Gamot at Lunas
Maraming paraan ng paggamot sa acne. Kung sa palagay mo ay mayroon kang acne, magpatingin ka sa isang dermatologist upang masiguradong tugma at narararapat ang ibibigay sa iyo na gamot. Huwag gamitin ang mga gamot na nakabanggit ditto nang hindi kumokunsulta. Ang iyong dermatologist lamang ang siyang makasasabi kung ano ang angkop na gamot para sa iyong kundisyon.
Image Source: www.freepik.com
- Mga Pinapahid
- Mga antibacterial (kontra-mikrobyo) – pinapatay ng mga ito ang mikrobyong Propionibacterium acnes na siyang sanhi ng acne. Mga halimbawa: clindamycin, erythromycin
- Mga retinoid – tinutunaw ng mga ito ang mga baradong comedone. Mga halimbawa: tretinoin, adapalene
- Benzoyl peroxide – pinapatay nito ang P. acnes at tumutunaw rin ng mga comedone
- Mga iniinom
- Mga antibacterial – tulad ng mga binanggit sa itaas, pinapatay ng mga ito ang P. acnes. . Mga halimbawa: tetracycline, minocycline, doxycycline, erythromycin
- Mga hormone – pinipigilan ng mga ito ang paglabas ng sebo mula sa balat. Mga halimbawa:estrogen (na sangkap ng ilang uri ng oral contraceptive pills), spironolactone, dexamethasone
- Prednisone – ito ay binibigay lamang sa higit na malalang acne, upang mawala ang maga
- Mga karagdagang paraan
- Pag-extract ng comedone – hinihiwa ang mga comedone upang mailabas ang laman; hindi ito nagdudulot ng peklat.
- Itralesional corticosteroid – para sa mga bahaging matindi ang maga.
- Chemical peel, dermabrasion, atbp. – para maalis ang mga peklat mula sa acne.