Gamot at Lunas
Image Source: www.freepik.com
Iba’t iba ang paraan upang malunasan ang paninilaw ng balat at mga mata. Kung ang sanggol ay may jaundice, maaaring gawin ang mga sumusunod na lunas:
- Phototherapy. Isa itong uri ng light therapy na nakatutulong upang tunawin ang bilirubin sa katawan nang sa gayon ay madali itong maiihi o maidumi ng sanggol.
- Intravenous immunoglobulin. Kung ang sanhi ng paninilaw ay ang pagkakaroon ng magkaibang blood type ng ina at sanggol, ang sanggol ay bibigyan ng immunoglobulin sa pamamagitan ng suwero. Ang immunoglobulin ay isang uri ng protina na nakatutulong magpabagal sa pagkasira ng mga red blood cell sa katawan.
- Exchange blood transfusion. Sa pamamaraang ito, ang sanggol ay tatanggalan muna ng dugo bago salinan ng dugo mula sa Karaniwang ginagawa ang exchange blood transfusion kung hindi maalis ang bilirubin sa dugo gamit ang phototherapy at intravenous immunoglobulin.
- Madalas na pagpapasuso. Kailangang dalasan ang pagpapasuso upang makaangkop agad ang katawan ng sanggol sa gatas ng ina at nang makakuha siya ng sapat na nutrisyon mula rito. Nakatutulong din ang madalas na pagpapasuso upang regular na dumumi ang bata at mailabas niya ang sobrang bilirubin sa katawan.
- Pagpapaaraw sa sanggol tuwing umaga. Gaya ng phototherapy, ang sikat ng araw ay nakatutulong sa pagtunaw ng bilirubin sa katawan. Paarawan ang sanggol kahit sa loob lamang ng 10 minuto tuwing umaga.
- Pagbibigay ng mga herbal juice o formula milk. Kung hindi makasuso nang maayos ang sanggol, maaari ring magmungkahi ang doktor na bigyan ang sanggol ng mga herbal juice (tomato juice, wheatgrass juice, at sugarcane juice) o formula milk upang ma-iwasan ang malnutrisyon at
Magkaiba ang paraan ng paglunas sa mga sanggol at matatanda sapagkat magkaiba kadalasan ang sanhi ng kanilang paninilaw. Para naman sa mga matatandang may ganitong kondisyon, maaaring gawin ang mga sumusunod na lunas:
- Pag-inom ng mga iron supplement. Dahil sa mabilis na pagkasira ng mga red blood cell, ang pasyente ay nagkakaroon din ng anemia o pamumutla. Upang dumami ang mga red blood cell sa katawan, maaaring bigyan ang pasyente ng mga iron supplement.
- Antiviral at steroid medication. Kung ang sanhi ng pagkakapinsala ng atay ay mga virus, maaaring bigyan ang pasyente ng mga antiviral medication. Samantalang ang mga steroid medication naman ay nakatutulong upang mabawasan ang anumang pamamaga ng atay. Sa tulong ng mga gamot na ito, maaaring bumalik sa normal nitong mga gawain ang atay at maiproseso nang maayos ang bilirubin sa katawan.
- Operasyon. Kung mayroong pagbabara sa mga bile duct, maaaring isailalim ang pasyente sa isang operasyon. Kapag naalis na ang sanhi ng bara, maaari nang makadaloy nang maayos ang bilirubin papunta sa mga bituka at mailabas bilang dumi.
Ang jaundice ng mga matatanda ay karaniwang nawawala kapag nalunasan ang kondisyon sa atay na nagdudulot nito. Kung may napapansing paninilaw sa balat at mga mata, magpakonsulta agad sa doktor.