STD
Panoorin ang video
Buod
Image Source: www.foxnews.com
Ang mga sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, o sexually transmitted diseases (STD), ay mga uri ng impeksyong dulot ng mikobryo. Ang STD ay tinatawag ding sexually transmitted infections (STIs) o kaya ay veneral diseases (VD). Batay sa katawagan ng mga kondisyong ito, ang pangunahing paraan ng pagkakaroon ng alinman sa mga STD ay ang pakikipagtalik.
Subalit, ang mga mikrobyong nagdudulot ng STD ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng paggamit ng mga karayom o hiringilya na ginamit ng taong apektado nito. Maaari rin itong makuha sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo. Ang nagbubuntis na ina na mayroong STD ay maaari ring maipasa ang kaniyang kondisyon sa sanggol na kaniyang dinadala.
Ang mga mikrobyo ng mga STD ay maaaring kumalat mula sa apektadong tao papunta sa kaniyang katalik sa pamamagitan ng pagkakadikit ng balat ng kanilang mga ari. Ang mga mikrobyo ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng mga mucous membrane ng mga ari, tamod, mga likidong inilalabas ng ari ng babae, o maging sa pamamagitan ng dugo.
Paano umaapekto ang STD sa katawan?
Sa mga kababaihan, ang mga karaniwang sintomas ng pagkakaroon ng mga STD ay kagaya ng mga sumusunod:
- Pananakit sa tuwing nakikipagtalik o kaya ay sa tuwing umiihi
- Pagkakaroon ng mga sugat, mga bukol, o kaya ay mga pantal sa paligid ng ari, puwet, hita, maging sa bibig
- Pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang pag-agos ng likido o dugo mula sa ari
- Pagkakaroon ng pangangati sa loob o kaya ay sa paligid ng ari
Sa mga kalalakihan naman, ang mga karaniwang sintomas ng mga STD ay kagaya ng mga sumusunod:
- Pananakit sa tuwing nakikipagtalik o kaya ay sa tuwing umiihi
- Pagkakaroon ng mga sugat, mga bukol, maging ng mga pantal sa paligid ng ari, bayag, butas ng puwet, sa mga hita, maging sa bibig
- Pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang paglabas ng likido o dugo mula sa ari
- Pananakit o kaya ay pamamaga ng mga bayag
Kasaysayan ng STD
Ang sipilis (syphilis) ay ang isa sa mga pinaka-kilalang uri ng STD na naitala noon pang 1494. Sa panahong ito ay kumalat ito sa mga sundalong Pranses sa pagsiklab ng Italian War. Sa pagkalat nito sa Europa, ang sakit na ito ay pumatay sa mahigit limang milyong katao.
Samantala, ang tulo (gonorrhea) ay naitala sa Paris may 700 na taon na ang nakalilipas. Ito ay naging malaganap sa bahagi ng bansang ito kung saan may maraming mga sex worker.
Bago pa matuklasan ang mga makabagong gamot, ang mga sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik ay walang lunas, maliban sa mga sintomas nito. Ang isa sa mga unang pagamutan para sa mga may STD ay ang London Lock Hospital na naitatag noong 1746. Pagsapit naman ng ika-19 na siglo ay ginamit ang Contagious Diseases Acts upang hulihin ang mga pinaghihinalaang mga nagtatrabaho sa sex industry upang mapigil ang pagkalat ng mga STD.
Pagasapit naman ng ika-20 na siglo, naimbento ang kauna-unahang mabisang gamot laban sa STD: ang salvarsan. Ginagamot nito ang sipilis. At noong matuklasan ang mga antibiotic, dumami pa ang mga uri ng STD na nagagamot. Lalo pang napigilan ang pagkalat ng mga STD noong magkaroon ng pinaigting na kilusan laban dito noong mga 1960s at 1970s.
Sa mga panahon ding ito ay kinilala ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga nakatalik ng mga taong apektado ng STD. Ginawa ito upang sila ay masuri at malapatan ng lunas laban sa uri ng taglay nilang sakit. Dahil dito, lalo pang napigilan ang pagkalat ng STD sa publiko.
Subalit, noong mga 1980 ay lumaganap sa kauna-unahang pagkakataon ang herpes at AIDS. Sa panahon natin ngayon ay unti-unti na nating nakikita ang pag-usbong ng mga mabibisang pamamaraan sa pagpigil ng pagkalat at paglunas sa mga sintomas ng mga sakit na ito.
Mga Katangian
Sa pag-uumpisa ng isang STD, maaaring walang makikitang anumang sintomas. Kahit sa paglala ng ilan sa mga uri ng sakit na ito, maaaring wala pa ring kapansin-pansing palatandaan. Subalit, sa maraming mga kaso nito, ang mga karaniwang sintomas ng mga STD ay kagaya ng mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagkakaroon ng mga sugat o mga bukol sa loob o paligid ng ari, bibig, o kaya sa butas ng puwet
- Pananakit o pagkakaroon ng mainit na pakiramdam sa loob o labas ng ari sa tuwing umiihi
- Pananakit sa loob o labas ng ari sa tuwing nikikipagtalik
- Pag-agos ng likido mula sa ari ng lalaki
- Pag-agos ng hindi pangkaraniwan o kaya ay masangsang na likido mula sa ari ng babae
- Pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang pagdurugo sa ari ng babae
- Pamamaga at pananakit ng mga kulani, lalo na sa mga singit
- Pananakit ng puson
- Pagkakaroon ng mga pantal sa iba’t ibang bahagi ng katawan
Ang mga sitomas na ito ay maaaring magpakita ilang araw o kaya ay ilang taon mula nang unang malantad sa mikrobyo ng STD. Ang bilis o bagal ng pagkakaroon ng mga sintomas ay batay sa kung anong uri ng mikrobyo ang sanhi ng pagkakaroon ng sakit na ito.
Mga Sanhi
- Ang balat, mucous membrane, dugo, o ang mga likido na nasa ari o kaya nasa butas ng puwet ng lalaki o babae ay ang mga karaniwang pinamamahayan ng mga mikrobyong sanhi ng mga STD. Kaya, kapag walang sapat na proteksyon na kagaya ng condom, ang malusog na indibiduwal ay maaaring mahawa ng STD sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Pagsasagawa ng oral sex sa lalaki kung saan ay isinusubo ang ari nito
- Pagsasagawa ng oral sex sa babae kung saan ay dinidilaan ang ari nito
- Pagsasagawa ng vaginal sex kung saan ay isinusuot ang ari ng lalaki sa ari ng babae
- Pagsasagawa ng anal sex kung saan ay isinusuot ang ari ng lalaki sa butas ng puwet ng katalik
- Pagsasagawa ng “analingus,” kung saan ay dinidilaan ang butas ng puwet ng katalik
Mga mikrobyo at iba pang organismong nagdudulot ng STD
May apat na uri ng mga mikrobyo at organismo na maaaring magdulot ng STD: ang mga bacteria, fungi, virus, maging ang mga parasitiko.
Ang mga STD na dulot ng bacteria ay ang mga sumusunod:
- Chancroid (Haemophilus ducreyi)
- Chlamydia (Chlamydia trachomatis)
- Gonorrhea (Neisseria gonorrhoeae)
- Granuloma inguinale or (Klebsiella granulomatis)
- Mycoplasma genitalium
- Mycoplasma hominis
- Syphilis (Treponema pallidum)
- Ureaplasma infection
Ang mga uri naman ng mga STD na dulot ng virus ay ang mga sumusunod:
- Herpes simplex
- HIV (Human Immunodeficiency Virus)
- HPV (Human Papillomavirus)
- Molluscum contagiosum (molluscum contagiosum virus o MCV)
- Viral hepatitis (Hepatitis B virus).
Mayroon ding mga uri ng mga STD na dulot ng mga maliliit na mga parasitiko. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Crab louse
- Scabies (Sarcoptes scabiei)
- Trichomoniasis (Trichomonas vaginalis)
Ang candidiasis o yeast infection naman ay isang uri ng impeksyon sa ari ng babae na dulot ng isang uri ng fungi. Bagama’t ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ito ay napaka-bihira lamang na mangyari.
Anu-ano naman ang mga salik na maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng mga STD?
Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng STD
Ang lahat ng taong sexually active ay lantad sa mga STD. Ang mga salik na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng STD sa mga ganitong uri ng mga tao ay ang mga sumusunod:
- Pakikipagtalik nang walang ginagamit na proteksyon. Ang vaginal o kaya anal na paraan ng pakikipagtalik sa taong may STD nang walang ginagamit na condom ay nagpapataas sa antas ng panganib ng pagkakaroon ng alinman sa sakit na ito. Magpapasapanganib din sa tao ang hindi wastong pagsusuot ng condom.
- Pagkakaroon ng maraming karelasyong Ang pagkakaroon ng maraming katalik ay nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng STD. Higit na mataas naman ang panganib kung ang mga katalik ay hindi kilala.
- Pagsasagawa ng oral sex. Maaaring hindi kasing taas ng ibang paraan ng pakikipagtalik ang panganib na magka-STD sa pamamagitan ng oral sex. Subalit, ang mga mikrobyong nagdudulot ng sakit na ito na matatagpuan sa ari ng apektadong tao ay maaari pa ring makahawa kapag pumasok sa bibig ng katalik.
- Pagkakaroon na dati ng STD. Ang mga taong dati nang nagkaroon ng STD ay maaaring muling magkaroon nito. O kaya, sila ay madaling kapitan ng iba pang uri ng sakit na ito.
- Mga lalaking madalas gumamit ng gamot na panglunas sa erectile dysfunction. Ang karamihan sa mga lalaking umiinom ng gamot para sa kondisyong ito ay kadalasang may napaka-aktibong sexual life. Dahil dito, mataas ang panganib na sila ay magkaroon ng STD, lalo na kung sila ay nakikipagtalik nang walang sapat na proteksyon.
Ang iba pang mga salik na nagpapataas sa pagkakataong magkaroon ng STD ay ang mga sumusunod:
- Pagiging bata. Ang may kalahati sa mga mayroong STD ay may edad 15 hanggang 24 na taong gulang.
- Pagiging biktima ng pang-aabuso. Sinumang nakipagtalik nang sapilitan ay maaaring nalantad sa mga mikrobyong nagdudulot ng STD. Kaya, ipinapayo sa mga naging biktima ng pang-aabuso na magpatingin kaagad sa manggagamot upang masuri ang kalagayan ng kalusugan.
- Pagtuturok ng droga. Ang pagtuturok ng droga, lalo na kapag ang ginamit na hiringgilya ay marumi o ginamit na ng iba, ay maaaring maging daan sa pagkalat ng HIV o ng iba pang uri ng impeksyong kagaya ng hepatitis B at C.
- Pag-abuso sa mga nakalalasing na inumin at droga. Ang pagkalasing, bunga man ng nakalalasing na inumin o ng droga, ay maaaring makaapekto sa katinuan ng pag-iisip. Kapag hindi nakapag-isip nang maayos bunga ng kalasingan o maging ng impluwensya ng droga, maaaring makagawa ang sinuman ng mga bagay na maglalagay sa kaniyang kalusugan sa panganib.
Paggamot at Pag-Iwas sa STD
Ang STD ay may iba’t ibang sanhi. Dahil dito, iba’t iba rin ang mga pamamaraan sa paglunas dito. Halimbawa, para sa mga STD na bunga ng bacteria, ang mga ito ay ginagamot gamit ang mga antibiotic. Ang mga STD naman na dulot ng virus, kagaya ng HIV, ay nangangailangan ng hindi pangkaraniwang mga pamamaraan upang malunasan.
Narito ang mga karaniwang ginagamit na mga gamot para sa HIV/AIDS:
- Nucleoside Reverse Transcriptase Inhibitors (NRTI). Pinipigilan nito ang pagdami ng HIV. Ang mga halimbawa nito ay ang mga gamot na:
- Abacavir
- Didanosine (ddl)
- Lamivudine (3TC)
- Stavudine (d4T)
- Zalcitabine (ddC)
- Zidovudine (ZDV)
- Protease Inhibitors. Ang mga gamot na ito ay pumipigil sa pagdami ng HIV sa loob ng mga C4 na selula. Ang mga halimbawa nito ay ang:
- Indinavir
- Nelfinavir
- Ritonavir
- Saquinavir
- Lopinavir plus ritonavir
Para naman sa sakit na klamidya (chlamydia), ito ay ginagamitan ng mga antibiotic na kagaya ng mga sumusunod:
- Azithromycin
- Erythromycin
- Doxycycline
Ang tulo o gonorrhea naman ay maaaring gamutin ng mga sumusunod na mga antibiotics:
- Ceftriaxone
- Cefixime
- Ciprofloxacin
- Ofloxacin
Para naman sa sakit na pelvic inflammatory disease (PID), ang mga sumusunod na mga antibiotic ay ginagamit na panglunas:
- Cefotetan o cefoxitin plus doxycycline
- Clindamycin at gentamicin
- Ofloxacin at metronidazole
Ang STD naman na bunga ng human papillomavirus (HPV) ay nilulunasan sa pamamagitan ng mga gamot na ipinapahid sa apektadong bahagi. Ang ilan sa mga gamot na ito ay ang mga sumusunod:
- Imiquimod
- Podophyllin
- Podofilox
- Fluorouracil (5-FU)
- Trichloroacetic acid (TCA)
- Interferon
Ang sakit na genital herpes naman ay ginagamitan ng mga sumusunod na mga antiviral na mga gamot:
- Acyclovir
- Famciclovir
- Valacyclovir
Samantala, ang sipilis (syphilis) ay ginagamot sa pamamagitan ng antibiotic na penicillin.
Anu-ano naman ang mga hakbang o mga pamamaraan na maaaring gawin upang makaiwas sa mga STD?
Pag-iwas sa STD
May ilang mabibisang paraan para maiwasan o kaya ay mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng mga STD. Ay mga paraang ito ay ang mga sumusunod:
Image Source: www.avert.org
- Pag-iwas sa pakikipagtatalik. Ang isa sa pinaka-mabisang paraan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng STD ay ang pagpigil sa sarili sa mula pakikipagtalik, lalo na sa mga taong hindi naman kakilala.
- Pamalagiin ang kaugnayan sa ka-relasyong walang STD. Napakalaki rin ng magagawa sa pag-iwas sa STD ng pamamalagi ng relasyon sa iisa lamang tao na hindi apektado ng sakit na ito.
- Pagpapasuri. Iwasan ang anumang paraan ng pakikipagtalik hanggang sa ikaw at ang magiging katalik ay makapagpasuri.
- Pagpapabakuna. Sikaping magpabakuna muna laban sa human papillomavirus (HPV) at hepatitis B at C bago makipagtalik sa kaninuman.
- Gumamit ng condom at mga dental dam. Ang maayos at wasto na paggamit ng mga condom at dental dam ay makatutulong upang maiwasan ang pagkakadikit ng balat sa mga mucous membrane ng ari ng katalik. Sa pagpili ng condom, tiyakin na ang gagamitin ay gawa sa latex at hindi sa mga natural membranes.
- Pag-iwas sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin. Kapag ang tao ay lasing o kaya ay lango dahil sa mga nakalalasing na inumin o droga, maaari siyang malantad sa mga gawaing hindi niya makontrol, kagaya ng mga mapanganib na kaugaliang
- Magkaroon ng bukas na pag-uusap. Bago makipagtalik, lalo na sa bagong kakilala, magkaroon muna ng bukas na pag-uusap ukol sa ligtas na paraan ng pakikipagtalik. Dapat na magkasundo ang bawat isa ukol sa kung ano ang mga gawaing sexual na katanggap-tanggap para sa kanila.
- Pag-isipan ang pagpapatuli. Kung hindi pa tuli, dapat ay pag-isipan ito ng isang lalaki. May mga pag-aaral na nagpapatunay ukol sa bisa ng pagpapatuli laban sa pagkakaroon ng HIV. Makatutulong din ito upang maiwasan ang pagkalat ng HPV at genital herpes.
- Pag-isipan ang paggamit ng PrEP. Ang PrEP, o pre-exposure prophylaxis ay ang paraan ng paggamit ng pinagsamang mga gamot na emtricitabine-tenofovir disoproxil fumarate (Truvada). Nakatutulong ito upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng STD, lalo na ng HIV, sa mga taong may mataas na panganib na magkaroon nito. Subalit, dapat tandaan na ang pamamaraang ito ay ginagamit batay sa payo ng doktor.
Upang makatulong sa lalo pang pag-iwas sa mga STD, mahalagang malaman kung anu-ano ang mga uri ng sakit na ito.
Mga Uri ng STD
Dapat maunawaan na hindi lahat ng impeksyon sa ari, lalo na ng mga kababaihan, ay naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, kagaya ng ilang uri ng impeksyong bunga ng fungi. Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang uri ng mga sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik:
- Bacterial Vaginosis (BV). Ang kondisyong ito ay maituturing na pinaka-karaniwang uri ng impeksyon sa ari ng mga babae, lalo na sa mga may edad 15 hanggang 44 na taong gulang. Ang ilan sa mga sintomas nito ay ang pangangati at ang pag-agos ng likido mula sa ari na may masangsang na amoy. Ito ay karaniwang ginagamot gamit ang mga
- Chancroid. Ang sakit na ito ay isang uri ng impeksyong dulot ng bacterium na Haemophilus ducreyi. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga bukas na sugat sa paligid ng ari ng lalaki o babae..
- Granuloma inguinale. Ang sakit na ito ay dulot ng bacterium na Klebsiella granulomatis na dating kilala bilang Calymmatobacterium granulomatis. Ito ay makikilala sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga ulcer sa ari.
- HIV/AIDS. Ang lubhang nakahahawa at nakamamatay na sakit na ito ay dulot ng human immunodeficiency na mga Ito ay nauuwi sa pagiging ganap na AIDS kung saan ang immune system ng tao ay lubusang tumitigil sa paggana na nagbubukas sa biktima nito sa iba’t ibang nakamamatay na impeksyon at mga kanser.
- Hepatitis. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pamamaga ng atay. Ito ay karaniwang dulot ng Subalit, maaari rin itong dulot ng iba pang kondisyon.
- Herpes. Ang sakit na ito ay matatagpuan sa ari. Ito ay dulot ng herpes simplex virus (HSV). Maaari itong mamalagi sa katawan nang ilang taon at magpakita ng mga pabalik-balik na mga sintomas, kagaya ng pananakit, pangangati, o pagsusugat ng ari.
- Human Papillomavirus (HPV). Ang virus na ito ay nagdudulot ng pinaka-karaniwang uri ng impeksyon na bunga ng pakikipagtalik. Karaniwan itong nawawala nang kusa. Subalit, kapag napabayaan ay maaari itong magdulot ng mga genital warts o kaya ay ng kanser. Maaari ring maapektuhan ng virus na ito ang bibig at lalamunan.
- Klamidya (Chlamydia). Ang sakit na ito ay isa sa mga pinaka-karaniwang uri ng STD. Ito ay dulot ng bacterium na Chlamydia trachomatis na maaaring umapekto sa mga lalaki at mga babae. Sa mga kababaihan, maaaring magkaroon ng klamidya sa cervix, sa rectum, o sa lalamunan. Sa mga kalalakihan naman ay maaaring magkaroon ng klamidya sa loob ng ari, sa rectum, o sa lalamunan.
- Kulugo sa ari (Genital warts). Ang kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng mga maliliit na kulugo sa may butas ng puwet o kaya sa sa paligid ng ari. Ito ay dulot ng human papillomavirus
- Lymphogranuloma Venereum (LGV). Ang sakit na ito Ito ay ang pangmatagalang pabalik-balik na impeksyon sa lymphatic system dulot ng tatlo sa mga uri ng bacterium na Chlamydia trachomatis na iba sa nagdudulot ng klamidya sa ari.
- Molluscum Contagiosum. Ang impeksyong ito ay dulot ng virus na umaapekto sa balat. Ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng mga bukol sa bahaging ito ng katawan. Ang mga ito ay maaaring kasing liit ng pinhead o kasing laki ng pambura ng lapis. Ang mga bukol na ito ay hindi masakit, subalit lubhang nakahahawa kapag nagsugat.
- Mucopurulent Cervicitis (MPC). Ang MPC ay isang uri ng STD na umaapekto sa Ito ay maaaring dulot ng klamidya o tulo. Maaari rin naman itong dulot ng iba pang mga mikrobyo.
- Pelvic Inflammatory Disease (PID). Ang sakit na ito ay isang uri ng impeksyong umaapekto sa mga reproductive organ ng mga babae. Nagkakaroon nito kapag ang impeksyon ay kumalat mula sa ari papunta sa uterus, fallopian tube, o sa mga obaryo. Ang PID ay maaaring walang mga palatandaan o sintomas.
- Pubic “Crab” Lice. Ang mga ito ay mga maliliit na parasitikong insekto na sumisipsip ng dugo bilang pagkain nito. Namamahay ang mga crab lice sa mga buhok sa paligid ng ari, subalit maaari rin silang matagpuan sa mga buhok sa iba pang bahagi ng katawan.
- Scabies. Ang kondisyong ito ay umaapekto sa balat na nagbubunga ng pangangati at pagkakaroon ng mga pantal. Ito ay dulot ng isang uri ng maliit na insekto na kung tawagin ay sarcoptes scabiei. Ang pangangating bunga ng mga insektong ito ay dulot ng allergic reaction ng katawan sa kanilang mga itlog at mga dumi na nanunuot sa balat.
- Sipilis (Syphilis). Ang sakit na ito ay bunga ng impeksyong dulot ng bacterium na Treponema pallidum. Ito ay maaaring gamutin sa pag-uumpisa nito. Subalit, kapag lumala ay maaaring magdulot ng iba’t ibang kondisyong maaaring magbunga ng kamatayan. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mga sugat na dinudulot nito na kung tawagin ay mga
- Trichomoniasis. Ang sakit na ito na dulot ng isang uri ng parasitiko ay tinatawag ding Ito ay nagagamot na uri ng STD. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pangangati ng ari, pagkakaroon ng masangsang na likido rito, maging ang pagkakaroon ng pananakit sa ari tuwing umiihi.
- Tulo (Gonorrhea). Ang sakit na ito ay dulot ng isang uri ng bacteria na maaaring umapekto sa mga lalaki at babae. Umaapekto ito sa urethra, rectum, maging sa lalamunnan. Maaari rin itong umapekto sa cervix ng mga kababaihan.
Sanggunian
- https://www.webmd.com/sex-relationships/understanding-stds-basics
- https://medlineplus.gov/sexuallytransmitteddiseases.html#cat_78
- https://www.nichd.nih.gov/health/topics/stds/conditioninfo/treatments
- https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/sexually-transmitted/Pages/Medications-for-Sexually-Transmitted-Infections.aspx
- https://www.healthline.com/health/sexually-transmitted-diseases
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/246491.php
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sexually-transmitted-diseases-stds/symptoms-causes/syc-20351240
- https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex
- https://www.britannica.com/science/sexually-transmitted-disease
- https://en.wikipedia.org/wiki/Sexually_transmitted_infection
- https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/sexually-transmitted/Pages/Types-of-Sexually-Transmitted-Infections.aspx
- https://beforeplay.org/stds/