Gamot at Lunas  

Upang magamot ang pangangasim ng sikmura, nangangailangang ibalik ang tamang balanse ng asido sa tiyan, kailangang uminom ang pasyente ng mga niresetang gamot ng doktor gaya ng:

  • Antacid. Ang mga antacid ay karaniwang naglalaman ng mga aluminum salt, calcium, sodium, at magnesium na nagre-react sa hydrochloric acid upang hindi gaanong maging acidic ito.
  • H2 receptor blocker. Kilala rin ang gamot na ito sa tawag na H2 antagonist. Pinipigilan nito ang mga selula ng tiyan na gumawa ng hydrochloric acid. Halimbawa ng mga gamot na ito ay ang cimetidine, famotidine, ranitidine, at
  • Proton pump inhibitor. Nakatutulong din ang mga proton pump inhibitor upang mawala ang mga sintomas gaya ng pangangasim at Gaya ng H2 receptor blocker, pinipigilan nito ang paggawa ng tiyan ng hydrochloric acid. Ilang sa mga kilalang proton pump inhibitor ay ang omeprazole at lansoprazole.

Bukod sa pag-inom ng gamot, kailangan ding baguhin ng pasyente ang kanyang diyeta at paraan ng pamumuhay. Upang mas mabilis na gumaling ang pangangasim ng sikmura, kailangan ding gawin ang mga sumusunod:

  • Untian muna ang pagkain. Bagama’t kailangang kumain ng pasyente ng balanse at masustansyang pagkain, maaaring hindi pa kaya ng kanyang tiyan ang kumain ng sapat na dami. Untian muna ang pagkaing kinakain at iwasan ang mga nakapagpapasakit at nakapag-iirita ng tiyan gaya ng mga napakaasim na prutas, at mga pagkaing may bawang, sibuyas, paminta, o suka. Mainam kainin ang mga prutas na gaya ng saging, papaya, pakwan at mansanas sapagkat ang mga ito ay nakapagpapababa ng asido sa tiyan.
  • Iwasan ang pagdudulot ng pressure sa tiyan. Ang mga gawain gaya ng pagtungo, pag-ubo, at pagbubuhat ng mabibigat na bagay ay nakapagdudulot ng pressure sa tiyan. Maaaring umakyat ang asido papuntang lalamunan sapagkat ang tiyan ay napipiga.
  • Magsuot ng mga komportableng damit. Gaya ng ibang mga mabibigat na gawain, ang pagsusuot lamang ng masisikip na damit ay maaaring makapagdulot ng pressure sa tiyan. Habang nagpapagaling sa hyperacidity, kailangang maluluwag at komportable ang mga suot na damit.

Tandaan, habang naggagamot, hindi maaaring uminom ng alak at manigarilyo. Hangga’t maaari ay itigil na ang mga bisyong ito habang maaga.