Buod

Ang blepharitis ay ang pamamaga ng mga talukap ng mata. Nagkakaroon ng pamamaga kapag ang mga oil gland ng talukap ay nairita o nabarahan. Maaaring ang blepharitis ay bunga din ng pagdami ng bacteria sa mata, pamamahay ng parasitiko sa mata, hormone imbalance, alerhiya, at marami pang iba.

Kapag nagkaroon ng kondisyon na ito, maaaring makaranas din ng iba’t ibang sintomas ang pasyente. Bukod sa pamamaga ng mga talukap, mapapansin din na namumula ang mga ito na may minsanang pangangati. Maaari ring makaramdam ang pasyente na parang laging mayroong nakabara sa ilalim ng kanyang mga talukap. Madalas ding naglalangib ang mga pilikmata at nanunuyo ang mismong mga mata. Dagdag dito, may posibilidad ding makaranas ng malabong paningin habang hindi pa nagagamot ang blepharitis.

Upang magamot ang blepharitis, ugaliin lamang na linisin ang mga mata araw-araw. Maaari ring magreseta ang doktor ng mga steroid upang maalis ang pamamaga. Bukod dito, maaari ring bigyan ang pasyente ng mga antibiotic upang mawala ang anumang impeksyon sa mata.

Kasaysayan

Noong sinaunang panahon, itinuturing ng mga taga-Ehipto na isang mahalagang kultural na simbolo ang mga mata. Mula sa paglilibing ng mga yumao at pagtataboy ng masasamang mga kaluluwa, ang pagpinta ng mga mata at paggamit ng kuwintas na may mata ay nakatutulong upang maghatid ng katiwasayan. Dahil dito, binibigyang halaga nila at nilulunasan ang anumang karamdamang nakaaapekto sa mga mata.

Batay sa Ebers Papyrus (sinaunang talang medikal ng mga taga-Ehipto), ang pagkakaroon ng mga sakit sa mata ay karaniwan na noong sinaunang panahon. Subalit, ang mga sakit sa mata na naitala sa Ebers Papyrus ay hindi detalyado. Nabanggit naman sa Ebers Papyrus ang pamamaga ng mga talukap o blepharitis. Subalit, walang gaanong paglalahad tungkol sa partikular na kondisyong ito.

Bagama’t wala pa noong tumpak na paglalahad sa bawat uri ng sakit sa mata, nailahad naman ng mga sinaunang taga-Ehipto ang mga paraan kung paano nila gamutin ang mga pangkaraniwang sakit sa mata. Ayon sa mga tala, karaniwang gumagamit sila ng topical eye ointment o mga gamot na ipinapahid lamang sa labas ng mga mata. Ang mga ointment ay karaniwang gawa sa mga katas ng halaman. Kung minsan naman ay hinahaluan din nila ang ointment ng mga sangkap na galing sa mga mineral at mga katas ng dinurog na laman o ngipin ng hayop. Walang gaanong nabanggit kung ang mga ointment na kanilang ginawa ay mabisa.

Mga Uri

Ang blepharitis ay mayroong dalawang pangunahing uri. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Anterior blepharitis. Ang anterior ay nangangahulugang “nasa bandang unahan.” Kaya naman sa uring ito, ang pamamaga ay matatagpuan sa bandang unahan ng mga talukap kung saan nakakabit ang mga pilikmata.
  • Posterior blepharitis. Ang posterior ay nangangahulugan naman na “nasa bandang likuran.” Sa uring ito, ang pamamaga ay nagaganap sa bandang likuran ng mga talukap.

Mga Sanhi

Ang blepharitis ay nagaganap sapagkat may naiirita o nababarahan ang mga oil gland ng talukap. Maaaring mamaga ang mga ito kung naapektuhan ng mga sumusunod:

  • Pagdami ng bacteria sa mata. Ang mga balat ng mata ay natural na may Karaniwang hindi mapanganib ang mga bacteria na ito, subalit kung ang mga mata ay hindi nalilinis nang mabuti, maaaring dumami ang mga ito at magdulot ng pamamaga.
  • Viral infection. Maaari ring magkaroon ng pamamaga sa mga talukap kung ang pasyente ay kasalukuyang may viral infection. Kung minsan, nagkakaroon ng sintomas na blepharitis kung ang pasyente ay may
  • Pamamahay ng parasitiko. Ang mga mata ay maaari ring pamahayan ng mga parasitiko na tinatawag na Demodex eyelash mites. Ang mga Demodex ay parang mga kuto, subalit ang mga ito ay masyadong maliliit at maaari lamang makita sa pamamagitan ng microscope. Kapag dumami ang mga ito, ang mga pilikmata ay tila nagmumuta. Kung hindi matatanggal ang mga parasitiko, maaaring magdulot ang mga ito ng pamamaga sa mga talukap.
  • Hormone imbalance. Ang hormone imbalance ay ang pagkakaroon ng hindi normal na dami ng mga hormone sa katawan. Ang mga hormone ay ang mga kemikal na ginagawa ng mga gland o organ upang maging maayos ang paggana ng bawat bahagi ng katawan. Subalit, kung ang mga hormone ay labis o kulang, maaaring makaranas ang katawan ng iba’t ibang pagbabagong pisikal gaya ng pamamaga ng mga talukap.
  • Alerhiya. Kung nakakain ang pasyente ng pagkain na nakapagdudulot ng alerhiya, maaaring magkaroon ang katawan ng reaksyong gaya ng pamamaga ng mga talukap. Maaari ring magdulot ng blepharitis kung may alerhiya sa mga gamot pampatak sa mata, mga makeup sa mata, at contact lens solution.
  • Seborrheic dermatitis. Ang seborrheic dermatitis ay isang uri ng sakit sa balat kung saan nakararanas ang pasyente ng panunuyo, pangangati, pamamaga, at paglalangib ng balat. Maaaring maapektuhan nito ang mukha, anit, at dibdib.

Mga Sintomas

Image Source: eyelovecares.org

Kung ang pasyente ay nakararanas ng mga sumusunod na sintomas, maaaring siya ay may blepharitis:

  • Pamamaga ng mga talukap
  • Pamumula ng mga talukap
  • Pangangati ng mga talukap
  • Panghahapdi ng mga mata
  • Pagtutubig o pagluluha ng mga mata
  • Pagkakaroon ng pakiramdam na parang laging may nakabara sa ilalim ng mga talukap
  • Paglalangib ng mga pilikmata
  • Panunuyo ng mga mata
  • Madaling pagkasilaw
  • Panlalabo ng paningin

Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring hindi lahat maranasan ng pasyente, gaya na lamang ng panlalabo ng paningin. Kung maranasan man ito, ito ay pansamantala lamang habang hindi pa lubusang nagagamot ang kondisyon.

Mga Salik sa Panganib

Maaaring magkaroon ng blepharitis ang kahit na sinuman. Subalit, maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng kondisyon na ito ng dahil sa mga sumusunod na salik:

  • Pagiging matanda. Ang mga taong nasa 50-anyos pataas ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng Pagsapit ng edad na 50-anyos, madalas nang nanunuyo ang mga mata at maaari itong magdulot ng pagka-irita at pamamaga ng mga talukap.
  • Pagkakaroon ng malangis na balat. Kung may malangis na balat, ang mukha, pati na rin ang mga mata, ay maaaring pamahayan ng mas maraming bacteria at parasitiko sapagkat ang mga ito ay mabilis dumami sa ganitong uri ng kondisyon.
  • Pagkakaroon ng tuyong mga mata. Kung madalas matuyo ang mga mata, maaaring magresulta ito sa pamamaga, bunga ng pagka-irita.
  • Pagkakaroon ng mga sakit sa balat. Ang pagkakaroon ng mga sakit sa balat gaya ng seborrheic dermatitis ay nakapagdudulot din ng pamamaga ng mga talukap, lalo na kung ang buong mukha ay naaapektuhan.

Mga Komplikasyon ng Blepharitis

Image Source: pngio.com

Hindi isang mapanganib na kondisyon ang blepharitis, subalit maaari pa rin itong magkaroon ng komplikasyon kung hindi agad malulunasan. Ilan sa mga komplikasyon nito ay ang mga sumusunod:

  • Paglalagas ng mga pilikmata
  • Pagsusugat ng mga talukap
  • Labis na pagluluha ng mga mata o panunuyo ng mga mata
  • Pagkakaroon ng kuluti
  • Pagkakaroon ng sore eyes
  • Pinsala sa cornea

Upang hindi humantong sa mga komplikasyong nabanggit, sundin lamang ang mga lunas na imumungkahi ng iyong doktor.

Pag-Iwas

Image Source: www.freepik.com

Kailangang manatiling malinis sa katawan ang isang tao nang sa gayon ay hindi mairita ang mga mata at magdulot ng pamamaga ng mga talukap. Upang maka-Wiwas sa pagkakaroon ng blepharitis, iminumungkahing gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:

  • Panatilihing malinis ang mukha. Upang matanggal ang anumang mikrobyo na kumapit sa mukha, hugasan ito lalo na bago matulog. Tanggalin at hugasan ng tubig at sabon ang anumang makeup sa mukha nang sa gayon ay hindi mairita ang mga mata.
  • Huwag hawakan ang mga mata ng may maruruming kamay. Upang hindi magkaroon ng impeksyon ang mga mata, huwag hawakan ang mga ito ng may maruruming kamay. Hugasan muna ang mga kamay gamit ang sabon at tubig upang matanggal ang mga dumi at mikrobyo. Kung walang magagamit na hugasan ng kamay, maaaring gumamit ng
  • Iwasang matuyo ang mga mata. Ang panunuyo ng mga mata ay maaaring magbunga ng Upang hindi manuyo ang mga ito, patakan ang mga mata ng mga eye drop.
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3. Ang mga pagkaing mayaman sa omega-3 ay nakatutulong upang ma-iwasan ang anumang pamamaga ng katawan. Makukuha ang omega-3 sa pagkain ng mga isda gaya ng salmon, tuna, sardinas, at iba pang pagkaing-dagat.
  • Bawasan ang paglalangis ng mukha. Kung may malangis na mukha, maaaring gumamit ng mga facial cleanser upang mabawasan ang paglalangis. Maaari ring gumamit ng pulbos upang hindi gaanong magpawis at maglangis ang mukha.

Sanggunian