Lagnat o Sinat? Kaibahan ng dalawang kondisyon

Ang katawan ng tao ay may iba’t ibang paraan ng depensa laban sa impeksyon ng mga iba’t ibang mikrobyo, virus at iba pang organismo na nakapagdudulot ng mga sakit. Isa sa mga depensang ito ay pagkakaroon ng lagnat o pagtaas ng temperatura ng katawan.

batang lagnat

Lagnat (Fever)

Ang lagnat ay ang kondisyon ng pansamantalang pagtaas ng temperatura ng katawan dahil sa sakit na nararanasan. Pangunahing dahilan nito ay para mapigilan ang pagkalat ng impeksyon ng anumang mikrobyo o organismo sa katawan. Maaari itong magtagal nang ilang araw o depende sa uri ng sakit na nararanasan.

Sinat (Mild fever)

Ang sinat naman ay isang konsepto na kilala lamang sa iilang kultura sa mundo, gaya ng Pilipinas, na tumutukoy sa katamtamang lagnat na nararanasan ng katawan. Ito ay maaring panimulang senyales ng pagkakaroon ng lagnat o senyales ng gumagaling na lagnat.