Gamot at Lunas  

Image Source: www.freepik.com

Ang paglunas sa tetano ng isang pasyente ay batay sa tindi ng kanyang kondisyon. Kadalasan, isinasagawa ng doktor ang mga sumusunod na lunas:

  • Paglilinis ng sugat ng pasyente. Upang mabawasan ang bacteria sa kinalalagyan ng sugat, nililinis ito gamit ang tubig at sabon. Kapag malinis na ito, maaari itong lagyan ng gasa upang ma-iwasang magkaroon ng ibang impeksyon.
  • Tetanus antitoxin. Ang tetanus antitoxin ay isang uri ng gamot na itinuturok sa pasyente upang mapuksa ang toxin o lason sa daluyan ng dugo. Ang gamot na ito ay naglalaman ng mga antibody na ginawa mula sa blood serum ng mga malulusog na kabayo na nakatanggap ng tetanus toxin o Mabisa ang gamot na ito kung nasa daluyan pa lamang ng dugo ang lason na dulot ng tetano, subalit kung nakarating na ito sa mga nerve tissue ng katawan, hindi na ito bibisa pa.
  • Antibiotic. Dahil ang sanhi ng tetano ay bacteria, reresetahan din ng doktor ang pasyente ng mga antibiotic. Maaaring ito ay iniinom o itinuturok na uri. Karaniwang nagrereseta ang doktor ng penicillin sa mga pasyenteng may tetano.
  • Tetanus toxoid. Ang tetanus toxoid ay naiiba sa tetanus antitoxin. Bagama’t parehas na itinuturok na uri ng gamot, ang tetanus toxoid ay ibinibigay kapag wala pang tetano ang pasyente at nagsisilbi lamang itong preventive measure o pag-iingat laban sa tetano. Halimbawa nito ay ang mga buntis na tinuturukan ng tetanus toxoid upang hindi sila magkaroon ng tetano kung sakaling sila ay masugatan. Sa tetanus toxoid naman, ibinibigay ito kapag may tetano na ang pasyente. Ganunpaman, ang ilan sa mga doktor ay nagbibigay ng parehas na mga gamot kapag pinaghihinalaang may tetano ang pasyente.
  • Muscle relaxant. Ang mga muscle relaxant na gaya ng mga sedative at benzodiazepine ay ibinibigay din sa pasyente upang makontrol ang kanyang mga muscle spasm o paninigas ng kalamnan.
  • Iba pang mga uri ng gamot. Bukod sa mga nabanggit, maaari ring magreseta ang doktor ng magnesium sulfate o morphine upang mapangasiwaan ang imboluntaryong paninigas at paggalaw ng mga kalamnan. Maaari ring bigyan ang pasyente ng ilang mga uri ng beta blocker upang maging maayos ang pagtibok ng puso at paghinga ng pasyente.
  • Ventilator. Sa mga malulubhang kaso ng tetano, maaaring kabitan ng ventilator ang pasyente. Ito ay dahil sa naaapektuhan din ng tetano ang mga kalamnan ng paghinga ng pasyente.

Kung nasugatan ng mga bagay kahit walang kalawang, linisin agad ang sugat gamit ang tubig at sabon. Pagkatapos ay agad na pumunta sa ospital, klinika, o health center upang mabigyan ng bakuna laban sa tetano. Ayon sa mga tala, ang bakuna ay maaaring magkahalaga ng 300 hanggang 2,000 pesos. Kung nais makatipid, mas mainam na magpabakuna sa pampublikong ospital.