Sakit sa Tenga
Panoorin ang video
Buod
Image Source: www.freepik.com
Ang tenga ay binubuo ng tatlong pangunahing mga bahagi: ang outer ear, middle ear, at inner ear. Ang outer ear ang kumukolekta ng mga tunog sa kapaligaran, samantalang ang middle ear ang nagsasalin sa mga tunog na ito bilang vibration. Pagsapit ng inner ear, ang vibration ay nagiging signal upang makarating ito sa utak at iproseso ang mga tunog na narinig.
Kapag nagkaproblema ang mga tenga ng isang tao, maaaring humina ang kanyang pandinig. Bukod dito, maaaring makaranas din ang pasyente ng pananakit ng tenga, pagkahilo, pagduduwal o pagsusuka, hirap sa pagbabalanse ng katawan, pag-ugong ng tenga, pagtutubig ng tenga, lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, pangangati ng tenga, pagsusugat ng tenga, at iba pa. Batay sa uri ng sakit sa tenga, ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring hindi lahat maranasan ng pasyente.
Kadalasang nagkakaroon ng mga sakit sa tenga dahil sa alerhiya, ubo at sipon, impeksyon, paninigarilyo, at pagbabago ng air pressure. Minsan, nagkakaroon din ng mga problema sa tenga kung ang isang tao ay may birth defect o kaya naman ay kung siya ay nagtamo ng pisikal na pinsala dulot ng aksidente o trauma.
Upang malunasan ang mga sakit sa tenga, ang doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot o magpayo na operahan sa tenga ang pasyente. Batay sa uri at tindi ng kalagayan, maaaring mawalan ng pandinig ang isang tao kung hindi maaagapang lunasan ang kanyang kondisyon.
Kasaysayan ng sakit sa tenga
Ang tawag sa larangan sa pag-aaral at paggamot sa mga sakit sa tenga ay tinatawag na otology. Ang otology ay nagmula sa Griyegong salita para sa tenga na “ous.” Noong sinaunang panahon, bago pa man sumapit ang 4,000 BC ay may mga naitala na tungkol sa mga kondisyong nakaaapekto sa tenga gaya na lamang ng otitis media o luga. Batay sa Ebers at Brugsch, mga uri ng medikal na tala, ang otitis media ay inilahad bilang “fire in the heart of the ear” at ang gamot para rito ay pulot (honey).
Noong 400 BC naman, ang Ama ng Medisina na si Hippocrates ay inilahad ang mga bahagi ng tenga gaya ng tympanic membrane at mastoid air cells. Bukod dito, nakapagbigay siya ng tumpak na paglalarawan ng mga sakit sa tenga gaya ng acute at chronic otitis media, pati na rin ang mga dahilan ng pagkabingi.
Bukod kay Hippocrates, si Aristotle, isang Griyegong pilosopo, ay gumawa ng teorya sa pandinig. Ayon sa kanya, ang inner ear ay isang resonating chamber na umuugong bilang pagtugon sa tunog na naririnig.
Pagsapit naman ng 130-200 AD, si Galen, ang personal na doktor ng Romanong Emperador na si Marcus Aurelius, ay inilahad kung ano ang auditory nerve. Bukod dito, nakilala rin si Galen bilang isang mahusay na surihano sa iba’t ibang uri ng kondisyon sa tenga.
Noong Middle Ages, noong ika-16 na siglo, ay nagsagawa si Vesalius ng Padua ng paghiwa sa tenga. Dahil dito, mas naintindihan ang mga bahagi ng tenga, lalo na ang middle ear. Noong kapanahunan naman ni Du Verney, ang personal na doktor ng mga maharlikang Pranses, gumawa siya ng isang libro na naglalaman ng mga larawan ng mga bahagi ng tenga. Dahil dito, tinagurian siyang “father of otology.”
Ang ika-18 siglo naman ay nagmistulang kapanahunan ng pag-aaral ng mga bahagi ng tenga. Maraming mga doktor, mananaliksik, at siyentipiko ang nagsagawa ng paghihiwa sa tenga upang masuri ang bawat bahagi nito. Kaya naman pagsapit ng ika-19 na siglo, mas naiintindihan na kung saan nagmumula ang iba’t ibang sakit sa tenga at marami na ring mga naimbentong paraan ng pag-oopera upang malunasan ang mga ito.
Bagama’t maraming nang naimbentong mga lunas sa pagdating ng ika-20 na siglo, ang kadalasang pinapayo pa rin ng mga doktor sa mga simpleng impeksyon sa tenga gaya ng luga ay pag-oopera. Kung minsan, ang mga ito ay hindi pa nagtatagumpay at lalo pang humihina ang pandinig ng pasyente. Pero pagsapit ng 1928, naimbento ni Alexander Fleming ang penicillin. Ito ang naging pangunahing gamot ng mga impeksyon sa tenga dahil sa mga antibacterial property nito. Dahil dito, hindi na nangangailangan pang operahan ang mga tenga ng pasyente sa tuwing magkakaimpeksyon ang mga ito.
Mga Katangian
Ang tenga ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang kondisyon. Batay sa uri ng sakit sa tenga, ang pasyente ay maaaring makaranas ng iba’t ibang sintomas gaya ng mga sumusunod:
- Paghina ng pandinig. Kapag humihina ang pandinig, maaaring may nakabara sa tenga o may pinsala ang ilang bahagi nito. Karaniwan ding humihina ang pandinig kapag tumatanda na ang isang tao.
- Pananakit ng tenga. Ang pananakit ng tenga ay isa sa mga senyales na may problema ito. Maaaring makaranas ng pananakit kapag ang tenga may impeksyon, nagbago ang air pressure, may namuong tutuli o hindi mailabas na tubig sa loob, o kaya naman ay may maliit na bagay na nakaharang dito.
- Pagkahilo. Ang pagkahilo ay isa rin sa mga senyales na may problema ang mga tenga. Maaaring nabarahan ang tenga ng tubig o kaya naman ay may impeksyon ito. Kadalasan, kung may problema ang mga tenga, ang pagkahilong nararanasan ay maikukumpara sa paikot-ikot ng kapaligiran.
- Pagduduwal o pagsusuka. Kung may sakit ang mga tenga, maaari ring makaranas ang pasyente ng pagduduwal o pagsusuka dahil sa mga karamdamang kagaya ng vertigo. Madalas itong may kaakibat na pagkahilo.
- Hirap sa pagbabalanse ng katawan. Maaari ring makaranas ng hirap sa pagbabalanse ng katawan o paglalakad ang isang pasyente kapag siya ay may sakit sa tenga. Ito ay dahil ang Eustachian tube, na siyang bahagi ng tenga na nangangasiwa ng balanse ng katawan, ay maaaring nabarahan o may pinsala. Kadalasan, nababarahan ang Eustachian tube kapag ang isang tao ay may alerhiya, ubo’t sipon, at impeksyon.
- Pag-ugong ng tenga. Ang pag-ugong ng tenga ay maaaring sintomas ng sakit sa tenga gaya ng Meniere’s disease. Ang Meniere’s disease ay ang pagkakaroon ng abnormalidad sa inner ear fluid pressure. Subalit minsan, ang pag-ugong ay sanhi lamang ng nakabarang tutuli o kaya naman ay ang pagkakarinig sa napakalakas na tunog.
- Pagtutubig mula sa tenga. Ang tenga ay natural na gumagawa ng tutuli o Tumutulong ito upang maproteksyunan ang loob ng tenga. Subalit kung ang tenga ay nagtutubig, maaaring nangangahulugan ito ng pagkapinsala ng eardrum. Ang eardrum ang bahagi ng tenga na nagsasalin ng tunog bilang vibration.
- Pagkakaroon ng lagnat. Ang pagkakaroon ng lagnat ay maaaring sintomas din ng sakit sa tenga gaya ng impeksyon. Ang lagnat ay nagsisilbing paraan ng katawan upang labanan ang anumang impeksyon na nakaaapekto rito.
- Kawalan ng gana sa pagkain. Maaaring mawalan ng gana sa pagkain ang isang tao kung ang kanyang mga tenga ay nananakit. Kadalasan, ang mga bata ang nawawalan ng gana sa pagkain dahil hindi maganda ang kanilang nararamdaman sa kanilang mga tenga.
- Pangangati ng tenga. Ang pangangati ng tenga ay maaring dulot ng pamumuo ng tutuli. Kung minsa nnaman, nangangahulugan ito na may impeksyon ang tenga.
- Pagsusugat ng tenga. Kung nagsusugat ang tenga, maaaring ito ay may impeksyon na dulot ng bacteria, virus, o
Mga Sanhi
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa tenga ang isang tao. Ito ay maaaring dulot ng mga sumusunod:
- Alerhiya sa pagkain. Ang pagkain ng mga pagkaing nakapagdudulot ng alerhiya sa katawan ay maaaring maging sanhi upang magkaroon ng sakit sa tenga. Dahil sa alerhiya sa pagkain, ang mga tenga ay maaaring gumawa ng mas maraming tutuli o kaya naman ay magdulot ito sa pasyente ng ubo at sipon. Kapag ang tenga ay nagkaroon ng mas maraming tutuli o mas nagtubig dulot ng ubo at sipon, maaaring magresulta ito sa impeksyon lalo na kung hindi nalilinis nang maayos.
- Pagkakaroon ng ubo at sipon. Mapapansin na sa tuwing may ubo at sipon, ang pandinig ay humihina. Ito ay dahil sa ang ilong at tenga ay magkadugtong. Kung minsan, ang sipon ay napapapunta sa tenga kaya naman ito ay nababarahan at nagiging sanhi ng mahinang pandinig. Bagama’t normal lamang ito, kapag labis ang sipon na napunta sa tenga at naipon, maaaring magresulta ito sa impeksyon o kaya naman ay maging sanhi ng luga.
- Pagkakaroon ng impeksyon. Ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga ay indikasyon na maaaring magkaroon ng ibang problema dito. Ilan lamang sa mga senyales na may impeksyon ang tenga ay pangangati, pananakit, pagtutubig ng tenga, at iba pa.
- Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng panghihina ng pandinig. Dahil ang sigarilyo ay maraming sangkap na nakalalason, ang middle ear ay maaaring mairita at mapinsala. Bukod dito, nakaaaapekto din ang paninigarilyo sa pagdadala ng signal mula sa tenga papuntang utak, kaya naman maaaring hindi maproseso nang maayos ang tunog na narinig.
- Pagbabago ng air pressure. Kadalasan, kapag ang isang tao ay pumunta sa isang mataas na lugar o kapag siya ay sumisid sa dagat, siya nakararanas ng panandaliang pagkabingi. Ito ay dahil sa air pressure ng lugar. Kapag nagbago ang air pressure, ang Eustachian tube ay hindi agad makaangkop kaya naman nakararanas ng panandaliang pagkabingi. Bukod sa pagbabalanse ng katawan, ang Eustachian tube kasi ay nangangasiwa sa pagbabalanse ng middle ear pressure at air pressure ng kapaligiran. Sa patuloy na pagtaas ng air pressure, maaaring mapinsala ang tenga at magresulta sa pagkabingi.
- Pagkakaroon ng birth defect. May mga sanggol na isinisilang na may problema sa tenga. Kung minsan, ang tenga, partikular na ang outer ear, ay hindi nabubuo o kaya naman ay masyado itong maliit. Dahil dito, naaapektuhan ang pandinig ng taong may birth defect sa tenga.
- Pagtatamo ng pisikal na pinsala. Maaari ring magkaroon ng problema sa tenga kung ito ay nagtamo ng pisikal na pinsala dulot ng aksidente o Bukod sa pisikal na pinsala, maaari ring magkaroon mismo ng pinsala ang mga nerve ng tenga na siyang tumutulong sa pagdadala ng signal sa utak.
- Madalas na pagdinig sa malalakas na tunog. Sa araw-araw, ang mga tenga ng isang tao ay may kakayanan lamang na makarinig ng hanggang 85 decibel na lakas ng tunog. Ang lakas ng normal na pakikipag-usap ay umaabot na ng 60-70 Kung hihigit pa sa lakas na 85 decibel, ang mga tenga ay maaaring mapinsala, lalo na ang eardrum. Ito ay higit na nakaaapekto sa mga taong naninirahan o nagtatrabaho sa mga lungsod.
- Pagkakaroon ng ibang karamdaman. Ang mga karamdaman gaya ng bulutong, tigdas, encephalitis, meningitis, beke, at iba pang sakit ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng problema sa tenga. Ito ay dahil sa ang mga nakakonektang nerve ng utak at tenga ay maaaring mapinsala dulot ng komplikasyon ng mga sakit na ito. Kung hindi malulunasan ang kasalukuyang karamdaman, maaaring magdulot ito ng permanenteng pagkabingi.
Mga salik sa panganib
Maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa tenga ang isang tao kung nabibilang siya sa alinmang mga sumusunod na grupo:
- Edad. Ang kadalasang nagkakaroon ng mga banayad na sakit sa tenga ay mga bata sapagkat hindi pa lubos na malakas ang kanilang mga resistensiya. Dahil dito, madalas silang magkaroon ng ubo at sipon na maaaring magresulta sa impeksyon sa tenga. Pero kalaunan, ang mga matatanda naman ang may mas mataas na posibilidad na makaranas ng kawalan ng pandinig.
- Lahi o etnisidad. Ayon sa pag-aaral, ang mga Caucasian ang madalas na magkaroon ng problema sa pandinig, partikular na ang Ito ay dahil sa ibang istruktura ng kanilang mga tenga.
- Mga taong may birth defect. Kung may birth defect gaya ng pagkabingot, maaaring mahirapan ang Eustachian tube na maglabas ng likido. Dahil dito, maaaring maipunan ang tenga ng likido at tutuli na maaaring magresulta sa iba’t ibang uri ng impeksyon sa tenga o pagkabingi.
- Mga taong may alerhiya. Ang mga taong may alerhiya ay posible ring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa tenga. Maging ito man ay dulot ng pagkain o mga alikabok, ang alerhiya ay kadalasang nakapagdudulot ng sipon sa isang tao, kaya naman maaaring makaranas ng bahagyang pagkabingi o magkaroon ng impeksyon.
- Mga taong labis na nag-iinom at naninigarilyo. Ayon sa pag-aaral, ang pag-iinom at paninigarilyo ay nakapagpapabagal sa utak sa pagproseso ng mga tunog. Kung palagiang umiinom ng nakalalasing na inumin at naninigarilyo, maaaring magkaroon ng pangmatagalang sakit sa tenga at problema sa pagbabalanse ng katawan.
- Mga taong may ibang karamdaman. Ang mga infectious disease gaya ng beke, bulutong, tigdas, at iba pa ay maaaring magdulot ng pamamaga at impeksyon sa mga nerve ng katawan, kabilang na ang mga nerve ng tenga.
Paggamot at Pag-Iwas
Ang pagkakaroon ng sakit sa tenga ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bukod sa maaapektuhan ang pandinig, maaari pang magkaroon ng problema sa pagbabalanse ng katawan. Bagama’t karamihan ng mga sakit sa tenga ay hindi mapanganib, kailangan pa rin itong lapatan ng karampatang lunas.
Paggamot sa sakit sa tenga
Ang paglunas sa sakit sa tenga ay batay sa uri at tindi ng kondisyon nito. Subalit kadalasan, ang doktor ay nagbibigay ng mga sumusunod na lunas:
- Mga gamot para sa pananakit. Karaniwang sumasakit ang tenga kung ito ay may problema o pinsala. Upang mabawasan ang pananakit, ang doktor ay nagrereseta ng mga gamot para sa pananakit gaya ng ibuprofen at Maaari rin namang bumili ng mga gamot na ito kahit walang reseta ng doktor.
- Mga pampatak sa tenga o ear drops. Maaari ring magreseta ang doktor ng ear drops para sa pananakit o impeksyon. May ear drops din na ginagamit upang mapalambot ang namuong tutuli upang mas madaling malinis ang mga ito.
- Mga decongestant. Ang decongestant ay maaaring isang uri ng tableta, syrup, o spray. Kadalasang inirereseta ito ng doktor kung ang sanhi ng sakit sa tenga ay dulot ng ubo at sipon. Kapag nagamot ang ubo at sipon ng pasyente, matatanggal ang bumarang sipon sa tenga at mababawasan ang middle ear pressure nito.
- Mga gamot para sa impeksyon. Ang karaniwang idinadaing ng mga pasyente ay ang impeksyon sa kanilang mga tenga. Upang gumaling ito, nagrereseta ang mga doktor ng Pero kung ang sanhi ng impeksyon ay virus o fungi, hindi magiging mabisa ang antibiotic sapagkat ito ay para sa mga impeksyong dulot ng bacteria lamang. Kung virus ang sanhi, ang doktor ay magbibigay ng antiviral na gamot. Samantalang kung fungi naman ang sanhi, ang doktor ay magrereseta ng antifungal na gamot.
- Mga antihistamine. Maaari ring magreseta ang doktor ng mga antihistamine kung ang pasyente ay nakararanas ng pangangati sa kanyang tenga. Kung mababawasan ang pangangati, mababawasan din ang pagkahilo sapagkat nakapagdudulot ito ng ginhawa sa inner ear.
- Earwax removal (pagtanggal ng tutuli). Kung ang sanhi ng problema sa tenga ay ang namuo at nanigas na tutuli, maaaring magsagawa ng earwax removal. Sa pamamaraang ito, ang doktor ay gagamit ng maliit na tubo o ibang kagamitan upang mahigop o matanggal ang namuong tutuli.
- Ear irrigation o ear lavage. Sa pamamaraang ito, ang tenga ay pupunuin ng tubig na may halong asin at agua oxigenada upang umangat ang nanigas na tutuli. Ang nakahalong asin at agua oxigenada ay nakapagdudulot ng ginhawa sa tenga at nakatutulong ito upang magamot ang loob ng tenga kung sakaling napinsala ang balat sa loob nito. Alalahanin na ito ay dapat gawin lamang ayon sa payo ng doktor.
- Paggamit ng hearing aid. Kung may mahinang pandinig, ang pasyente ay maaaring gumamit ng hearing aid. Ang hearing aid ay isang uri ng device na inilalagay sa tenga upang marinig nang maigi ang mga tunog. Para itong amplifier na nagpapalakas ng mga tunog sa kapaligiran. Komportable rin gamitin ang hearing aid sapagkat para lamang itong wireless headset.
- Cochlear implant. Kung hindi naman angkop ang hearing aid para sa pasyente, maaaring magsagawa ng cochlear implant. Sa pamamaraang ito, ang doktor ay magsasagawa ng mabilis na operasyon na kung saan ay ikakabit ang receiver sa mismong loob ng tenga sa bandang
- Operasyon. Maaari ring sumailalim sa isang operasyon ang pasyente kung ang kanyang impeksyon sa tenga ay malubha. Ginagamit din ang operasyon upang isaayos ang mga maliliit na buto ng tenga nang sa gayon ay maisaayos ang pandinig.
Pag-iwas sa sakit sa tenga
Upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit sa tenga, iminumungkahi na gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:
Image Source: www.freepik.com
- Linisin ang tenga. Upang makaiwas sa anumang uri ng impeksyon sa tenga, ugaliin ang madalas na paglinis nito. Maaaring gumamit ng ear drops upang lumambot ang tutuli at gumamit ng malambot at malinis na tela o tuwalya upang linisin ang tenga. Hindi ipinapayo ang paggamit ng mga cotton bud sapagkat maaaring mapinsala nito ang mga eardrum ng mga tenga at dahil lalo pa nitong tinutulak ang tutuli paloob.
- Iwasan ang magkaroon ng ubo at sipon. Ang ubo at sipon ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeksyon ang tenga. Upang hindi magkaroon ng ubo at sipon, panatilihing malinis ang katawan at ugaliing maghugas ng mga kamay. Iwasan ding makalanghap ng mga droplet o maliliit na laway ng taong may ubo at sipon upang hindi mahawa.
- Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay isa rin sa mga karaniwang sanhi ng ubo at sipon. Bukod dito, maaari rin nitong mapinsala ang mga nerve ng tenga. Kaya naman habang maaga pa, iminumungkahi na itigil na ang paninigarilyo.
- Iwasan ang pakikinig ng napakalakas na musika. Tandaan, ang tenga ay nakakayanan lamang ang lakas na 85 decibel araw-araw. Bagama’t hindi naman agad nababasag ang tenga kapag nakaririnig ng malakas na tunog, ang pakikinig ng napakalakas na musika araw-araw ay maaaring magdulot ng unti-unting pagkabasag ng mga eardrum kalaunan.
- Protektahan ang mga tenga. Kung hindi maiiwasan ang makarinig ng malakas na tunog dahil na rin sa trabaho o dahil sa lugar ng tahanan, siguraduhing may proteksyon ang mga tenga gaya ng mga ear plug o ear muff. Sa tulong ng mga kagamitang ito, ang tenga ay maproprotektahan laban sa mga malalakas na tunog.
Mga Uri ng Sakit
Maraming uri ng sakit sa tenga. Kabilang na rito ang mga sumusunod:
- Acoustic trauma
- Acute otitis externa
- Acute mastoiditis
- Airplane ear
- Anotia
- Aural polyps
- Autoimmune inner ear disease
- Benign paroxysmal positional vertigo
- Bilateral vestibulopathy
- Bukol sa tenga (Ear tumors)
- Cauliflower ear
- Cholesteatoma
- Chondrodermatitis nodularis helicis
- Cisplatin-induced hearing loss
- Collaural fistula
- Constricted ears
- Cryptotia
- Drug-induced ototoxicity
- Ear hemangiomas
- Ear keloids
- Ear tags
- Earlobe deformities
- Enlarged vestibular aqueducts
- Masakit na tenga (Ear pain)
- Enlarged vestibular aqueduct
- Eustachian tube dysfunction
- External otitis (Swimmer’s ear)
- Glue ear
- Grommets
- Hemotympanum
- Herpes zoster of the ear
- Hyperacusis
- Infectious myringitis
- Keratosis obturans
- Labyrinthitis
- Luga (Otitis media)
- Mababang posisyon ng mga tenga (Low-set ears)
- Macrotia
- Mastoiditis
- May naririnig na pag-ugong sa tenga (Tinnitus)
- Meniere’s disease
- Microtia
- Misophonia
- Mixed hearing loss
- Mondini dysplasia
- Otosclerosis
- Otomycosis
- Perforated ear drum
- Purulent labyrinthitis
- Quinism
- Pagbabara ng tutuli (Cerumen ear was impaction)
- Pagkabingi (Deafness)
- Perichondritis
- Problema sa pagbabalanse (Balance disorder)
- Protruding ears o bat ears
- Sensorineural hearing loss
- Sirang eardrum (Ruptured eardrum)
- Sopite syndrome
- Split earlobes
- Stahl’s ear
- Superior canal dehiscence syndrome
- Surfer’s ear
- Tonic tensor tympani syndrome
- Traumatic ear deformities
- Usher syndrome
- Vertibular migraine
- Vestibular neuronitis
- Vestibulopathy
Kung may nararamdamang kakaiba sa tenga o humihina ang pandinig, maaaring lumapit sa ENT na doktor. Ang ENT ay nangangahulugang eye, nose, at throat. Bukod sa ENT na doktor, maaari ring magpakonsulta sa isang otologist. Ang mga otologist ay mga doktor na may pagsasanay sa pag-oopera ng mga tenga.
Sanggunian
- https://www.umms.org/ummc/health-services/hearing-balance/patient-information/how-ear-works
- https://www.hearinglink.org/your-hearing/about-hearing/how-the-ear-works/
- https://en.wikipedia.org/wiki/Category:Diseases_of_the_ear_and_mastoid_process
- https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/ear-infections
- https://www.healthline.com/health/ear-infections#causes
- http://www.amhsjournal.org/article.asp?issn=2321-4848;year=2015;volume=3;issue=2;spage=340;epage=345;aulast=Gangadhara
- https://www.healthline.com/health/allergies/dizziness
- https://www.healthyhearing.com/report/50940-Smoking-and-hearing-loss
- https://www.asha.org/public/hearing/Causes-of-Hearing-Loss-in-Children/
- https://www.webmd.com/cold-and-flu/ear-infection/qa/what-race-has-the-highest-risk-for-otosclerosis
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hearing-loss/diagnosis-treatment/drc-20373077
- https://www.healthline.com/health/ear-infections#treatment