Gamot at Lunas
Image Source: unsplash.com
Kung ang isang pasyente ay nakumpirmang mayroong type 1 diabetes, siya ay isasailalim sa panghabangbuhay na gamutan upang maibsan ang mga sintomas at maiwasan ang anumang komplikasyon. Ilan lamang sa mga karaniwang ginagawa upang malunasan ito ay ang mga sumusunod:
- Palagiang pagsusuri ng blood sugar level. Nakatutulong ang palagiang pagsusuri o pagmo-monitor ng blood sugar level upang malaman kung ang mga isinasagawang lunas ay epektibo. Sa pagmomonitor ng blood sugar level, ang pasyente ay dapat magkaroon ng sarili niyang glucose monitoring device. Sa pamamagitan ng device na ito, maaaring suriin ng pasyente ang kanyang blood sugar level kahit siya ay nasa bahay lamang.
- Insulin Injection. Upang magkaroon ng insulin ang katawan, ang pasyente ay kailangang magturok ng insulin araw-araw. Sa kaso ng type 1 diabetes, hindi na umeepekto ang mga insulin na tableta sapagkat ito ay sinisira na ng immune system ng katawan bago pa man ito makarating sa daluyan ng dugo. Dahil dito, ang pinaka-mainam na gamot para rito ay insulin injection sapagkat diretso na itong itinuturok sa kalamnan papunta sa daluyan ng dugo.
- Insulin pump. Kung ang kondisyon ay medyo malala na, maaaring kabitan ng insulin pump ang pasyente. Ang insulin pump ay isang uri ng device na halos singlaki lamang ng isang regular na Sa pamamaraang ito, kakabitan ang pasyente ng maliit na tubo o cannula sa kanyang tiyan at ikokonekta naman ito sa mismong device. Pagkakabit ng insulin pump, mamomonitor nito kung kailangan ng katawan ng insulin at awtomatiko nitong dadalhan ang katawan ng insulin. Kailangang isuot ng pasyente ang kanyang insulin pump araw-araw upang maiwasan ang anumang pagkapagod, pagkahilo, at iba pa.
- Wastong pagkain at pag-eehersisyo. Upang mas umigi ang kalagayan ng pasyente, kailangan din niyang sabayan ang kanyang paggagamot ng wastong pagkain at pag-eehersisyo. Nakatutulong ang wastong pagkain upang makatanggap ng sapat na nutrisyon ang katawan. Samantalang ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang bumalik ang lakas ng mga kalamnan.