Gamot at Lunas
Image Source: www.freepik.com
Ang mga kaso ng sarcoidosis ay maaaring gumaling nang kusa at maaaring hindi na kinakailangan pang gamutin. Ito ay lalo na kung ang mga sintomas ay hindi naman nakaaapekto sa pang-araw-araw na gawain. Subalit, kung ang mga sintomas ay nagdudulot na ng hindi maayos na pakiramdam sa pasyente, maaaring gawin ang mga sumusunod na lunas:
- Iba’t ibang uri ng gamot. Kung ang mga pamumuo sa organ ay nagbabantang makaapekto sa kabuuang kalusugan nito, maaaring bigyan ang pasyente ng mga sumusunod na gamot:
- Corticosteroid. Kadalasan, ang corticosteroid ang kauna-unahang inirereseta ng mga doktor para sa mga pasyenteng may sarcoidosis. Ang gamot kasi na ito ay mabisa upang matanggal ang anumang pamamaga. Maaaring inumin ang tableta na uri nito, subalit mayroon ding mga corticosteroid cream na maaaring ipahid sa mga sugat at mga corticosteroid drops na puwedeng ipatak sa mga mata.
- Mga gamot para sa immune system. Upang mabawasan ang labis na pagiging aktibo ng immune system, maaari ring resetahan ang pasyente ng mga gamot gaya ng methotrexate at
- Hydroxychloroquine. Nakatutulong ang gamot na ito upang mahilom ang mga sugat sa balat at bumaba ang dami ng calcium sa dugo.
- Tumor necrosis factor-alpha (TNF-alpha) inhibitor. Ang gamot na ito ay kadalasang inirereseta sa mga pasyenteng may rheumatoid arthritis. Subalit, maaari rin itong gamitin para sa mga pasyenteng may sarcoidosis, lalo na kung hindi naging mabisa ang ibang mga gamot sa pagpapagaling sa mga sintomas.
- Iba’t ibang uri ng gamot. Kung ang mga pamumuo sa organ ay nagbabantang makaapekto sa kabuuang kalusugan nito, maaaring bigyan ang pasyente ng mga sumusunod na gamot:
- Organ transplant. Maaari ring sumailalim sa organ transplant ang pasyente lalo na kung napinsala na nang husto ang mga baga, puso, o atay.
- Iba’t ibang lunas batay sa mga sintomas. Bukod sa mga nabanggit, maaari ring sumailalim sa physical therapy ang pasyente kung nanghihina ang kanyang mga kalamnan. Maaari ring sumailalim ang pasyente sa pulmonary rehabilitation upang hindi lumala ang kanyang problema sa paghinga. Samantalang kung nakararanas naman ang pasyente ng iregular na pagtibok ng puso, maaaring lagyan siya ng cardiac pacemaker.
Ang sarcoidosis ay isang hindi gaanong nakababahalang kondisyon lalo na kung hindi naman gaano kalala ang mga sintomas. Maraming mga pasyenteng may ganitong kondisyon ay maaari pa ring magkaroon ng masigla at aktibong pamumuhay. Kadalasan, ang mga sintomas din ay nawawala sa loob ng dalawang taon, kahit walang lunas.