Mga karaniwang tanong sa pagbubuntis

Ako ay nagbabalak na maging isang ina. Ano ang dapat kung gawin, para mapangalagaan ang aking sarili?

Ang unang dapat gawin ay panatilihing malusog at maayos ang inyong kalusugan bago magbuntis. Ang mga dapat gawin ay maging aktibo sa ehersisyo, kumain nang wasto, at gumamit nang “multivitamin”. Sa pagsunod sa mga gabay na ito ay mag-papataas nang isang malusog at walang depekto na sanggol.

Ito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapanatili ang inyong maayos na kalusugan bago maging ganap ang inyong pag-bubuntis.

  • Kumain nang wasto at masusustansiyang mga pagkain, mag-ehersisyo nang talumpong minuto kada araw bawat linggo at sapat na tulog at pahinga. At makipagtulungan sa inyong manggagamot para sa inyong kalusugan.
  • Mag-inom nang 400 micrograms (mcg) nang folic acid araw-araw. Ang mainam na gawin ay uminom nang “multivitamins at folic acid bago maging buntis para maihanda ang inyong katawan sa pagdadalang tao. Batay sa mga aral ang ito ay nakakaiwas sa “congenital birth defects”.
  • Mag-patingin sa inyong doktor para sa kumpletong “check up”. Tulad nang sa rubella at chickenpox. Dahil ang mga sakit na ito ay delikado sa inyong pag-bubuntis.
  • Tumigil sa paninigarilyo, pag-inom nang alcohol, at droga.

Image Source: freepik.com

Ako ay buntis. Ano ang dapat kong gawin para maging malusog ang aking anak?

  • Uminom nang mga multivitamin, ferrous sulfate at 400 micrograms (mcg) of folic acid araw-araw.
  • Sumangguni sa inyong doktor para sa maaga at regular na prenatal care.
  • Kumain nang masustansiyang pagkain tulad nang “fruits, vegetables, grains, and calcium – rich foods”
  • Mag-ehersisyo, huwag uminom nang alak at manigarilyo.
  • Sumangguni muna sa doktor kung meron kang balak na inuming gamot na pwedeng makasama sa inyong kalusugan.
  • Lumayo sa mga kemikal tulad nang insecticides, solvents (cleaners or paint thinners), lead, at mercury.
  • Iwasan ang kape o caffeine. Ang mga buntis ay dapat di-susobra sa higit dalawang baso nang kape araw-araw. Alamin na ang mga teas, sodas, at chocolate ay merong caffeine.
  • Panatilihing maging aktibo kahit buntis.
  • Maging mapag-alam sa pamamagitan nang pag-babasa, panonood, pag-sali sa “childbirth class”, at paki-kipagusap sa naging ina na

Image Source: freepik.com

Gaano kadalas ang pag-punta ko sa doktor

Ang inyong doktor ay mag-bibigay nang mga gabay para sa inyong pagbisita.

  • Bawat isang buwan para sa unang ika-anim na buwan nang pag-bubuntis.
  • Bawat dalawang linggo para sa ika-pito at ika-walong buwan nang pagbubuntis.
  • Bawat isang linggo hanggang sa pagsilang batay sa: kung ikaw naman ay edad 35 taon pataas o ” high risk pregnancy” dahil sa isyong pangkalusugan tulad ng “diabetes o high blood pressure” kailangan ang regular na pagbisita sa doktor.

Image Source: dlife.com

Ano ang nangyayari sa “prenatal visits”?

Sa unang pagbisita:

  • Pagtanong sa inyong “health history” ang mga naging sakit, operasyon at iba pang pagbubuntis.
  • Pagtanong sa inyong “family’s health history”
  • Pag-eksamen
  • Pelvic exam at Pap smear
  • Ang mga “blood tests at urinalysis
  • Pagkuha nang “blood pressure,height, at weight”
  • Alamin ang inyong kabuwanan
  • Sagutin ang inyong mga katanungan

Sa susunod na pagbisita ay:

  • Alamin ang tibok nang “baby’s heart rate”
  • Alamin ang inyong “blood pressure”
  • Alamin ang inyong urinalysis para sa diabetes
  • Alamin ang inyong pagtaas nang timbang

Ako ay lampas na sa edad trenta (30s) at gusto kong mabuntis, meron ba akong dapat na gawing iba?

Pag ang isang tao ay tumatanda, kabalikat nito ang mataas na tsansa na mag-karoon nang “birth defect”. Kaya ugali-ing mag-pakonsulta sa inyong doktor, para ma-agapan ang inyong pag-bubuntis.