Kilalanin ang iba’t ibang uri ng mga doktor at spesyalista

Nalilito ka na ba sa dami ng klase ng doktor sa ospital? Narito ang gabay sa iba’t ibang uri ng mga doktor at ang kanilang spesyalisasyon!

General practitioner: Doktor ng lahat

Image Source: medcare.ee

Ang mga general practitioner o GP ay mga doktor na hindi nagpatuloy sa spesyalisasyon, at dahil dito, lahat ng kaso ay nakikita nila. Kalimitan, ang mga GP ay nasa emergency room ng malalaking ospital o kaya naman nasa mga bayan na sila lamang ang doktor. Karamihan ng kaso ay kayang-kayang gamutin ng mga general practitioner, at kung hindi na nila kaya ay irerefer nila ito sa mga spesyalista.

Pediatrician: Doktor ng mga bata

Image Source: www.careergirls.org

Ang pediatrician o ‘pedia’ ay isang doktor na ang ginagamot ay mga sakit ng mga bata. Lahat ng bata, mula bagong panganak hanggang edad na 18, ay angkop na ipatingin sa isang pediatrician. Sa Pilipinas, ang Philippine Pediatrics Society ang siyang namamahala at nagbibigay ng sertipikasyon sa mga pediatrician. Meron ding mga pediatrician na na-training pa para maging pediatric cardiologist (doktor para sa mga puso ng mga bata), pediatric neurologist (doktor para sa mga utak ng mga bata) at iba pa.

Internist: Doktor ng mga medical na kondisyon

Image Source: memorialregionalhealth.com

Ang isang internist ay isang doktor na nakatutok sa iba’t ibang sakit ng mga may edad, mula 18 pataas. Kabilang na dito ang mga sakit sa puso, sa baga,

Cardiologist: Doktor sa puso at mga daluyan ng dugo

Image Source: www.nm.org

Ang cardiologist ay isang internist na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga sakit sa puso gaya ng arrhythmia, heart attack, hypertension (high blood), at iba pa.

Pulmonologist: Doktor sa baga at respiratory system

Image Source: www.careergirls.org

Ang pulmonologist ay isang doktor – maaaring internist o yung iba deretso na mula sa pagiging general practitioner – na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga sakit sa baga, kagaya ng pulmonya, asthma (hika), tuberculosis, at iba pa.

Neurologist: Doktor sa utak at nervous system

Image Source: www.careergirls.org

Ang neurologist ay isang doktor – maaaring internist o yung iba deretso na mula sa pagiging general practitioner – na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga sakit sa utak, kagaya ng stroke, mga seizure, meningitis, at iba pa.

Gastroenterologist: Doktor sa tiyan at bituka

Image Source: reverehealth.com

Ang gastroenterologist ay isang internist na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga sakit o karamdaman sa tiyan at bituka gaya ng mga ulcer, hyperacidity, at iba pa.

Nephrologist: Doktor sa bato o kidney

Image Source: www.rambam.org.il

Ang nephrologist ay isang internist na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga sakit o karamdaman sa bato o kidney, gaya ng chronic kidney disease, nephrotic syndrome. Sila rin ang eksperto sa mga pasyente na nangangailangang sumailalim sa dialysis.

Endocrinologist: Doktor sa diabetes at mga hormones

Image Source: www.northwell.edu

Ang endocrinologist ay isang internist na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa mga diprensya sa mga hormones o mga keminal na nagbibigay ng mensahe sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ilan sa mga sakit na sakop ng mga endocrinologist ay diabetes at mga sakit sa thyroid gaya ng goiter o hyperthyroidism.

Allergologist: Doktor ng mga allergy

Image Source: www.metropolitan-general.gr

Ang mga allergologist ay mga doktor na nag-aral kung paano gamutin ang mga allergy sa balat at sa ibang bahagi ng katawan.

Dermatologist: Doktor ng balat at kutis

Image Source: www.healthline.com

Ang mga dermatologist ay mga internist na sumailalim ng karagdagang training para maging spesyalista sa balat at kutis. Bagamat kilala sila ng marami bilang mga doktor para magpaganda, maraming mga sakit sa balat ang kanilang ginagamot gaya ng mga an-an, buni, mga bukol-bukol sa lahat gaya ng melanoma, at marami pang iba.

Family physician: Doktor ng pamilya

Image Source: www.amitahealth.org

Para ring internist ang isang family physician pero mas pinagtutuunang pansin nila ang mga karaniwang karamdanan. Minsan, nakakalito ang pagkakaron ng iba’t ibang spesyalista at layon ng mga family physician ang tingnan ang kabuuan ng pasyente. Ang mga family physician din ay mas nagpapahalaga sa pamilya bilang bahagi ng paggaling at gamutan ng isang pasyente.

Obstetrician-gynecologist o OB-GYN: Doktor ng mga kababailan

Image Source: www.verywellhealth.com

Ang mga obstetrician-gynecologist o OB-GYN ay mga doktor na ang spesyalista ay pangpapaanak at paggamot sa mga buntis (obstetrics) at paggamot sa mga karamdaman ng mga kababaihan gaya ng dysmenorrhea, menopause, pagkakaron ng mga myoma, at iba pa.

Orthopedic surgeon o ORTHO: Doktor ng buto

Image Source: cure.org

Ang mga orthopedic surgeon ay mga doktor na nakatutuok sa mga problema ng buto, laman, kasukasuan, at mga kaugnay na bahagi ng katawan (muskuloskeletal system). Sila ang pwedeng puntahan kapag may bali, pilay, sprain, pasma, arthritis, pananakit sa likod, at iba pang karamdaman sa buto-buto.

Ophthalmologist: Doktor sa mata

Image Source: yoursightmatters.com

Parang si Jose Rizal, ang mga OPHTHA ay mga doktor na nag-aral kung paano gamutin ang mga malalabo ang mata, may katarata, glaucoma, at iba pang sakit sa mata!

ENT o otorhinolaryngologist: Doktor sa tainga, ilong, at lalamunan

Image Source: tn.com.ar

Ang mga ENT ang mga doktor na sandy gamutin ang mga problema sa tainga, ilong, at lalamunan.

Surgeon: Doktor na nag-oopera

Image Source: www.physiciansweekly.com

Ang mga general surgeon ay bihasa sa pag-oopera ng iba’t ibang mga kaso gaya ng luslos, appendicitis, at iba pa. May mga surgeon din na spesyalista sa partikular na bahagi ng katawan gaya ng mga neurosurgeon na nag-oopera sa utak, at cardiovascular surgeon na nag-oopera sa puso para sa mga bypass surgery at iba pa. At syempre nandyan din ang mga plastic surgeon na nagreretoke ng mga bahagi ng katawan na nasira sa aksidente, pagkakasakit, o gusto lamang ng pasyente na magparetoke.

Psychiatrist: Doktor ng may mga problema sa isip at ugali

Image Source: www.physiciansweekly.com

Ang mga psychiatrist ay mga doktor na tumatalakay ng mga kaso ng schizophrenia, bipolar disorder, depression, at iba pang problema sa isip at ugali. Tumutulong din sila na magbigay ng counselling sa mga biktima ng gera, mga krimen gaya ng rape, pang-uulila, pagkamatay ng kamag-anak, at paggagamot sa mga na-adik sa droga.

Pathologist: Doktor sa laboratoryo

Image Source: howto.org

Ang mga pathologist ay nag-aral kung paano matukoy ang iba’t ibang sakit sa pamamagitan ng pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa ilalim ng microscope at iba pang mga makina at computer.

Radiologist: Doktor na nagbabasa ng X-ray, CT scan, at iba pa

Image Source: capx.co

Ang mga radiologist naman ang siyang bumabasa ng mga X-ray, CT scan, ultrasound, MRI, at iba pang mga imahe mula sa mga computer upang matukoy ang iba’t ibang sakit. Meron ding mga radiologist na nanggagamot sa mga kanser sa pamamagitan ng radiotherapy.