Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Ang pangunahing layunin ng paggamot sa Wilson’s disease ay ang matanggal ang sobrang copper sa katawan. Dahil dito, maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na lunas:

  • Pag-inom ng mga gamot. Ang mga gamot na ginagamit upang matanggal ang labis na copper sa katawan ay tinatawag na mga chelating agent. Halimbawa ng mga gamot na ito ay penicillamine, trientine, at zinc acetate. Sa tulong ng mga gamot na ito, ang labis na copper sa katawan ay maaaring mailabas na sa pamamagitan ng pag-ihi. Maaaring inumin ang mga gamot sa loob ng 4-6 na buwan batay sa tindi ng kondisyon.
  • Pagkain ng low-copper diet. Bukod sa pag-inom ng mga gamot, ang pasyente ay maaari ring isailalim sa low-copper diet. Ibig sabihin nito, kailangang iwasan ng pasyente ang mga pagkaing mayaman sa copper, gaya ng kabute, mani, tsokolate, pinatuyong mga prutas, atay, linga, maging ang iba’t ibang uri ng mga Halimbawa naman ng mga pagkaing walang gaanong copper ay karne ng baka, itlog, kamatis, kanin, cereal, gatas, keso, tsaa, at iba pa.
  • Physical therapy. Maaari ring sumailalim ang pasyente sa physical therapy upang manumbalik ang koordinasyon at lakas ng kanyang mga kalamnan. Hangga’t hindi pa bumababa ang dami ng copper sa katawan, hindi pa babalik ang normal na pagkilos. Subalit, sa tulong ng physical therapy, maaaring unti-unting makaangkop ang pasyente sa kondisyon.
  • Liver transplant. Sa mga malalalang kaso, ang pasyente ay maaaring sumailalim sa isang liver transplant. Sa operasyong ito, tatanggalin ng maninistis o surgeon ang problemadong atay at papalitan ng malusog na atay mula sa isang Maaaring ang atay ay mula sa ibang yumaong pasyente, subalit maaaring manggaling din ito mula sa isang buhay na kamag-anak. Sa kasong ito, kukuhanan lamang ang buhay na donor ng sapat na laki ng atay upang ibigay ito sa pasyenteng nangangailangan. Wala namang gaanong dapat ikapangamba sapagkat ang atay ay nagre-regenerate o kusang bumabalik sa dati nitong laki.

Kapag maagang natukoy ang kondisyon na Wilson’s disease, mas malaki ang posibilidad na gumaling mula sa sakit na ito. Sa katunayan, karamihan sa mga naapektuhan ng sakit na ito ay nagkakaroon pa rin ng masigla at normal na pamumuhay. Subalit, kung ang kondisyon ay huli nang natukoy, ang mga pinsala sa atay at utak ay maaaring maging permanente na kahit na lunasan pa ito.