Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Walang isang gamot na maaaring makapagpabalik sa likas na lakas ng pandinig. Subalit, maraming mga lunas na puwedeng makapagpalakas muli sa pandinig nang kakaunti, o kaya naman ay makapagbigay ng ginhawa sa buhay ng may pagkabingi. Ito ang sumusunod:

  • Pagtanggal ng sobrang tutuli. Ang sobrang tutuli ay maaring magdulot ng pagbara sa tenga. Maaari itong ipatanggal sa doktor upang mabigyan ng ginhawa ang pasyente at mawala ang pansamantalang pagkabingi na dulot nito.
  • Pag-opera ng doktor sa tenga. Mayroong mga pinsala sa tenga na maaari pang madaan sa pag-opera ng doktor. Halimbawa, puwedeng operahan ang pasyente kung siya ay mayroong abnormalidad na nagdudulot sa pagkabingi.
  • Paggamit ng mga hearing aid. Ang mga hearing aid ay malaking tulong para sa mga may pagkabingi. Ang kagamitang ito ay nagpapalakas o nagpapalinaw ng tunog na naririnig. Ang isang audiologist ay maaaring makatulong sa pagpili ng tamang sukat at modelo ng hearing aid.
  • Paggamit ng mga cochlear implant. Ang cochlear implants ay ginagamit kapag malubha na ang pagkabingi ng pasyente at hindi na mabisa ang mga hearing aid. Kung ang hearing aid ay nagpapalakas ng tunog na dumadaloy sa tenga, ang cochlear implant naman ay direktang tumutulong sa pagpagana ng hearing nerve. Maaaring magpalagay ng mga cochlear implant sa tulong ng doktor at ng audiologist.