mga selula ng katawan ang naaapektuhan, kundi pati na rin ang mga kalapit na nerve nito.
Pag-Iwas
Image Source: www.freepik.com
Ang ilang uri ng neuropathy ay hindi maaaring iwasan sapagkat ito ay namamana. Ngunit para sa mga taong walang namanang kondisyon, maaaring iwasan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Panatilihing malusog ang pangangatawan. Kung ang buong katawan ay malusog, mananatili ring malusog ang mga peripheral nerve ng katawan. Upang lumakas ang resistensya, kumain ng balanse at masusustansyang pagkain araw-araw. Ugaliin din ang mag-ehersisyo upang mapanatili ang lakas ng mga kalamnan at umayos ang pagdaloy ng dugo.
- Bawasan ang pag-inom ng alak. Higit na nakatutulong ang pagbawas o tuluyang paghinto sa pag-inom ng alak at iba pang mga nakalalasing nainumin. Bukod sa neuropathy, nakapagdudulot din ito ng mga sakit sa puso at atay.
- Iwasan ang mga labis na matatamis, matataba, at maaalat na mga pagkain. Ang mga pagkaing matatamis, matataba, at maaalat ay maaaring makapagdulot ng mga systemic disease gaya ng Upang hindi magkaroon ng anumang uri ng ganitong mga sakit, kumain lamang ng mga masusustansyang uri ng pagkain.
- Uminom ng mga supplement. Hindi lahat ng mga bitamina at mineral ay nakukuha sa pagkain. Kaya naman, mainam na magpakonsulta sa doktor at humingi ng payo kung anong mga supplement ang maaaring inumin upang lumakas ang resistensya ng katawan.
Ang neuropathy ay hindi isang mapanganib na kondisyon lalo na kung ito ay maaagapan. Subalit, kung ito ay napabayaan, maaaring hindi na tuluyang bumalik ang normal na kondisyon ng mga kamay o paa at makaapekto ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sanggunian
- https://www.livestrong.org/we-can-help/finishing-treatment/neuropathy
- https://www.everydayhealth.com/neuropathy/guide/
- https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14737-neuropathy
- https://en.wikipedia.org/wiki/Peripheral_neuropathy
- https://www.ninds.nih.gov/Disorders/Patient-Caregiver-Education/Fact-Sheets/Peripheral-Neuropathy-Fact-Sheet
- https://www.news-medical.net/?tag=/Peripheral-Neuropathy
- https://web.stanford.edu/class/history13/earlysciencelab/body/nervespages/nerves.html