Gamot at Lunas

Image Source: www.thehealthy.com

Sa kabutihang palad ay may mga gamot na panlunas sa polycystic ovary syndrome (PCOS), kabilang ang mga sumusunod:

  • Anti-androgen na mga gamot. Pinipigilan ng gamot na ito ang pagkakaroon ng malabis na buhok sa ibang bahagi ng katawan at maging ang pagkalagas ng buhok sa ulo. Subalit, maaaring magdulot ito ng problema sa pagbubuntis.
  • Hormonal birth control. Ang gamot na ito ay para sa mga babaeng hindi muna nais magka-anak. Ito ay makatutulong upang:
    • Gawing regular ang pagregla
    • Pababain ang panganib ng pagkakaroon ng endometrial cancer
    • Pigilin ang malabis na pagkakaroon ng buhok at pagtubo ng acne sa ibang bahagi ng katawan
  • Metformin. Nilulunasan ng gamot na ito ang type 2 diabetes at iba pang sintomas ng PCOS. Tumutulong ito sa insulin para maayos na makonsumo ng katawan ang asukal. Bukod dito, nakatutulong din ang gamot na ito sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan.

Mayroon ding lunas sa PCOS para sa mga babaeng nais magbuntis, kabilang ang mga sumusunod:

  • Pagbabawas ng timbang. Makatutulong ang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng wastong pagkain at ehersisyo upang lalong maging normal ang menstrual cycle. At kapag maayos ang menstrual cycle, buambalik sa normal ang fertility ng isang babae.
  • Mga gamot. May mga makabagong gamot na ngayon na lumulunas sa infertility. Ang isa sa mga inirerekomenda ng mga doktor ay ang clomiphene.

Ang iba pang mga lunas sa PCOS para sa mga nagnanais magbuntis ay ang in vitro fertilization (IVF) at iba pang mga surgical na mga pamamaraan.

Ang PCOS ay karaniwang namamana.