Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

May mga uri ng lunas na maaaring ilapat para sa sarcoma sa buto o soft tissue. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Operasyon. Ang operasyon o pagtitistis ang pinaka-karaniwang lunas sa sakit na ito. Sa pamamagitan nito ay inaalis ang tumor, maging ang mga laman sa paligid ng apektadong bahagi. Kapag naalis na ang tumor, pag-aaralan ito upang matukoy ang uri nito.
  • Radiation therapy. Ginagamit ang radiation therapy bago o pagkatapos ng pagtitistis. Naglalayon ito na patayin ang mga selula ng kanser na nalabi sa apektadong bahagi.
  • Chemotherapy. Ang paraang ito ay tila mas mabisa sa mga sarcoma sa buto kaysa sa ibang bahagi ng katawan. Ginagamit ito pagkatapos ng operasyon upang patayin ang mga nalabing selula ng kanser sa apektadong bahagi.

May iba pang uri ng mga gamot na maaaring ipainom ng doktor para sa may soft tissue sarcoma, kagaya ng olaratumab at pazopanib.