Buod
Ang kanser ay maaaring umapekto sa alinmang bahagi ng katawan. Maaari itong malunasan kapag ito ay natagpuan habang maaga pa lamang. Subalit, kapag hindi naagapan ay maaari itong magdulot ng kamatayan. Marami ang mga uri ng sakit na ito, kabilang na ang sarcoma.
Ang sarcoma ay maaaring umapekto sa mga malalambot na tissue ng katawan at sa mga buto. Bihira lamang ito sa mga may sapat nang edad o adults. Ito ay mas karaniwan sa mga kabataan. Ang nakararami rin sa mga kaso sarcoma ay nagsisimula sa mga braso o hita. Ang iba naman ay nakikita muna sa tiyan o dibdib. Bihira lamang itong umusbong sa leeg o sa ulo.
Hindi pa matukoy sa ngayon ang tunay na sanhi ng sarcoma. Subalit, may mga salik na napag-alamang nagpapataas ng panganib sa pagkakaroon nito. Kasama na dito ang paninigarilyo, mga salik na namamana, pagkalantad sa mga kemikal, maging ang labis na pag-inom ng mga nakalalasing na inumin.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng bukol sa apektadong bahagi o pananakit nito, pananakit ng tiyan, panghihina, maging ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang ng katawan.
Sa ngayon ay ginagamit ang operasyon, radiation therapy, o ang chemotherapy sa paglunas sa sarcoma.
Kailan naman unang natuklasan ang sarcoma? Ano ang kasaysayan ng kanser na ito?
Kasaysayan
Mula pa noong unang panahon ay kilala na ang sarcoma. Sa katotohanan, ang katawagang ito ng kanser ay ginamit noon pa upang ilarawan ang mga malalaking tumor na may mga sangkap ng buto at laman.
Noon lamang ika-19 na siglo ibinukod ang sarcoma sa mga carcinoma nang umusbong kaalamanan sa larangan ng cellular pahtology. Ito ay dahil natiyak na magkaiba sila ng pinanggalingan na mga tissue.
Sa ngayon ay napakarami na ng uri ng sarcoma ang kinilala at tinalakay sa mundo ng medisina. Subalit, nagpapatuloy pa rin ang mga pag-aaral ukol sa mga tiyak na sanhi ng pagkakaroon ng kanser na ito.
Anu-ano naman ang mga uri ng sarcoma.
Mga Uri ng Sakit
Ang sarcoma ay nahahati sa dalawang pangunahing uri: ang soft tissue sarcoma at ang sarcoma sa mga buto.
Soft tissue sarcoma
Ang uring ito ng sarcoma ay umaapekto sa mga malalambot na bahagi ng katawan. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri na kagaya ng mga sumusunod:
- Angiosarcoma. Ito ay umaapekto sa dugo o sa mga kulani (lymph vessels).
- Gastrointestinal stromal tumor. Ang sakit na ito ay umaapekto sa mga neuromuscular na mga selula sa tiyan.
- Kaposi’s sarcoma. Ito ay nagmula sa isang uri ng virus na human herpesvirus 8 na karaniwang umaapekto sa balat. Subalit, maaari rin itong umapekto sa iba pang bahagi ng katawan.
- Liposarcoma. Ang sarcoma na ito ay umaapekto sa mga tissue ng mga taba. Karaniwan itong matatagpuan sa mga hita, sa likod ng mga tuhod, o maging sa likod ng tiyan.
- Leiomyosarcoma. Matatagpuan ang sarcoma na ito sa mga makikinis na kalamnan na nagsisilbing dingding ng mga bahagi ng tiyan.
- Synovial sarcoma. Ito ay tumor ng mga stem cell at maaaring magsimula sa mga kasu-kasuan.
- Neurofibrosarcoma. Ang sarcoma na ito ay nagsimula sa mga pumuprotektang takip ng mga ugat.
- Rhabdomyosarcoma. Ang sarcoma na ito ay namumuo sa mga kalamnan ng mga buto.
- Fibrosarcomas. Umaapekto ito sa mga selula ng mga connective tissue na kung tawagin ay
- Myxofibrosarcoma. Umaapekto ito sa mga connective tissue sa mga braso o hita ng mga matatanda.
- Mesenchymomas. Ang mga ito ay bihira lamang kung ikukumpara sa ibang uri ng sarcoma. Maaari itong umapekto sa alinmang bahagi ng katawan.
- Vascular sarcoma. Ito ay uri ng sarcoma na umaapekto sa mga ugat na daluyan ng dugo.
- Schwannoma. Ito ay umaapekto sa mga bahagi na tumatakip sa mga ugat.
Sarcoma sa mga buto
Ang mga sarcoma naman na umaapekto sa mga buto ay ang mga sumusunod:
- Chondrosarcoma. Nagsisimula ito sa mga cartilage at kumakalat sa kalapit na mga buto.
- Ewing sarcoma. Ito ay maaaring umapekto sa mga soft tissue o sa mga buto.
- Fibrosarcoma. Umaapekto ito sa mga fibrogenic tissue. Ang mga ito ay mga uri ng connective tissue sa mga buto.
- Osteosarcoma. Ito ang pangunahing uri ng sarcoma na umaapekto sa mga buto.
Bakit nagkakaroong ng sarcoma ang tao? Anu-ano ang mga sanhi ng kanser na ito?
Mga Sanhi ng Sakit
Kagaya ng ibang uri ng kanser sa iba’t ibang bahagi ng katawan, hindi pa matukoy ng mga manggagamot ang sanhi ng sarcoma. Kaya, nagpapatuloy pa ang pag-aaral ukol sa iba’t ibang mga bagay na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng kanser na ito.
Na-obserbahan naman sa maraming mga pag-aaral na ang isang tao ay biglaan na lamang nagkakaroon nito at na ang posibilidad ng pagkakaroon nito ay tila hindi namamana. Subalit, may mga tukoy na salik na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon nito. Ang mga salik na ito ay tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito.
Anu-ano naman ang mga karaniwang palatandaan ng pagkakaroon ng sarcoma?
Mga Sintomas ng Sakit
Image Source: dnovak-liposarcoma.blogspot.com
Ang sarcoma ay isang uri ng kanser na maaaring umapekto sa alinmang bahagi ng katawan. Dahil dito, iba’t iba ang mga sintomas nito para sa bawat bahagi ng katawan na apektado. Subalit, ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang sintomas ng sakit na ito:
- Pagkakaroon ng bukol na makakapa sa ilalim ng balat na maaaring maging masakit o hindi
- Pananakit ng mga buto
- Biglaang pagkakaroon ng bali sa buto kahit hindi naman naaksidente
- Pagkakaroon ng pananakit sa tiyan
- Pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang
Ang mga nabanggit na mga sintomas ay may hawig sa mga sintomas ng ibang mga uri ng sakit. Kaya, upang makatiyak sa kalagayan ng kalusugan, magpatingin kaagad sa mga manggagamot kapag napansin ang alinman sa mga sintomas na ito.
Anu-ano naman ang mga salik na nagpapataas sa pagkakataon ng pagkakaroon ng sarcoma?
Mga Salik sa Panganib
Image Source: en.wikipedia.org
Kagaya ng nabanggit, hindi pa matiyak kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng sarcoma. Subalit, napatataas ng mga sumusunod na salik ang panganib ng pagkakaroon ng sakit na ito:
- Pagkakaroon ng mga namamanang kondisyon. May mga namamanang kondisyon na napag-alamang nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng Ang ilan sa mga ito ay ang familial retinoblastoma at ang neurofibromatosis type 1.
- Pagsasailalim sa radiotherapy para sa ibang uri ng kanser. Ang pagkakalantad sa radiation, kahit pa sa mga uri nito na tumutulong upang lunasan ang ibang uri ng kanser, ay nagpapataas din sa pagkakataon ng pagkakaroon ng sarcoma makaraan ang ilang panahon.
- Pabalik-balik na pamamaga (lymphedema). Ang kondisyong ito ay dulot ng pamumuo ng lymp fluids dahil sa pagkakabara ng mga kulani. Ito ay nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng angiosarcoma, isang uri ng
- Pagkakalantad sa mga kemikal. May mga uri ng kemikal at iba pang sangkap na kapag nalanghap ay maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng sarcoma sa atay.
- Pagkakalantad sa mga virus. Ang mga virus na kagaya ng human herpesvirus 8 ay maaaring magpataas din sa panganib ng pagkakaroon ng sarcoma na kung tawagin ay Kaposi’s sarcoma. Ito ay lalong umaapekto sa mga taong may mahinang resistensya.
Anu-ano naman ang mga komplikasyon ng sakit na ito?
Mga Komplikasyon ng Sarcoma
Ang dalawa sa mga pangunahing komplikasyon ng sarcoma ay ang pagsusugat bunga ng radiation at ang mga neurolohikal na mga kondisyon na dulot ng paghihirap na nararanasan ng pasyente.
Maaari naman bang iwasan ang sarcoma? Anu-ano ang mga pamamaraang maaaring gawin upang huwag magkaroon ng sakit na ito?
Pag-Iwas sa Sakit
Image Source: www.freepik.com
Hindi ganap na maiiwasan ang sarcoma, kagaya ng iba pang uri ng kanser. Subalit, may mga kaugalian na maaaring gawin na makatutulong sa pagpapabaga sa panganib ng pagkakaroon ng sakit na ito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pag-iwas sa paninigarilyo o anumang paraan ng paggamit ng tabako. Ang sigarilyo at iba pang mga kauri nito ay may mga sangkap na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng kanser. Kabilang dito ang
- Regular na pag-eehersisyo. May makabagong mga pag-aaral na nagpapatunay sa bisa ng ehersisyo sa pag-iwas sa maraming uri ng kanser. Ipinapayo ng mga dalubhasa na mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw upang mapanatiling malusog ang buong katawan.
- Pag-iwas sa nakalalasing na inumin. Ang pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin ay salik din sa pagkakaroon ng kanser, kabilang na ang Kung hindi mai-iwasan ay sikaping bawasan ang iniinom na uri na ito ng inumin.
- Bantayan ang kalusugan. Mahalaga na matutukan ang kalagayan ng kalusugan ng katawan. Makatutulong nang malaki kung regular na magpasuri ukol sa anumang uri ng kanser, lalo na kung mayroon sa pamilya na namatay o kaya ay kasulukuyang mayroong sakit na ito.