Buod

Ang thyroid disease ay isang uri ng sakit sa endocrine system na nakaaapekto sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay isang uri ng glandula na matatagpuan sa leeg. Nahahawig ito sa hugis ng isang paru-paro na nakaakap sa trachea o windpipe. Gumagawa ito ng mga hormone na nakatutulong sa metabolism, paglaki ng katawan, at sexual development.

Kung ang thyroid gland ay magkakaroon ng sakit, pinsala, o anumang uri ng problema, maaaring magkaroon ng thyroid disease. Sa kondisyong ito, maaaring makaranas ang pasyente ng iba’t ibang mga sintomas batay sa uri ng sakit sa thyroid. Kadalasan, makararanas ang pasyente ng pagbabago sa kanyang timbang, pagiging sensitibo sa temperatura, matinding pagkapagod, mga mood disorder, pagbabago sa itsura, at marami pang iba.

Karaniwang nagkakaroon ng sakit sa thyroid ang isang tao sapagkat ito ay maaaring mamaga o kaya naman ay maapektuhan ng ibang mga kondisyon. Kasama na rito ang mga autoimmune disorder. Maaari ring dulot ito ng hindi wastong paraan ng pamumuhay. Dahil dito, tumataas ang panganib na magkaroon ng sakit sa thyroid dahil sa labis napaninigarilyo, hindi pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine, at madalas na pagkakalantad sa stress. Bukod sa mga ito, maaari rin itong mamana, lalo na kung may kasaysayan ng thyroid disease sa pamilya.

Upang magamot ang thyroid disease, kailangan munang alamin ang sanhi at uri nito. Batay sa kondisyon, maaaring resetahan ng doktor ang pasyente ng iba’t ibang mga uri ng gamot o isailalim siya sa isang operasyon.

Kasaysayan

Noon pa man ay mayroon ng naitala tungkol sa thyroid gland. Subalit noon, ang kilala pa lamang na uri ng sakit sa thyroid ay ang goiter o bosyo. Ang bosyo ay isang uri ng thyroid disease na kung saan ang leeg ng pasyente ay nagkakaroon ng malaking bukol dahil sa pamamaga ng thyroid.

Bandang 1600 BC, ang mga Tsino ay gumagamit na ng mga halamang dagat upang mapagaling ang bosyo ng mga pasyente. Pagsapit naman ng 650 AD, si Sun Ssu-Mo ay gumamit ng pinagsamang halamang dagat, pinatuyong kabibe, at tinadtad na thyroid gland ng mga hayop upang malunasan ang bosyo. Noong 990 AD naman, si Ali-ibn-Abbas ang kauna-unahang nagmungkahi na isang operasyon ang makalulunas sa bosyo ng pasyente.

Bagama’t natuklasan noon pa na malaki ang naitutulong ng mga halamang dagat sa paglunas ng bosyo, hindi nila alam kung ano ang mayroon dito. Pero pagsapit ng 1811, natuklasan ni Paris na ang iodine sa mga halamang dagat ang dahilan kung bakit nalulunasan ang bosyo.

Bukod sa bosyo, natuklasan na rin noong bandang taong 1840 na may iba pang uri ng sakit na nakaapekto sa thyroid gland, gaya ng hypothyroidism. Ang hypothyroidism ay isang uri ng thyroid disease na kung saan ang thyroid gland ay gumagawa lamang ng kaunting mga hormone. Isa sa mga pangunahing lunas ng hypothyroidism noong 1888 ay ang pagbibigay sa pasyente ng tinadtad na thyroid gland ng tupa at currant jelly.

Mga Uri

Ang thyroid disease ay mayroong iba’t ibang uri. Narito ang mga pinakakilalang uri ng sakit sa thyroid:

  • Goiter o bosyo. Sa kondisyong ito, ang leeg ay nagkakaroon ng malaking bukol dulot ng kakulangan sa
  • Hypothyroidism. Sa hypothyroidism, hindi gumagawa ang thyroid gland ng sapat na mga hormone. Maaaring ito ay dulot ng mga autoimmune disorder, pagbubuntis, radiation therapy, at iba pa.
  • Hyperthyroidism. Kabaliktaran naman ito ng hypothyroidism. Sa hyperthyroidism, ang thyroid gland ay gumagawa ng labis na mga hormone. Maaaring dulot ito ng pagkakaroon ng mga bukol sa thyroid o ng isang autoimmune disorder.
  • Kanser sa thyroid. Sa kondisyong ito, nagkakaroon ng mga bukol ang thyroid gland. Hindi lubusang malaman kung bakit nagkakaroon ng kanser sa thyroid, subalit maaari itong mamana.

Mga Sanhi

Maraming iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng thyroid disease. Batay sa uri ng sakit sa thyroid, maaaring ito ay dulot ng alinman sa mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng pamamaga sa thyroid
  • Pagkakaroon ng mga bukol sa thyroid
  • Pagkakaroon ng mga autoimmune disorder gaya ng Grave’s disease at Hashimoto’s disease
  • Pagkakalantad sa napakaraming radioactive iodine
  • Side effect ng radiation therapy sa leeg
  • Pagbabago ng dami ng hormone bunga ng pagbubuntis
  • Pagkakaroon ng problema sa thyroid buhat nang ipinanganak
  • Pagkamana ng sakit sa thyroid
  • Paninigarilyo
  • Hindi pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine
  • Madalas na pagkakalantad sa stress

Mga Sintomas

Image Source: unsplash.com

Kapag nagkaroon ng thyroid disease ang isang tao, maaari siyang makaranas ng iba’t ibang mga sintomas batay sa uri ng kondisyong nakaaapekto sa thyroid gland. Narito ang mga karaniwang sintomas na maaaring maranasan ng pasyente:

  • Pagbabago sa timbang. Maaaring makaranas ng pagbabago sa timbang lalo na kung may hypothyroidism o Sa hypothyroidism, maaaring bumigat nang labis ang timbang kahit nagpapapayat na ang pasyente. Sa hyperthyroidism naman, maaaring pumayat nang labis ang pasyente kahit dinadamihan na ang kanyang kinakain.
  • Pagiging sensitibo sa temperatura. Kung kulang ang mga hormone na ginagawa ng thyroid gland, maaaring hindi indahin ng pasyente ang sobrang lamig. Subalit kung masyadong marami ang ginagawang mga hormone ng thyroid gland, maaaring maging init na init ang pakiramdam at pawisin ang pasyente kahit na normal lamang ang temperatura sa paligid.
  • Pagkaranas ng matinding pagod at hirap sa pagtulog. Maunti o madami man ang gawing mga hormone ng thyroid gland, na nakararanas ng parehong matinding pagod at hirap sa pagtulog ang mga pasyente.
  • Pagkakaroon ng mga mood disorder. Sa pagkakaroon ng thyroid disease, maaari ring makaranas ang pasyente ng iba’t ibang mga mood disorder na gaya ng depresyon, labis na pag-aalala, at pagkabalisa.
  • Pagkakaroon ng mga problema sa leeg. Dahil ang thyroid gland ay matatagpuan sa leeg, maaari ring magkaroon ng hindi magandang pakiramdam sa bahaging ito. Maaaring makaranas ang pasyente ng pamamaga, hirap sa paglunok at paghinga, at magaspang o magaralgal na boses.
  • Pagbabago sa buhok, balat, at mga kuko. May kinalaman din ang mga thyroid hormone sa growth at sexual development ng isang tao. Kaya naman kapag nagkaproblema ang thyroid gland, maaaring makaranas ang pasyente ng pagbabago sa kanyang buhok, balat, at mga kuko. Kung kulang ang mga thyroid hormone, maaaring maging marupok at maglagas ang mga buhok, magkaroon ng makapal at makaliskis na balat, at marupok at manipis na mga kuko. Kung labis naman ang mga thyroid hormone, maaari ring makaranas ng matinding paglalagas ng buhok, pagkakaroon ng sobrang kinis na balat, at pagkakaroon ng mga kakaibang mga pantal sa katawan.
  • Pagkakaroon ng problema sa pagdumi. Kung may hypothyroidism ang isang tao, maaari siyang makaranas ng madalas na pagtitibi. Samantalang sa hypothyroidism naman, maaaring makaranas ang pasyente ng pagtatae.
  • Pagkakaroon ng iregular na regla. Batay sa uri ng thyroid disease, ang mga kababaihan ay maaaring makaranas ng malakas o mahinang regla. Dahil sa iregular na buwanang dalaw, maaaring maapektuhan ang kakayanan ng babae na magkaroon ng anak.
  • Pagkakaroon ng problema sa mga mata. Napakaraming bahagi ng katawan ang naaapektuhan ng thyroid disease, kabilang na rin ang mga mata. Dahil dito, maaaring makaranas ang pasyente ng panunuyo ng mga mata, panlalabo ng paningin, pagluluha ng mga mata, at iba pa.
  • Pagkakaroon ng problema sa mga mental na gawain. Maaari ring makaranas ang pasyente ng problema sa mga mental na gawain. Kasama na rito ang hirap sa konsentrasyon, pagiging malilimutin, madalas na pagkatulala, pagkalito, at hindi wastong pag-iisip.
  • Panghihina at pananakit ng katawan. Bukod sa mga nabanggit, maaari ring makaranas ng panghihina at pananakit ng katawan ang pasyenteng may thyroid disease. Karaniwan ding naaapektuhan ang mga bahaging gaya ng mga kamay at nakararanas ng pamamanhid.

Mga Salik sa Panganib

Image Source: www.futurity.org

Maaaring magkaroon ng thyroid disease ang kahit na sinuman. Subalit ang mga sumusunod na salik ay nakapagpapataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng kondisyon na ito:

  • Pagkakaroon ng kasaysayan ng thyroid disease sa pamilya. Maaaring mamana ng mga anak ang mga problemadong gene sa kanilang mga magulang at magdulot ng thyroid disease.
  • Paninigarilyo. Ang sigarilyo ay naglalaman ng mga sangkap na nakaaantala sa pagsipsip ng thyroid gland ng iodine. Nagdudulot din ang paninigarilyo ng pamamaga sa bahaging ito.
  • Madalas na pagkalantad sa Kapag nakararanas ang stress, ang katawan ay maaaring gumawa ng mas maraming hormone upang labanan ang pakiramdam na ito. Subalit maaari itong magdulot ng masamang epekto sa katawan kung masobrahan.
  • Pagtatamo ng pisikal na pinsala ng Kung nagtamo ang thyroid ng pisikal na pinsala, maaaring maapektuhan ang produksyon ng mga hormone nito.
  • Paggamit ng matataas na dosage ng ilang gamot. Kung hindi wasto ang paggamit ng mga gamot gaya ng lithium, maaaring maapektuhan ang thyroid gland at magresulta sa thyroid disease. Karaniwang ginagamit ang lithium sa mga pasyenteng may mood o psychological disorder.

Mga Komplikasyon

Kung hindi malulunasan ang sakit sa thyroid, maaaring magresulta ito sa iba’t ibang mga komplikasyon gaya ng:

Pag-Iwas

Image Source: www.freepik.com

Upang maka-iwas sa pagkakaroon ng anumang uri ng thyroid disease, panatilihing masigla ang thyroid gland sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Kumain nang sapat. Ugaliing kumain ng balanse at masusustansyang pagkain sa tamang oras upang manatiling malusog ang iba’t ibang mga bahagi ng katawan, gaya ng thyroid gland. Nakatutulong din ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine gaya ng mga halamang dagat at isda.
  • Iwasan ang labis na pag-eehersisyo. Ang labis na pag-eehersisyo ay nakahahadlang sa pagpasok ng mga thyroid hormone sa mga selula ng katawan. Kung hindi nagagamit nang wasto ang mga thyroid hormone, maaaring magkaroon pa rin ng mga taba sa bewang at tiyan kahit nag-eehersisyo.
  • Itigil ang paninigarilyo.
  • Huwag magpa-X-ray kung hindi kinakailangan. Ang madalas na pagpapa-X-ray ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga selula ng thyroid gland sapagkat ito ay may mga radioactive element na nakasasama sa katawan.
  • Uminom lamang ng tamang dosage ng gamot. Kung kasalukuyang umiinom ng gamot, siguraduhing tama lamang ang dosage nito upang hindi mapinsala ang thyroid gland.
  • Iwasan ang stress. Layuan ang anumang bagay o tao na maaaring magdulot sa iyo ng stress. Kung hindi mai-iwasan, nakatutulong ang ilang mga stress relieving activity na gaya ng yoga, meditasyon, pag-eehersisyo, at iba pa.

Sanggunian