Buod

Ang ubong-dalahit ay kilala sa wikang Ingles bilang whooping cough at sa medikal na katawagan nito na pertussis. Isa itong uri ng lubhang nakahahawang sakit na dulot ng bacteria na Bordetella pertussis. Ito ay tinawag na whooping cough dahil sa matinis na tunog na nalilikha ng pag-ubo ng taong mayroon nito.

Ang ubong-dalahit ay nakukuha mula sa mga droplet o mga patak na napunta sa hangin mula sa ubo o bahing ng taong apektado nito. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay ang labis na pag-ubo, lagnat, pamumula o pangingitim ng mukha, at labis na pagka-antok o kapaguran.

Maaaring malunasan ang ubong-dalahit sa pamamagitan ng mga antibiotic. Puwede ring gumamit ng mga pampa-alwan sa pag-ubo, gaya ng mga vaporizer. Mayroon ding bakuna para sa pertussis na natuklasan at nagawa noon pang mga 1930.

Kasaysayan

Ang pertussis ay unang nakilala noong Middle Ages, sa pagitan ng ika-5 at ika-15 na siglo. Ito ay inilarawan bilang isang uri ng nakahahawang sakit kung saan ang pasyente ay nakararanas ng matinding pag-ubo na nagdudulot ng kahirapan sa paghinga.

Ayon sa paglalarawan ni Guillaume de Baillou, ang kauna-unahang pagkalat ng ubong-dalahit ay nangyari sa lungsod ng Paris sa bansang Pransya noong 1578,

Noon namang 1906 ay natuklasan ang mikrobyong nagdudulot ng ubong-dalahit – ang bacteria na tinatawag na B. pertussis. Mula noon ay nagsimula na ang pag-aaral para sa bakuna laban sa sakit na ito. Ang bakuna laban sa ubong-dalahit ay tuluyang nagawa noong mga 1930 at malawakang nagamit noong mga 1940.

Mga Sanhi ng Ubong-Dalahit

Ang ubong-dalahit ay isang impeksyong bunga ng Bordetella pertussis. Namumuo ang impeksyon sa mga bahaging bumabalot sa mga daanan ng hangin, lalo na sa trachea at sa mga bronchi.

Kapag kumapit ang B. pertussis sa mga lining ng mga daanan ng hangin, mabilis itong kumakalat. Kapag nangyari ito, nito ang bahagi na nag-aalis mga plema. Dahil dito, magkakaroon ng labis na pamumuo ng plema sa baga. Ito ang nagdudulot ng matinding pag-ubo.

Bunga rin ng pagdami ng plema, mamamaga ang mga daanan ng hangin at nagiging sanhi ng pagkipot ng mga daanang ito. Dahil dito, makararanas ang pasyente ng labis na hirap sa paghinga na may matinis na tunog o “whooping” sa tuwing humihinga makaraan ang matinding pag-ubo.

Ang taong may ubong-dalahit at maaaring makahawa pagkaraan ng 6 hanggang 20 na araw mula nang ang bacteria ay pumasok sa katawan ng pasyente. Mas mataas ang panganib na makahawa kapag nagsimula na ang whooping na pag-ubo nito.

Mga Sintomas

Image Source: kvennabladid.is

Kapag nagkaroon ng ubong-dalahit, may pito hanggang sampung araw bago lumabas ang mga sintomas nito. Subalit, may mga pagkakataong mas matagal pa bago mapansin o magpakita ang mga sintomas. Sa simula ay banayad lamang ang mga sintomas nito na may hawig sa karaniwang ubo’t sipon. Ang mga sintomas na ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagtulo ng sipon
  • Baradong ilong
  • Namumula at nagluluhang mga mata
  • Lagnat
  • Matinding pag-ubo

Pagkaraan ng isa hanggang dalawang linggo ay maaaring lumala ang mga sintomas na nabanggit. Magsisimula na ring mamuo ang marami at malapot na plema hanggang sa magbara na ang mga daaanan ng hangin. Ito ang pangunahing nagdudulot ng matinding pag-ubo sa mga pasyenteng may ubong-dalahit. Ang ilan pa sa mga sintomas na dulot ng yugtong ito ng ubong-dalahit ay ang mga sumusunod:

  • Pagsusuka
  • Pamumula o pangingitim ng mukha
  • Labis na kapaguran
  • Pagkakaroon ng whooping na tunog sa dulo ng pag-ubo

Sa mga sanggol, ang ubong-dalahit ay maaaring hindi magdulot ng pag-ubo. Subalit, maaaring magdulot ito ng pansamantalang pagtigil ng paghinga.

Mga Salik sa Panganib

Ang kinikilalang salik na nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng ubong-dalahit ay ang hindi pagtanggap ng bakuna o kaya ay ang pagkawala ng bisa ng bakuna laban dito.

Mga Komplikasyon

Image Source: www.emergencyphysicians.org

Ang karamihan sa mga pasyente na may ubong-dalahit ay gumagaling nang walang nararanasang anumang komplikasyon. Sa ibang mga kaso naman, ang mga komplikasyong gaya ng mga sumusunod ay bunga ng labis na pag-ubo:

Ang mga sanggol, mga bata, mga nagbubuntis, at mga taong may mahinang resistensya naman ay maaaring makaranas ng mga malulubhang komplikasyon ng sakit na ito, kagaya ng mga sumusunod:

Pag-Iwas

Image Source: nagelrice.com

Pinakamabisa pa rin ang pagpapabakuna upang maiwasan ang ubong-dalahit. Ang bakunang ibinibigay para sa pertussis ay may kalakip na bakuna laban sa diptheria at tetanus, kung kaya naman ito ay tinatawag na DPT o kaya ay DTaP. Ang bakunang ito ay ibinibigay sa mga sanggol sa loob ng tatlong dosis bago umabot ng anim na buwan ang edad. May dagdag na dosis din pagdating ng isang taon at apat hanggang anim na taon.

Mayroon ding mga antibiotic na puwedeng ibigay sa mga taong nalantad sa mga taong may pertussis kahit na hindi pa napatutunayang sila ay nahawa. Kadalasan, ito ay ginagawa kung ang taong nalantad ay kabilang sa mga sumusunod:

  • Mga healthcare provider
  • Nagbubuntis
  • May edad na 12 buwan pababa
  • May kalagayang pangkalusugan tulad ng hika na naglalagay sa kanila sa panganib ng pagkakaroon ng komplikasyon
  • Naninirahan na kasama ng taong may ubong-dalahit
  • Naninirahan na kasama ang taong may panganib na magkaroon ng ubong-dalahit

Sanggunian