Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Maaari nang gamutin ang trichomoniasis. Ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng single dose na antibiotic. Maaaring ito ay tinidazole o kaya ay metronidazole. Ang mga gamot na ito ay ligtas sa mga nagbubuntis. Subalit, ang mga gamot na ito ay may hindi kanais-nais na mga side effect kapag ang mga ito ay ininom sa loob ng 24 na oras mula sa huling pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Dapat ding tandaan na maaaring muling magkaroon ng sakit na ito ang mga taong dati nang nagkaroon ng trichomoniasis. Sa katunayan, isa sa bawat limang tao na apektado ng sakit na ito ay maaaring magkaroon ulit nito sa loob lamang tatlong buwan ng gamutan.

Dahil dito, ipinapayo na ang katalik ng mga taong may kondisyong ito ay dapat na magpasuri at magpagamot din laban sa sakit na ito.