Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Ang tao ay maaaring mahawahan ng rabis kapag siya ay nakagat o nakalmot ng hayop na mayroon nito. Maaari rin siyang mahawa kapag siya ay may bukas na sugat sa balat na dinilaan ng hayop na may rabis. Kapag nangyari ito, dapat na gawin kaagad ang mga sumusunod:

  • Hugasan kaagad ang sugat sa loob ng 15 na minuto gamit ang tubig at sabon
  • Maaari rin itong hugasan ng povidone iodine
  • Magpatingin kaagad sa manggagamot
  • Magpaturok kaagad laban sa rabis bago pa magkaroon ng kahit anong sintomas ng pagkakaroon nito

Dapat tandaan na mahirap malaman kaagad kung ang isang hayop ay may taglay na rabis. Subalit, mainam na maniguro, sapagkat kapag nag-umpisa nang magpakita ang mga sintomas ng sakit na ito ay hindi na ito maaari pang lunasan.