Buod

Image Source: www.freepik.com

Ang digestive system o sistemang dihestibo ng katawan ay isang komplikado at malawak na sistema. Nagsisimula ito mula sa bibig at nagtatapos sa puwetan. Upang makakuha ng sapat na enerhiya ang katawan, kailangan munang dumaan ng pagkain sa bibig. Habang ang nginuyang pagkain ay dumadaan sa digestive tract, ito ay naghahalo sa mga likido ng tiyan at nagreresulta sa pagkatunaw nito.

Ang natunaw na pagkain ay sinisipsip ng maliliit na bituka at dinadala ito papunta sa daluyan ng dugo. Ayon sa datos, 90% ng pagsipsip ng mga nutrisyon at mineral ay nagaganap sa maliliit na bituka, samantalang 10% lamang ang nagaganap sa tiyan. Pagkasipsip ng mga nutrisyon at mineral, ang nabuong dumi ay dadaan sa malalaking bituka at lalabas sa puwetan.

Kapag nagkaproblema ang tiyan, maaaring makaranas ang pasyente ng iba’t ibang sintomas. Bagama’t maraming uri ng sakit sa tiyan, ilan lamang sa mga karaniwang sintomas nito ay ang pananakit ng tiyan, pagduduwal o pagsusuka, hindi makalunok nang maayos, pagsinok, heartburn, paglobo o paglaki ng tiyan, madalas na pag-utot, pagtitibi, pagtatae, pagkakaroon ng dugo sa dumi, kawalan ng gana sa pagkain, pamamayat, at iba pa.

Kadalasan, nagkakaroon ng mga sakit sa tiyan dahil sa impeksyon na dulot ng bacteria o virus, lactose intolerance, hirap sa pagtunaw ng pagkain, hindi maayos na pagdaloy ng pagkain sa mga bituka at ibang organ, pagkasira ng ilang bahagi ng tiyan, stress, at masasamang epekto ng mga iniinom na gamot. Maaari ring magkaproblema ang tiyan kapag ang isang tao ay labis na kumakain ng matatabang pagkain, kulang ang kinakaing fiber, at labis na pag-inom ng alak. Ayon sa pag-aaral, maging ang paninigarilyo ay magdulot ng mga sakit sa tiyan gaya ng ulcer at gastric acid reflux.

Ilan sa mga uri ng sakit sa tiyan ay mapanganib lalo na kung hindi maaagapan. Subalit, kung ang pasyente ay kokonsulta agad sa doktor, maaaring malunasan ang mga sakit sa tiyan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot o ng operasyon.

Kasaysayan ng sakit sa tiyan

Ang larangan tungkol sa pag-aaral at paggamot ng mga sakit sa tiyan ay tinatawag na gastroenterology. Ayon sa doktor at historiador na si John F. Nunn, may mga tala na tungkol sa larangang ito noong kapanahunan ng mga pharaoh sa Ehipto. Ilan lamang sa mga natukoy na doktor sa larangang ito ay si Irynakhty. Si Irynakhty ay isang court physician na dalubhasa sa gastroenterology at mga larangan ng pagtulog at proctology noong 2,125 B.C.E.

Noong kapanahunan naman ng mga sinaunang Griyego, nakilala si Galen sa kanyang paglalahad tungkol sa tiyan. Ayon sa kanya, ang tiyan ay isang buhay na bahagi ng katawan at nalalaman nito kung ito ay wala ng laman. Dahil dito, naghuhudyat ito upang magutom ang isang tao. Bukod dito, inilahad ni Galen na ang tiyan ay isang uri ng imbakan ng mga nutrisyon ng katawan.

Pagsapit ng ika-19 na siglo, taong 1805-1806, isang Alemang doktor na nagngangalang Philip Bozzini, ay nag-imbento ng isang instrumento (cystoscope) upang masilip at masuri ang lalaugan, daanan ng ihi, at puwet. Gumawa si Bozzini ng isang maliit na tubo na gawa sa tin (lata) at ginamit niya ang isang kandila at salamin upang magsilbing gabay. Bagama’t hindi pa perpekto ang instrumentong ito, naturingan itong bilang isa sa mga kauna-unahang tala ng endoscopy. 

Noong 1868 naman, naimbento ni Adolf Kussmaul, isa ring Alemang doktor, ang gastroscope. Ang gastroscope ay isa ring uri ng instrumento upang masilip at masuri ang itaas na bahagi ng digestive tract. Naperpekto ni Kussmaul ang instrumentong ito sa tulong ng isang taong nagtatrabaho bilang sword swallower.

Pagsapit ng ika-20 siglo, kinilala naman si Rudolf Schindler bilang “Ama ng Gastroscopy.” Bagama’t may mga nauna ng nag-imbento sa gastroscope, mas magandang uri nito ang nagawa ni Schindler. Kumpara sa mga sinaunang gastroscope, ang gastroscope ni Schindler ay may pagkabaluktot at hindi gaanong nagdudulot ng pagka-irita sa pasyente. Dahil dito, nagawa ni Schindler na magtala ng napakaraming uri ng sakit ng tiyan.

Dahil sa mga naimbentong mga instrumento, mas naintindihan na ang mga bahagi ng tiyan at ang gawain nito. Nagbigay daan din ang mga instrumento upang makagawa ng mas angkop na lunas ang mga doktor para sa kanilang mga pasyenteng may mga sakit sa tiyan.

Mga Katangian

Maaaring may problema sa tiyan ang isang tao kapag siya ay nakararanas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pananakit ng tiyan
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Hindi makalunok nang maayos
  • Pagsinok
  • Heartburn
  • Paglobo o paglaki ng tiyan
  • Madalas na pag-utot
  • Pagtitibi
  • Pagtatae
  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pamamayat

Hindi lahat ng mga nabanggit na sintomas ay maaaring maranasan ng pasyente. Ito ay batay pa rin sa uri ng sakit sa tiyan at tindi ng kalagayan nito.

Mga Sanhi

Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng sakit sa tiyan. Bata man o matanda, wala itong pinipiling edad. Kadalasan, nagkakaroon ng mga sakit sa tiyan dahil sa mga sumusunod:

  • Isinilang na may birth defect ang tiyan. Ang mga sanggol ay maaaring isilang ng may birth defect o problema ang tiyan. Maaari siyang isilang na walang butas ang puwet, buhul-buhol ang bituka, at iba pa. Kadalasang nangyayari ito kapag ang ina ay hindi nagawang bigyan ng sapat na nutrisyon ang sanggol sa kanyang sinapupunan lalo na sa mga unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
  • Impeksyon na dulot ng bacteria o virus. Isa sa mga pangunahing sanhi ng mga sakit sa tiyan ay ang impeksyon na dulot ng bacteria o virus. Kapag nagkaroon ng impeksyon ang tiyan, maaaring makaranas ng pagsusuka, labis na pananakit ng tiyan, pamamaga ng mga bituka, at pagtatae. Kadalasan, nakukuha ang mga bacteria o virus sa mga kontaminadong pagkain at tubig.
  • Kakulangan ng lactase (Lactase deficiency). Maaari ring magdulot ng iba’t ibang uri ng sakit sa tiyan ang lactase deficiency. Sa kondisyong ito, ang maliliit na bituka ay may kakulangan sa isang uri ng enzyme na tinatawag na Ang lactase enzyme ay kailangan upang matunaw ang lactose sa katawan. Ang lactose ay isang uri ng asukal na matatagpuan sa gatas at iba pang mga dairy product. Kapag may lactase deficiency, ang pasyente ay maaaring makaranas ng iba’t ibang uri ng sakit sa tiyan gaya ng pagtatae o kaya naman ay impatso. Ang isa sa mga pinaka-sikat na kondisyon na bunga ng kakulangan ng lactase ay ang lactose intolerance.
  • Hirap sa pagtunaw ng pagkain. Kung ang isang tao ay hirap tunawin ang kanyang mga kinain, maaaring magdulot ito ng mga sakit sa tiyan. Kadalasan, kapag ang tao ay may problema sa panunaw, may pinsala ang kanyang vagus nerve. Ito ay isang uri ng nerve na nangangasiwa at naghuhudyat upang gumalaw ang mga kalamnan ng tiyan.
  • Hindi maayos na pagdaloy ng pagkain sa mga bituka at ibang organ. Maaari ring magdulot ng iba’t ibang sakit sa tiyan kung hindi maayos ang pagdaloy ng pagkain sa mga bituka at ibang organ. Kung ganito ang kondisyon, maaaring ang ilang mga bahagi ng tiyan ay barado o may pinsala.
  • Pagkapinsala ng ilang bahagi ng tiyan. Kung ang tiyan ay nagtamo ng pinsala, maaaring makaranas ang pasyente ng problema sa panunaw at pagdumi. Maaaring mapinsala ang tiyan sa pamamagitan ng aksidente o
  • Stress. Kapag nakararanas ng stress ang isang tao, mapapansin na medyo sumasakit ang tiyan. Bagama’t normal lamang ito, ang matinding stress ay maaaring makapagpaunti ng daloy ng dugo at oxygen sa tiyan na maaaring magresulta sa iba’t ibang karamdaman.
  • Masasamang epekto ng mga iniinom na gamot. Kung minsan, nagkakaroon ng problema sa tiyan dahil sa mga side effect o masasamang epekto ng mga iniinom na gamot. Kaya naman kadalasan, iminumungkahi ng mga doktor na kumain muna bago uminom ng gamot upang hindi sumakit ang tiyan.
  • Labis na pagkain ng matatabang pagkain. Ang labis na pagkain ng matatabang pagkain ay maaaring makaapekto sa tiyan at magdulot ng mga sintomas gaya ng heartburn o acid reflux.
  • Kulang ang kinakaing fiber. Napakaraming uri ng sakit sa tiyan ang maaaring idulot ng kakulangan sa pagkain ng fiber. Maaaring magkaroon ng kanser sa malaking bituka (colon cancer), pagtitibi, irritable bowel syndrome, almoranas, at iba pa. Ang fiber ay karaniwang matatagpuan sa mga prutas at gulay. Para itong nagsisilbing walis sa loob ng tiyan at nililinis nito ang anumang dumi.
  • Labis na pag-inom ng alak. Ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng napakaraming sakit sa tiyan sapagkat pinaninipis nito ang lining ng mga bituka. Kapag labis ang ininom na alak, maaaring makaranas ng pananakit at pamamaga ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, at pagdurugo ng loob ng tiyan.
  • Paninigarilyo. Gaya ng labis na pag-inom ng alak, ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng iba’t ibang sakit sa tiyan gaya ng ulcer at gastric acid reflux.

Mga salik sa panganib

Karamihan ng mga uri ng sakit sa tiyan ay dulot ng hindi malusog na pamumuhay. Dahil dito, mas tataas ang posibilidad na magkaroon nito kapag nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo:

  • Paninirahan sa lugar na may kontaminadong tubig at pagkain. Kung walang mapagkuhanan ng malinis na tubig at pagkain, tataas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa tiyan. Karamihan ng pagtatae ay dulot ng pagkain ng kontaminadong pagkain at pag-inom ng maruming tubig.
  • Madalas na pagdanas ng stress. Kapag madalas makaranas ng stress ang isang tao, makararanas din siya ng pananakit ng tiyan. Maaari rin siyang magtae kung labis ang stress na nararamdaman.
  • Labis na pagkain ng matatabang pagkain. Isa sa mga pinakamahirap na tunawing pagkain ay ang matatabang pagkain. Upang matunaw ito, nangangailangan ang tiyan ng maraming mga enzyme at digestive juice. Dahil mas mahirap tunawin din ang mga ito, ang tiyan ay masosobrahan sa pagtratrabaho.
  • Kakulangan ng fiber sa katawan. Kapag kulang ang fiber sa katawan, mahihirapan ang tiyan na maglabas ng dumi. Gaya ng nabanggit noong una, ang fiber ay tila nagsisilbing walis sa mga bituka upang mas madali nitong maidumi ang mga natunaw na pagkain.
  • Labis na pag-inom ng alak. Ang alak ay naglalaman ng matatapang at nakalalasong mga sangkap. Dahil dito, ang mga lining ng bituka ay maaaring mapinsala at magkaroon ng iba’t ibang uri ng sakit kapag labis ang pag-inom ng alak.
  • Paninigarilyo. Gaya ng alak, ang paninigarilyo ay nakapipinsala sa tiyan. Ang mga nakalalasong sangkap sa sigarilyo ay nagpapahina sa mga kalamnan ng tiyan. Sa halip na bumaba ang pagkain sa mga bituka, ang mga ito at ang digestive juice ng tiyan ay bumabalik papuntang bibig at nagdudulot ng heartburn o gastric acid reflux.
  • Hindi sapat ang iniinom na tubig. Kung kulang ang iniinom na tubig, ang mga pagkain ay hindi mabilis na matutunaw. Bukod dito, maaari itong magdulot ng pagtitibi.
  • Kakulangan sa pag-eehersisyo. Maaari ring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa tiyan kung kulang sa pag-eehersisyo ang isang tao. Nakatutulong ang pag-eehersisyo upang maging mas aktibo ang mga kalamnan ng tiyan sa pagtunaw ng pagkain.
  • Hindi gumagamit ng condom sa pakikipagtalik. Maaaring magkaroon ng bacteria o virus ang tiyan sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik. Ilan lamang sa mga sakit na maaaring makuha kapag hindi gumamit ng condom ay mga sexually transmitted disease (STD) gaya ng tulo (gonorrhea), klamidya (chlamidya), at iba pa. Bagama’t ang mga ito ay hindi lamang sakit ng tiyan, naaapektuhan pa rin ng mga ito ang digestive system ng katawan.
  • Kasaysayan sa pamilya ng hepatitis B. Kung ang malalapit na miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng hepatitis B, maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa atay. Ang atay ay isa sa mga accessory digestive organ na kinabibilangan din ng apdo at lapay.

Paggamot at Pag-Iwas

Ang mga doktor na espesyalista sa paggamot sa mga sakit sa tiyan ay tinatawag na gastroenterologist. Kadalasan, nagrereseta sila ng mga gamot o nagmumungkahi ng angkop na operasyon upang magamot ang sakit ng pasyente.

Paggamot sa sakit sa tiyan

Bagama’t ang paggamot sa sakit ng pasyente ay nakabatay sa uri at tindi ng kondisyon nito, karaniwang isinasagawa ang mga sumusunod na lunas:

  • Pagpapahinga at pag-inom ng maraming tubig. Makatutulong ang pagpapahinga upang gumaan ang pakiramdam ng pasyente. Ang pag-inom naman ng maraming tubig ay nakatutulong upang lumambot ang dumi ng pasyente at mas madaling mailabas nito ang anumang mikrobyo sa katawan.
  • Pagsunod sa BRAT diet. Ang BRAT diet ay nangangahulugan na “banana, rice, applesauce, and toast” diet. Ang mga ganitong pagkain ay hindi mabigat sa tiyan at madali lamang tunawin. Mas ligtas na kainin ang mga ito kaysa sa ibang uri ng pagkain na maraming mantika at pampalasa.
  • Pag-inom ng mga gamot. Batay sa uri ng sakit sa tiyan, ang doktor at maaaring magreseta ng mga gamot. Halimbawa, kung ang pasyente ay nagtitibi, maaaring magreseta ang doktor ng laxative o gamot pampadumi. Kung ang pasyente naman ay nagsusuka, maaaring magreseta ang doktor ng mga anti-nausea medication.
  • Pagkakabit ng suwero. Maaari ring malunasan ang sakit sa tiyan ng pasyente sa pamamagitan ng pagkakabit ng suwero. Nakatutulong ito upang mapalitan ang nawalang tubig at mga electrolyte o asin sa katawan. Maaari ring gamitin ang suwero bilang daanan ng mga tinuturok na gamot upang mas mabilis umepekto ang mga ito.
  • Operasyon. Marami ring iba’t ibang uri ng operasyon ang maaaring isagawa sa pasyente batay sa uri at tindi ng kalagayan nito. Maaaring sumailalim ang pasyente sa isang endoscopic surgery, laparoscopic surgery, o open abdominal surgery.

Pag-iwas sa sakit sa tiyan

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa tiyan, iminumungkahi na gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:

Image Source: classpass.com

  • Nguyaing mabuti ang pagkain. Upang hindi gaanong mahirapan ang tiyan sa pagtunaw ng pagkain, nguyaing mabuti ang pagkain nang sa gayon ay uunti ang trabaho ng tiyan.
  • Huwag maging matakaw. Kumain lamang ng sapat na pagkain. Ang labis na pagkain ay maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, impatso, pagtatae, at iba pa.
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ang anumang uri ng prutas at gulay ay naglalaman ng fiber. Iminumungkahi na kumain ng 25-30 na gramo ng fiber araw-araw upang mapadali ang pagtunaw ng pagkain sa tiyan.
  • Bawasan ang pagkain ng matatabang pagkain. Gaya ng nabanggit noong una, mas mahirap tunawin ang mga pagkaing matataba. Piliin lamang ang mga hindi gaanong matatabang bahagi ng karne.
  • Bawasan ang pag-inom ng alak at itigil ang paninigarilyo. Uminom lamang ng alak kapag may okasyon at itigil ang paninigarilyo upang hindi mapinsala ang mga bituka.
  • Huwag kakain ng mga hilaw na pagkain. Kung ang pagkain ay hindi luto, maaaring makakain ng mga mikrobyong nakapagdudulot ng mga sakit sa tiyan. Ang pagluluto ng pagkain ay nakatutulong upang mamatay ang mga mikrobyo.
  • Mag-ehersisyo araw-araw. Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakatutulong upang maging aktibo ang mga kalamnan ng tiyan. Nakatutulong din ito upang mabilis matunaw ang mga taba.
  • Huwag magsuot ng masisikip na damit. Ang masisikip na damit ay maaaring makahadlang sa natural na mga tungkuling ginagampanan ng tiyan. Magsuot lamang ng mga damit na komportable upang mapadali ang pagtunaw ng pagkain.
  • Ugaliing maghugas ng mga kamay. Ugaliing maghugas ng mga kamay lalo na bago kumain. Gumamit ng sabon at tubig upang mamatay ang mga mikrobyo. Kung walang sabon at tubig, magpahid ng alcohol o
  • Magpabakuna. Ang ilang mga sakit gaya ng hepatis A at B ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Bagama’t karamihan ng mga sakit sa tiyan ay maaaring maiwasan, ang mga sanhi gaya ng birth defect ay hindi na maiiwasan. Ang tanging paraan lamang upang maitama ito ay pag-oopera.

Mga Uri ng Sakit

Narito ang mga uri ng sakit sa tiyan batay sa alpabetikal na pagkakasunud-sunod:

  • Abdominal adhesions
  • Abdominal distension
  • Abdominal epilepsy
  • Abdominal guarding
  • Accessory pancrease
  • Acid reflux
  • Acute abdomen
  • Aerophagia
  • Aglossia
  • Alagille syndrome
  • Alcohol flush reaction
  • Almoranas (Hemorrhoids)
  • Ameboma
  • Alvarez syndrome
  • Anismus
  • Annular pancrease
  • Anorectal abscess
  • Anorectal disorder
  • Anorectal varices
  • Appendicitis
  • Ascites
  • Autoimmune gastrointestinal dysmotility
  • Azotorrhea
  • Barret’s esophagus
  • Bato sa apdo (Gallstones)
  • Bezoar
  • Bile acid malabsorption
  • Bile duct hamartoma
  • Biliary atresia
  • Bilious fever
  • Blind loop syndrome
  • Bloating
  • Bowel infarction
  • Bowel obstruction
  • Callous ulcer
  • Castell’s sign
  • Caudal duplication
  • Celiac disease
  • Cholangiocarcinoma
  • Choledochal cysts
  • Cholera
  • Chronic airway-digestive inflammatory disease
  • Chronic enteropathy associated with SLCO2A1 gene
  • Chronic functional abdominal pain
  • Chron’s disease
  • Cirrhosis
  • Colitis
  • Colon polyps
  • Creatorrhea
  • Cronkhite–Canada syndrome
  • Cryptitis
  • Cuffitis
  • Cutaneous sinus of dental origin
  • Cyclic vomiting syndrome
  • Cystic fibrosis
  • Dehydration
  • Dientamoebiasis
  • Digestive neoplasia
  • Distal intestinal obstruction syndrome
  • Diverticulitis
  • Diverticulosis
  • Dolichocolon
  • Dubin-Johnson syndrome
  • Dumping syndrome
  • Duodenal atresia
  • Duodenal lymphocytosis
  • Dysentery
  • Eagle syndrome
  • Encopresis
  • Enteric duplication cyst
  • Enteric neuropathy
  • Enterocutaneous fistula
  • Enterolith
  • Enteropathy
  • Enteropathy-associated T-cell lymphoma
  • Eosinophilic gastroenteritis
  • Epiploic appendagitis
  • Esophageal atresia
  • Esophageal cancer
  • Esophageal dysphagia
  • Esophageal web
  • Familial cirrhosis
  • Fibrosing colonopathy
  • Food poisoning
  • Functional gastrointestinal disorder
  • Fundic gland polyposis
  • Gallstone ileus
  • Gastric atresia
  • Gastric distension
  • Gastritis
  • Gastrointestinal bleeding
  • Gastrojejunocolic fistula
  • Gastroparesis
  • Gilbert’s syndrome
  • Gingival cyst
  • Globus pharyngis
  • Heartburn
  • Hematochezia
  • Hemoperitoneum
  • Hepatitis A, B, at C
  • Hereditary pancreatitis
  • Heyde’s syndrome
  • High-altitude flatus expulsion
  • Hindi makontrol na pagdumi (Fecal incontinence)
  • Hirap sa pagdumi (Obstructed defecation)
  • Hirap sa paglunok (Dysphagia)
  • Hirschrprung’s disease
  • Hyperchlorhydia
  • Ileosigmoid knot
  • Impatso (Indigestion o dyspepsia)
  • Impeksyon sa bibig (Mouth infection)
  • Imperforate anus
  • Indolent T cell lymphoproliferative disorder of the gastrointestinal tract
  • Inflammatory bowel disease
  • Intestinal atresia
  • Intestinal malrotation
  • Intestinal metaplasia
  • Intestinal neuronal dysplasia
  • Intestinal parasite infection
  • Intestinal pseudo-obstruction
  • Intestinal spirochetosis
  • Intestinal varices
  • Intracolonic explosion
  • Irritable bowel syndrome (IBS)
  • Johanson-Blizzard syndrome
  • Kanser sa apdo
  • Kanser sa atay
  • Kanser sa lapay
  • Kanser sa maliliit na bituka
  • Kanser sa malaking bituka (Colorectal cancer)
  • Kanser sa tiyan (Stomach cancer)
  • Keriorrhea
  • Labis na paglalaway (Drooling)
  • Labis na taba sa dumi (Steatorrhea)
  • Lactose intolerance
  • Lower gastrointestinal bleeding
  • Ludwig’s angina
  • Luslos sa tiyan (Hiatal hernia)
  • Luslos sa singit (Inguinal hernia)
  • Lymphocytic esophagitis
  • Mabahong hininga (Bad breath)
  • Maikling dila (Hypglossia)
  • Malabsorption
  • Malaking dila (Macroglossia)
  • Masakit na paglunok (Odynophagia)
  • Meckel syndrome
  • Meckel’s diverticulum
  • Meconium peritonitis
  • Megacolon
  • Megarectum
  • Melanosis coli
  • Mesothelial hyperplasia
  • Microscopic colitis
  • Microsporidiosis
  • Microvillous includsion disease
  • Monomorphic epitheliotropic intestinal T cell lymphoma
  • Mucositis
  • Natural killer cell enteropathy
  • Necrotizing enterocolitis
  • Neonatal bowel obstruction
  • Neurogenic bowel dysfunction
  • Nixon’s sign
  • Noninfective enteritis
  • Non-occlusive disease
  • Odontogenic infection
  • Omental infarction
  • Oral neoplasia
  • Orofacial myological disorders
  • Oropharyngeal dysphagia
  • Pagduduwal (Nausea)
  • Pagdurugo ng puwet (Rectal bleeding)
  • Paglaki ng atay (Hepatomegaly)
  • Paglaki ng atay at pali (Hepatosplenomegaly)
  • Paglaki ng pali (Splenomegaly)
  • Pagsusuka (Vomiting)
  • Pagtatae (Diarrhea)
  • Pagtitibi (Constipation)
  • Pamamaga ng lalaugan (Pharyngitis)
  • Pamamaga ng lapay (Pancreatitis)
  • Pananakit ng tiyan (Abdominal pain)
  • Pananakit ng puwet (Rectal pain)
  • Pancolotis
  • Pancreas divisum
  • Pancreatic disease
  • Paninilaw (Jaundice)
  • Panunuyo ng bibig (Xerostomia)
  • Perianal hematoma
  • Periapical cyst
  • Peritoneal cancer
  • Peritonitis
  • Peutz-Jeghers syndrome
  • Pneumatosis intestinalis
  • Pneumoperitoneum
  • Pneumoretroperitoneum
  • Portal hypertension
  • Pouchitis
  • Proctitis
  • Protein losing enteropathy
  • Pseudodiarrhea
  • Psoas muscle abscess
  • Pyloric stenosis
  • Radiation colitis
  • Radiation enteropathy
  • Radiation proctitis
  • Rectal discharge
  • Rectal tenesmus
  • Rectovestibular fistula
  • Rectus sheath hematoma
  • Retained antrum syndrome
  • Reynolds syndrome
  • Roemheld syndrome
  • Saint’s triad
  • Sandifer syndrome
  • Schatzki ring
  • Short bowel syndrome
  • Small intestinal bacterial overgrowth
  • Spastic intestinal obstruction
  • Spontaneous bacterial peritonitis
  • Stercoral perforation
  • Stress ulcer
  • Superior mesenteric artery syndrome
  • Superior mouth
  • Tracheoesophageal fistula
  • Tropical sprue
  • Tympanites
  • Ulcer
  • Ulcerative colitis
  • Upper gastrointestinal bleeding
  • Viral gastroenteritis
  • Whipple’s disease
  • Wilderness-acquired diarrhea
  • Zolliner-Ellison syndrome

Kung nakararamdam ng anumang sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor upang hindi lumala ang sakit sa tiyan. Maaari namang magpakonsulta muna sa mga general practioner o internist upang matukoy ang sakit. Kadalasan, kaya rin namang pagalingin ng mga internist ang mga simpleng sakit sa tiyan. Subalit, kung ang sakit sa tiyan ay medyo kakaiba at nakakaalarma, saka pa lamang mairerefer sa isang gastroenterologist.

Sanggunian