Gamot at Lunas

Image Source: www.brookings.edu

Dahil ang septicemia ay isang seryosong kondisyon at tinuturin na emergency, ang paggagamot nito ay kadalasang isinasagawa sa ospital. Ang pasyente ay maaring bigyan ng mga sumusunod na lunas:

  • Broad-spectrum antibiotics para puksain ang maraming uri ng bacteria na kumalat sa katawan
  • Mga gamot na makatutulong na pabalikin sa normal ang bumagsak na presyon ng dugo
  • Karagdagang oxygen sa katawan sa pamamagitan ng respiratory support
  • Pagdaragdag ng plasma o platelets sa dugo upang mapanumbalik sa normal ang kakayahan nitong mamuo.

Kung ang pagkalat ng impeksyon ay matindi, maaaring gumamit ng dialysis para linisin ang dugo.