Ano ang kulugo?
Image Source: www.ucsfhealth.org
- Kulugo ay ang tawag sa mga maliit at magaspang na bukol sa katawan.
- Sa Ingles, “Warts” ang tawag; sa medisina naman ito ay kilala bilang “Verruca”
- Karaniwa’y magaspang at minsan may makikitang tuldok-tuldok na maitim
- Ang mga kulugo ay dulot ng HPV, isang uri ng virus.
- Anumang bahagi ng katawan ay maaring sibulan ng kulugo
May apat na uri ng kulugo:
- Verruca vulgaris o common hand warts: natatagpuan sa kamay
- Verruca plantaris o foot warts: natatagpuan sa paa, maaring masakit
- Verruca plana o flat wart – maliit, patag, marami, natatagpuan sa mukha, leeg, kamay o tuhod
- Verruca acuminata o genital wart – ito’y isang uri ng STD, nakukuha sa sexual contact at natatagpuan sa ari ng lalake o babae
Paano nagkakaroon ng kulugo?
Image Source: moddermatology.com
- Dahil ay sanhi ay virus, maaring mahawa ng kulogo sa pamamagitan ng pagkahawak o pagkadikit ng iyong balat sa bahagi ng katawan ng ibang tao na may kulugo.
- Sexual contact ay maari ring magdulot nito, lalo na sa genital wart.
- May mga taong mas madaling makakuha ng kulugo.
Ano ang mga sintomas ng kulugo?
- Ang mga sintomas ay nakadepende sa lokasyon ng kulugo
- Minsan lamang ito magdulot ng sakit
- Kalimitan ito’y nagdadala ng di-kumportableng pakiramdam
Paano ma-diagnose ang kulugo?
Sapagkat ang kulogo ay anyong may madaling makilala ng mga doctor, insepksyon lamang ang kailangan para ito ay madiagnose. Minsan lamang maaring kailanganin ang mga laboratory tests gaya ng skin culture at biopsy para masigurado ang diagnosis.
Ano ang lunas o gamot sa kulugo?
- Gamot gaya ng salicylic acid para matunaw ang kulogo
- Cryosurgery, isang procedure na parang nilalagay sa ref ang kulogo para ma-“freeze” ito
- Laser treatment– ang paggamit ng ‘laser’ o matinding liwanag para tanggalin ang kulogo
- Electrocautery – ang pagsunog sa kulogo gamit ang kuryente para ito ay matanggal
- … at iba pang mga technique.
Kung may kulogo ka o ang kakilala mo, kumunsulta sa doctor kung alin sa mga lunas na ito ay pinaka-narararapat.
Mga Maling Paniniwala Ukol sa Kulugo
- Maaring makuha ang kulugo kapag maiihian o makahawak ng palaka
- Maaring mahawa kapag gumamit ng tuwalya ang taong may kulogo
- Maaring mahawa ng kulogo kapag hinawakan ang kamay ng ibang tao
- Ang kulugo ay nagdudulot ng kanser
*tanging ang genital warts lamang ang napatunayang may kinalaman sa pagkakaroon ng kanser