Gamot at Lunas  

Image Source: www.freepik.com

Ang urinary tract infection (UTI) ay kadalasang hindi malubha kaya naman madali lamang itong gamutin. Upang gumaling sa kondisyong ito, maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na lunas:

  • Pag-inom ng antibiotic. Nagkakaroon ng UTI dahil mayroong bacteria na nakapasok o namuo sa loob ng sistema ng daluyan ng ihi. Dahil dito, ang pinakamabisang lunas nito ay ang pag-inom ng antibiotic. Karaniwang iminumungkahi ng mga doktor na uminom ng 3 kapsula o tableta ng antibiotic araw-araw sa loob ng 5 o 7 araw. Pagkatapos ng isang linggong gamutan, maaaring pabalikin ng doktor ang pasyente sa klinika upang isailalim muli sa urinalysis. Ang urinalysis ay isang uri ng laboratory test kung saan magsusumite ng sample ng ihi ang pasyente upang masuri kung may bacteria pa ito. Sa ilang mga doktor, hindi na nila pinababalik ang kanilang mga pasyente lalo na kung ang mga sintomas ng UTI ay nawala na. Subalit, kung ang UTI ay hindi pa rin nawawala, maaaring magreseta ang doktor ng mas matapang o mas mataas na dosage ng antibiotic.
  • Pag-inom ng pain reliever. Bukod sa antibiotic, maaari ring magreseta ang doktor ng pain reliever sa pasyente lalo na kung ang pasyente ay nakararanas ng pananakit ng kanyang pantog o likuran. Ang mga pain reliever na gaya ng paracetamol ay mabisa sa pagtatanggal ng anumang masakit na bahagi ng katawan.

Bukod sa mga nabanggit na gamot, iminumungkahi rin ng mga doktor ang mga sumusunod na home remedy upang mas mapabilis ang paggaling ng pasyente sa UTI:

Image Source: unsplash.com

  • Pag-inom ng maraming tubig. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakatutulong upang mas mapadalas ang pag-ihi ng pasyente. Kung madalas ang kanyang pag-ihi, mas mabilis na mailalabas ang bacteria sa urinary system. Bukod dito, pinapalabnaw nito ang ihi upang hindi gaanong mairita ang ari. Ayon sa mga doktor, mas mainam na uminom ng 1.5 hanggang 2 litro ng tubig araw-araw upang maalis ang bacteria sa daluyan ng ihi.
  • Paglalagay ng heating pad sa likuran. Kung minsan, ang ilang mga pasyenteng may UTI ay nakararanas ng pananakit sa kanilang bandang likuran. Ito ay dahil sa dito matatagpuan ang mga kidney o bato. Kapag mayroong UTI, ang mga bato ay maaaring mamaga at magka-impeksyon dulot ng Upang humupa ang pananakit nito, makabubuti ang paglalagay ng heating pad sa likuran. Kung walang heating pad, maaari namang kumuha ng malinis na bote at lagyan ito ng mainit na tubig. Pagkatapos ay balutan ito ng tuwalya upang hindi mapaso ang balat.
  • Pag-inom ng cranberry juice. Ang cranberry juice ay hindi nakagpapagaling ng UTI. Subalit, nakatutulong ito sa pagpigil ng paglala ng mga sintomas ng sakit na ito. Ito ay dahil ang cranberry juice ay may mga sangkap na kung tawagin ay proanthocyanidin na pumipigil sa E. coli na dumikit sa tiyan at daluyan ng ihi. Batay sa isang malawakang pag-aaral, napag-alaman na ang mga babaeng may pabalik-balik na UTI na umiinom ng cranberry juice sa loob ng 12 buwan ay mas bumaba ang posibilidad na magkaroon muli ng UTI nang may hanggang 35%. Dahil dito, maraming mga doktor ang nagmumungkahi sa mga pasyenteng may UTI na uminom ng cranberry juice.
  • Pag-inom ng buko juice. Kilala ring lunas para sa UTI ang pag-inom ng buko juice. Ito kasi ay isang natural diuretic o mabisang pampaihi. Ganunpaman, ayon sa mga doktor, mas mabisa pa rin ang pag-inom ng cranberry juice dahil tinatanggal nito ang pagkakakapit ng coli bacteria sa mga haligi ng daluyan ng ihi. Dagdag dito, kung nasobrahan sa pag-inom ng buko juice, maaaring magdulot ito ng pananakit ng tiyan.
  • Pagkain ng mga pagkaing may probiotic. Ang mga probiotic ay nagtataglay ng good bacteria na nakatutulong sa paglunas at pagpigil ng paglala ng UTI. Kasama sa halimbawa ng mga pagkaing nagtataglay ng probiotic ay mga yogurt, dark chocolate, green olives, soft cheese, at pickle. Bukod sa mga ito, mayroon ding mga probiotic supplement na mabibili sa mga grocery store o online shop. Ang pinaka-karaniwang probiotic na iminumungkahi ng mga dalubhasa ay ang Bifidobacterium longum. Mainam daw ito para sa mga taong may UTI sapagkat nakatutulong ito sa pagpigil sa mga bad bacteria na dumikit sa tiyan at sa mga daluyan ng ihi. Bukod dito, mainam din ito para sa pagkakaroon ng natural na antibacterial na kemikal sa katawan na tumutulong upang labanan ang mga sanhi ng UTI.
  • Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mas acidic na ihi. Pinaniniwalaan na ang mas acidic na ihi ay nakapapatay sa mga bacteria na sanhi ng UTI. Halimbawa ng mga pagkaing nagtataglay ng bitamina C ay orange, lemon, dalandan, broccoli, cauliflower, papaya, bell pepper, kamote, kamatis, at iba pa.
  • Pagkain ng hilaw na bawang. Batay sa pag-aaral, mainam din ang pagkain ng hilaw na bawang para gumaling sa UTI. Nagtataglay kasi ito ng mga antibacterial property, gaya ng allicin at iba pang mga sulphur compound. Dahil ang bisa ng bawang ay sinubukan pa lamang sa mga hayop, wala pang tiyak na bilang kung ilang butil ng bawang ang dapat kainin upang mawala ang UTI. Subalit ayon sa mga pasyenteng gumamit ng bawang bilang gamot sa UTI, mainam na kumain ng 9 na butil ng bawang sa loob ng isang araw. Maaaring hatiin ito sa 3 at kumain ng 3 butil ng bawang pagkatapos kumain.
  • Pag-inom ng pinaglagaan ng sambong. Ang sambong ay isa sa 10 aprubadong halamang gamot ng Department of Health (DOH). Kilala ito bilang gamot sa UTI, kidney stones, at pananakit ng tiyan. Upang gamitin ang sambong bilang lunas sa UTI, pumitas ng mga sariwang dahon nito at hugasan. Gayatin ang mga dahon nang maliliit na piraso at magpakulo ng 50 gramo ng dahon sa 1 litro ng tubig. Pakuluan ito ng 10 minuto, palamigin, at inumin. Maaaring uminom ng pinaglagaan ng sambong ng hanggang 4 na baso sa loob ng isang araw hanggang sa gumaling.

Bukod sa mga nabanggit na home remedy, nangangailangan ding magkaroon ng mas malusog na pamumuhay ang mga pasyenteng may UTI upang mas mabilis na mawala sa daluyan ng ihi ang mga bacteria. Iminumungkahi na gawin ang mga sumusunod:

  • Huwag magpigil ng ihi. Kung nakararamdam ng pag-ihi, agad na pumunta sa banyo upang ilabas ito. Kapag naiwan nang matagal ang ihi sa pantog, mas pamamahayan ito ng mga
  • Umiwas sa mga pagkain at inuming nakaiirita ng pantog. Ayon sa mga doktor, mas matagal na maghihilom ang pantog kung patuloy pa ring kumokonsumo ng mga pagkain at inuming nakaiirita rito. Kung nagpapagaling sa UTI, mas makabubuti na umiwas muna sa pagkain ng labis na matatamis, maaalat, at maaanghang na pagkain. Dagdag dito, iminumungkahi rin na huwag munang uminom ng kape, alak, at mga
  • Kumain ng masusustansyang pagkain. Upang mas mabilis gumaling sa kondisyon, ipinapayo ng mga doktor na kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber, gaya ng mga prutas at gulay. Iminumungkahi rin na bawasan ang pagkain ng mga karne at lamang-loob ng hayop sapagkat maaaring may naninirahan ditong mga coli bacteria.

Para naman sa mga kababaihang nakararanas ng pabalik-balik na UTI, maaaring sumailalim sila sa iba’t ibang uri ng antibiotic therapy, gaya ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng antibiotic pagkatapos makipagtalik
  • Pag-inom ng antibiotic araw-araw sa loob ng 6 na buwan
  • Pag-inom ng higit sa isang antibiotic kapag nararamdaman ang mga sintomas ng UTI
  • Pagsasailalim sa estrogen therapy kapag mayroon nang menopause

Mas madalas na magkaroon ng UTI ang mga babae kaysa sa mga lalaki, sapagkat mas maiksi ang kanilang daluyan ng ihi. Dahil dito, mas mabilis na nakapapasok ang mga bacteria sa ari ng babae. Kumpara sa mga lalaki, bago pa man makaabot ang mga bacteria sa pantog ay nailalabas na agad ang mga ito kapag sila ay umihi.

Ayon sa mga doktor, maaari namang gumaling ang UTI kahit walang iniinom na gamot. Subalit, batay sa mga pag-aaral, mas malaki ang posibilidad na magkaroon muli ng impeksyon sa daluyan ng ihi kung hindi iinom ng antibiotic.

Sanggunian