Buod

Ang sarcoidosis ay isang uri ng inflammatory disease kung saan namamaga at nagkakaroon ng mga abnormal na pamumuo (granulomas) ang iba’t ibang mga organ ng katawan. Kasama na rito ang mga baga, lymph node o kulani, mga mata, balat, atay, puso, spleen o pali, at utak. Subalit kadalasan, ang naaapektuhan nito ay ang mga baga at lymph node.

Sa kondisyon na ito, maaaring makaranas ang pasyente ng iba’t ibang mga sintomas batay sa organ na naapektuhan. Sa pangkalahatan, maaaring makaranas ang pasyente ng mabilis na pagkapagod, pagkakaroon ng lagnat, pagbaba ng timbang, pananakit ng katawan, panunuyo ng bibig, pagdurugo ng ilong, at pamamaga ng tiyan.

Hindi pa lubusang malaman ng mga doktor kung bakit nagkakaroon ng sarcoidosis ang isang tao. Subalit, pinaniniwalaan nila na ang kondisyong ito ay maaaring mamana o kaya naman ay dulot ng isang autoimmune disorder. Bukod sa mga ito, maaari ring makuha ang sarcoidosis mula sa mga bacteria at fungi. Maaari rin itong makuha kapag labis ang nakakain na mayaman sa calcium at vitamin D at kapag madalas ang paglanghap ng marumi, mabaho, at nakalalasong hangin.

Karaniwang hindi na nangangailangan pang gamutin ang sarcoidosis sapagkat maaari itong mawala nang kusa. Subalit, kung ang mga sintomas ay nakaaabala na sa pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring resetahan ng doktor ang pasyente ng mga gamot at isailalim siya sa ibang mga paraan ng supportive therapy. Sa mga madadalang namang mga pagkakataon na ang kondisyon naging lubos na malubha, maaari ring sumailalim ang pasyente sa isang organ transplant.

Kasaysayan

Noon, hindi pa natutuklasan na ang sarcoidosis ay isang kondisyon na nakaapekto sa iba’t ibang mga organ ng katawan. Kadalasang hinahanay ito sa mga kondisyong nakaaapekto sa balat. Gaya na lamang ng paglalahad ni Dr. Jonathan Hutchinson, isang dermatologist, noong taong 1877. Ayon kay Dr. Hutchinson, ang sarcoidosis ay ang pagkakaroon ng mapupulang pantal sa mukha, mga braso, at mga kamay.

Naitala ang mga unang kaso ng sarcoidosis sa Scandinavia noong malapit nang magtapos ang ika-19 na siglo. Ayon sa mga tala, ang sarcoidosis ay naihahalintulad sa kondisyon na cutaneous sarcoma, kung saan ang balat ay nagkakaroon ng mga umbok-umbok.

Noong taong 1902 naman, natuklasan ng tatlong doktor na ang sarcoidosis ay maaari ring makaapekto sa mga buto. Pagsapit naman ng taong 1909 at 1910, napag-alamangmaaari ring magkaroon ng sarcoidosis sa mga mata. Dahil sa mga sunud-sunod na pagkakatuklas ng mga ito, binigyang diin ni Dr. Schaumann noong taong 1915 na ang sarcoidosis ay isang systemic condition. Sa parehas na taon, natuklasan din na maaaring magdulot ang sakit ng ito ng mga pamumuo sa mga baga.

Mga Sanhi

Image Source: www.freepik.com

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng sarcoidosis dahil sa mga sumusunod:

  • Pagkamana mula sa magulang. Ang sarcoidosis ay isang namamanang kondisyon. Kung ang mga magulang ay may ganitong kondisyon, maaaring mamana ito ng mga anak.
  • Pagkakaroon ng autoimmune disorder. Ang autoimmune disorder ay ang pag-atake ng sariling immune system sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa normal na kondisyon, ang immune system dapat ang nagproprotekta sa katawan laban sa mga sakit, subalit kabaliktaran ang nangyayari kapag ang isang tao ay mayroong
  • Pagkalantad sa mga mikrobyo. Maaari ring magkaroon ng pamamaga at mga abnormal na pamumuo ang mga organ ng katawan kapag nadapuan ito ng mga bacteria o Ilan sa mga pangkaraniwang uri ng bacteria na nagdudulot ng sarcoidosis ay mycobacteria, borrelia, at ricketssia.
  • Pagkakaroon ng labis calcium at vitamin D sa katawan. Bagama’t ang calcium at vitamin D ay nakatutulong sa pagpapanatili na malusog ang mga buto, maaaring namang magdulot ng sarcoidosis ang labis na dami ng mga ito.
  • Paglanghap ng maruming hangin. Maaari ring magdulot ng sarcoidosis ang madalas na pagkalanghap ng marumi, mabaho, at nakalalasong hangin. Samantala, ang paglanghap naman ng alikabok, usok, gaas, kemikal, at iba pa ay maaaring magdulot ng mga abnormal na pamumuo sa mga baga.

Mga Sintomas

Image Source: www.freepik.com

Bagama’t ang sarcoidosis ay maaaring makaapekto sa iba’t ibang mga bahagi ng katawan, narito ang mga pangkalahatang sintomas:

  • Mabilis na pagkapagod
  • Pagkakaroon ng lagnat
  • Pagbaba ng timbang
  • Pananakit ng mga kasu-kasuan
  • Panunuyo ng mga labi at bibig
  • Pagdurugo ng ilong
  • Pamamaga ng tiyan

Kung ang mga baga naman ang naaapektuhan, maaaring maranasan ng pasyente ang mga sumusunod na sintomas:

  • Pagkakaroon ng ubong walang plema
  • Pagdanas ng kinakapos na paghinga
  • Pagdanas ng wheezing o umaagahas na paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Maaari ring magkaroon ang pasyente ng mga problema sa balat, gaya ng:

  • Pamamantal ng balat
  • Pagsusugat ng balat
  • Pagkalagas ng buhok
  • Pagkakaroon ng naka-umbok na peklat

Kung ang utak naman ang naapektuhan ng kondisyong ito, maaaring makaranas ang pasyente ng:

Maaari ring makaramdam ng mga sumusunod na sintomas kung ang mga mata naman ang naaapektuhan:

  • Panunuyo ng mga mata
  • Pangangati ng mga mata
  • Pananakit ng mga mata
  • Panghahapdi ng mga mata
  • Panlalabo ng paningin
  • Labis na pagmumuta o pagluluha

Ang sarcoidosis ay hindi madaling mai-diagnose sapagkat ang mga sintomas nito ay halos natutulad sa iba’t ibang mga sakit. Upang makasiguro na sarcoidosis nga nararamdamang sakit, kailangang sumailalim ang pasyente sa iba’t ibang mga diagnostic test, gaya ng chest X-ray, CT scan, lung function test, biopsy, at mga blood test.

Mga Salik sa Panganib

Image Source: www.freepik.com

Maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sarcoidosis ng dahil sa mga sumusunod na salik:

  • Pagiging babae. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga kababaihan ang mas madalas magkaroon ng sarcoidosis kaysa sa mga kalalakihan.
  • Pagkakaroon ng kasaysayan ng sarcoidosis sa pamilya. Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng sarcoidosis kung may kasaysayan ng sakit na ito sa inyong pamilya sapagkat maaari itong mamana.
  • Pagiging miyembro ng ilang mga lahi. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong may lahing African at Northern European ay mas mataas ang posibilidad na maapektuhan ng

Mga Komplikasyon

Napakadalang lang makaranas ng mga komplikasyon ang mga pasyenteng may sarcoidosis. Subalit, maaari pa ring magkaroon ng mga komplikasyon, lalo na kung ang mga sintomas ay unti-unting lumalala. Ilan sa mga kilalang komplikasyon ng kondisyon na ito ay ang mga sumusunod:

  • Impeksyon sa baga
  • Katarata
  • Glaucoma
  • Kidney failure
  • Iregular na pagtibok ng puso
  • Pagkaparalisa ng mukha
  • Pagkabaog

Ang mga karaniwang senyales na nagkakaroon na ng komplikasyon ang kondisyon ay kapag nakararanas na ang pasyente ng hirap sa paghinga, mabilis na pagtibok ng puso, panlalabo ng paningin, madaling pagkasilaw, at pamamanhid ng mukha. Kung nakararamdam ng mga sintomas na ito, mangyaring magpakonsulta agad sa doktor.

Pag-Iwas

Image Source: unsplash.com

Upang ma-iwasang magkaroon ng sarcoidosis, kailangan lamang panatilihing malusog ang katawan. Hangga’t maaari, gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:

  • Kumain masusustansyang mga pagkain. Ugaliin ding maghain ng mga prutas at gulay sa hapagkainan upang maging balanse ang diet.
  • Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calcium at vitamin D, gaya ng mga keso, yogurt, sardinas, salmon, orange, at iba pa.
  • Iwasan ang labis na pagpapaaraw sapagkat pinaparami nito ang natural na produksyon ng vitamin D sa katawan. Iminumungkahi ring iwasan ang pagsa-sunbathing.
  • Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw. Nakatutulong ito upang mailabas ang anumang mga toxin o dumi sa katawan.
  • Mag-ehersisyo araw-araw upang manatili ang katawan sa wastong timbang. Maaaring mag-ehersisyo ng kahit 30 minuto sa loob ng isang araw.
  • Huwag magpuyat. Ugaliing matulog ng anim hanggang walong oras upang makapagpahinga at maghilom ang katawan.
  • Itigil ang paninigarilyo. Ang mga sigarilyo ay naglalaman ng mga nakalalasong sangkap na nakaaapekto sa mga baga at iba pang mga bahagi ng katawan.
  • Magtakip ng ilong tuwing napupunta sa mga lugar na may labis na alikabok, usok, kemikal, gaas, amag, at iba pang mga nalalanghap na nakasasama sa mga baga.

Sanggunian: