Gamot at Lunas

Walang tiyak na lunas para sa Parkinson’s disease. Subalit, may mga paraan upang makontrol ang mga sintomas nito.

Ang mga lunas para sa mga sintomas nito ay maaaring sa pamamagitan ng mga gamot o kaya ay sa pamamagitan ng operasyon. Subalit, dapat tandaan na ang mga gamot para sa Parkinson’s ay hindi kayang baligtarin ang epekto ng kondisyong ito.

Ang iba pang mga uri ng lunas ay ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Kabilang dito ang ibayong pagpapahinga at ehersisyo.