Buod

Ang psoriasis ay isang uri ng impeksyon sa balat na maaaring mamana. Sa kondisyong ito, ang pasyente ay nagkakaroon ng pangangapal, pamamaga, pamumula, pangangati, at pangangaliskis ng balat na karaniwang matatagpuan sa anit, likod, mga siko, mga tuhod, at iba pang mga bahagi ng katawan.

Sa taong may psoriasis, nakararanas siya ng mas mabilis na pagpapalit ng balat kaysa sa normal. Karaniwang inaabot ang pagpapalit ng balat sa loob ng 10 hanggang 30 araw. Subalit sa kondisyong ito, ang balat ay patuloy na nagpapalit sa loob lamang ng 3 o 4 na araw. Dahil dito, ang balat ay wala nang pagkakataon pang kuminis o humulas kaya naman ang pasyente ay nakararanas ng iba’t ibang mga sintomas.

Hindi pa lubusang malaman ng mga doktor kung bakit nagkakaroon ng psoriasis. Subalit pinaghihinalaan ng mga doktor na may kinalaman ang pagpalya ng immune system partikular na ang mga T-cell ng katawan. Ang T-cell ay karaniwang tumutulong sa pagpuksa ng mga bacteria at virus na pumapasok sa katawan. Subalit kapag nagkaroon ng problema ang immune system, sa halip na mga mikrobyo ang puksain nito ay inaatake nito ang mga malulusog na selula ng balat.

Upang magamot ang psoriasis, maaaring magreseta ang doktor ng mga pampahid sa balat na gaya ng mga topical corticosteroid, vitamin D analogue, at marami pang iba. Maaari ring magbigay ang doktor ng mga iniinom o itinuturok na gamot, o kaya naman ay isailalim ang pasyente sa light therapy.

Kasaysayan

Ayon sa mga mananaliksik, ang psoriasis ay pahapyaw na nabanggit sa Bibliya ng mga Hebreo at karaniwan itong napagkakamalang ketong o leprosy, isa ring uri ng sakit sa balat. Noong ika-18 siglo, nakilala ang psoriasis sa tawag na Willan’s lepra sa pangunguna nila Robert Willan at Thomas Bateman. Ayon sa dalawang dermatologist, ang ketong at psoriasis ay magkaiba. Sa ketong, ang mga patsi-patsi sa balat ay regular at hugis-bilog, samantalang sa psoriasis ay iregular ang mga hugis nito. Dagdag dito, sinabi ni Bateman na may pagkakaugnay ang psoriasis at rayuma.

Napakarami ring mga paraan ang sinubukan ng mga doktor noong sinaunang siglo upang mapagaling ang sakit na psoriasis ng kanilang mga pasyente. Subalit, ang mga paraang ito ay mapanganib ngunit hindi gaanong mabisa sapagkat ang mga gamot ay ginagamitan ng mga matatapang at nakalalason na sangkap. Noong ika-18 at ika-19 na mga siglo, gumamit ang mga doktor ng tinatawag na Fowler’s solution na naglalaman ng arsenic. Ang arsenic ay nakalalason at nakapagdudulot ng kanser. Bukod sa arsenic, gumamit din noon ang mga doktor ng mercury, sulfur, iodine, at phenol. Hanggang sa pagsapit ng taong 1900, nakatuklas ang mga doktor ng mas mabisa at mas ligtas na gamot sa psoriasis na tinatawag na coal tar. Ito ay karaniwang ipinapahid sa balat upang mabawasan ang pangangati. Gumamit din ang mga doktor noon ng mga gamot na may ginto upang magamot ang nararamdamang rayuma ng pasyenteng may psoriasis. Para sa karagdagang kaalaman, ang ginto ay ginagamit talaga bilang lunas sa rheumatoid arthritis. May tamang dosage ito upang magamit ito bilang ligtas na gamot. Karaniwan itong itinuturok, subalit may mga uri rin ito na iniinom.

Mga Uri

Ang psoriasis ay mayroong iba’t ibang mga uri. Narito ang mga pangunahing uri nito:

  • Plaque psoriasis. Ayon sa datos, 80-90% ng mga taong may psoriasis ay may ganitong uri ng kondisyon. Ang itsura nito ay tila mga nakaalsang patsi-patsi sa balat na may pangangaliskis. Karaniwan itong matatagpuan sa mga siko, tuho, likod, at anit. Kadalasan, ang lapad ng mga patsi-patsi ay nasa 1 hanggang 10 sentimetro.
  • Guttate psoriasis. Sa uring ito, ang mga patsi-patsi ay tila hugis-patak ng tubig. Mas maliit ang mga ito kumpara sa plaque psoriasis. Ang mga bahaging kadalasang naaapektuhan nito ay ang mga braso at binti. Subalit, maaari rin itong tumubo sa mukha at anit.
  • Flexural psoriasis. Karaniwang nakaalsa ang mga patsi-patsi sa balat ng taong may Subalit sa flexural psoriasis, ito ay makinis lamang at mapula. Kadalasan itong tumutubo sa mga lugar na pawisin, tulad ng mga kili-kili, singit, at ilalim ng mga suso para sa mga babae.
  • Pustular psoriasis. Isa itong malalang uri ng Ang mga patsi-patsi nito ay naglalaman ng nana at napaliligiran ng mapupulang balat. Karaniwan itong naaapektuhan ang mga kamay at paa, subalit halos natatabunan na ng mga patsi-patsi ang buong katawan.
  • Erythrodermic psoriasis. Napakadalang na uri ito ng psoriasis subalit gaya ng pustular psoriasis, ito ay isang malalang uri. Sa kondisyong ito, karamihan ng balat ng katawan ay may tila sunog na mga patsi-patsi. Maaaring maituring itong isang medical emergency sapagkat hindi nakokontrol ng pasyente ang temperatura ng kanyang katawan.
  • Psoriatic arthritis. Sa uring ito, bukod sa balat, naaapektuhan din ang mga kasu-kasuan. Karaniwang naaapektuhan nito ang mga kasu-kasuan sa kamay.
  • Nail psoriasis. Karaniwang napagkakamalang fungal infection lamang ng mga kuko ang nail psoriasis. Subalit sa uring ito, mapapansin na may mga makakapal na patsi-patsi sa ilalim ng mga kuko. Bukod dito, ang mga kuko ay tila nagkakaroon ng biyak o nadudurog.
  • Scalp psoriasis. Kung ang pasyente ay may plaque psoriasis, maaaring magkaroon din siya ng scalp psoriasis. Kadalasang tumutubo ang mga patsi-patsi sa anit at mga hairline, at ito ay nagdudulot ng pananakit at panghahapdi.

Mga Sanhi

Ang psoriasis ay isang uri ng autoimmune disorder. Sa hindi malamang dahilan, sinisira ng sariling immune system ng katawan ang balat sa halip na protektahan ito.

Sa kondisyong ito, ang nagkakaroon ng problema ay ang mga T-cell. Isa itong uri ng white blood cell na tumutulong sa pagpatay ng mga mikrobyo sa katawan. Subalit kung ang isang tao ay may psoriasis, ang pinupuksa nito ay ang mga masisiglang selula ng balat na siyang dahilan upang mangapal at mangaliskis ito.

Mga Sintomas

Bagama’t ang psoriasis ay may iba’t ibang mga uri, narito ang mga pangkaraniwang sintomas nito:

  • Pagkakaroon ng mapupulang patsi-patsi sa katawan
  • Pagkakaroon ng mga nakaalsang patsi-patsi sa katawan
  • Pangangapal ng mga patsi-patsi sa balat
  • Pangangaliskis ng mga patsi-patsi na parang balakubak
  • Panunuyo at pagbibiyak ng balat na may kasamang pagdurugo
  • Pangangati, panghahapdi, o pananakit ng apektadong balat
  • Pagkakaroon ng makakapal na balat sa ilalim ng mga kuko
  • Pamamaga at paninigas ng mga kasu-kasuan

Karaniwang lumalabas ang mga patsi-patsi sa katawan kapag nalantad ang pasyente sa mga trigger nitong gaya ng stress, usok ng sigarilyo, alak, at iba pa. Kadalasang hindi agad humuhupa ang mga patsi-patsi at tumatagal ng ilang mga linggo o buwan.

Mga Salik sa Panganib

Bata man o matanda ay maaaring magkaroon ng psoriasis. Subalit mas malaki ang posibilidad na magkaroon nito ng dahil sa mga sumusunod na salik:

  • Kasaysayan ng psoriasis sa pamilya. Kung naaapektuhan ng ganitong kondisyon ang mga magulang, maaaring mamana ito ng mga anak.
  • Pagkakaroon ng impeksyon. Ang pagkakaroon ng mga bacterial at viral infection na gaya ng HIV, strep throat, at iba pa ay pinapahina ang resistensya ng katawan. Dahil dito, maaaring umusbong ang mga sintomas ng psoriasis lalo na kung may kasaysayan ng sakit na ito sa pamilya.
  • Pagiging mataba. Kung ang isang tao ay labis ang taba sa katawan, mas dumarami ang kanyang mga skin fold. Karaniwang tumutubo ang mga patsi-patsi sa mga nakatuping balat ng katawan.
  • Ayon sa mga pag-aaral, ang nikotina sa sigarilyo ay nakaaapekto sa malusog na paglaki ng mga selula ng balat. Nagdudulot din ito ng labis na pamamaga ng mga selula.
  • Palagiang pagdanas ng stress. Kapag ang isang tao ay palagiang nakararamdam ng stress, ang katawan ay naglalabas ng mga kemikal na nakapagpapataas ng inflammatory response. Ibig sabihin nito, mas madaling mamaga ang balat o ibang bahagi ng katawan kapag nakararamdam ng

Mga Komplikasyon

Kung ang psoriasis ng isang tao ay hindi malalapatan ng tamang lunas, maaaring magresulta ito sa mga sumusunod na komplikasyon:

  • Pagkakaroon ng psoriatic arthritis o rayuma
  • Pagkakaroon ng mga sakit sa mata, gaya ng conjunctivitis, blepharitis, at uveitis
  • Pagiging obese
  • Pagkakaroon ng type 2 diabetes
  • Pagtaas ng presyon ng dugo
  • Pagkakaroon ng sakit sa puso, gaya ng stroke, atherosclerosis, at mataas na kolesterol
  • Pagkakaroon ng metabolic syndrome
  • Pagkakaroon ng ibang mga uri ng autoimmune disorder na gaya ng celiac disease, sclerosis, at inflammatory bowel disease
  • Pagkakaroon ng Parkinson’s disease
  • Pagkakaroon ng sakit sa bato
  • Pagkakaroon ng mga problemang emosyonal, gaya ng mababang kompiyansa sa sarili at depresyon

Pag-Iwas

Ang psoriasis ay namamana, kaya hindi ito maiiwasan. Subalit, may mga paraan naman upang ma-iwasang lumabas ang mga sintomas nito o pagpapatsi-patsi ng balat:

  • Gumamit ng losyon o lotion upang hindi manuyo ang balat. Ayon sa mga doktor, pinakamainam ang petroleum jelly para sa mga taong may
  • Ugaliing maligo araw-araw. Bigyang pansin ang mga tupi ng balat, anit, siko, tuhod, at iba pa.
  • Gumamit ng humidifier sa bahay upang maging mamasa-masa ang umiikot na hangin at hindi magdulot ng panunuyo sa balat.
  • Magsuot ng angkop na damit tuwing malamig ang panahon. Hangga’t maaari ay magsuot ng mga mahahabang damit upang hindi malantad ang balat sa tuyo at malamig na hangin.
  • Iwasang uminom ng mga gamot na nagdudulot ng pangangati at pangangapal ng balat na gaya ng lithium, propranolol, at
  • Mag-ingat sa paggugupit ng mga kuko at pag-aahit. Ang pagkasugat ng balat ay maaaring magdulot ng impeksyon at magpalala sa
  • Magpaaraw sa umaga upang bumagal ang paglaki at pagpapalit ng balat. Mainam na ang 20 minuto araw-araw.
  • Iwasan ang stress upang hindi matrigger ang Maaaring magsagawa ng mga ehersisyong nakaka-relax na gaya ng yoga at meditasyon.
  • Bawasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
  • Mag-ehersisyo araw-araw upang maging wasto ang timbang.

Sanggunian