Ang bulbol o pubic hair ay ang buhok na tumutubo sa paligid ng ari ng lalaki at babae na kadalasang lumalago sa pagsapit sa panhon ng puberty stage ng isang indibidwal. Kadalasan, isinasawalambahala lamang ang pagtubo ng buhok sa paligid ng ari. Ngunit para sa iba, ito ay nagiging sagabal lalo na sa sinusuot na damit. Kaya naman marami ang nagnanais na maalis na lamang ang buhok na ito. Maaaring sa pamamagitan ng pag-aahit, paggamit ng bikini wax, pagpahid ng cream na pang-alis ng buhok, o pagpapasailalim sa cosmetic surgery para tuluyan na itong maalis. Pero ang tanong ngayon, ligtas ba ang pag-aalis ng bulbol o pubic hair?
Para sa mga eksperto at alagad ng medisina, ang pag-aalis ng bulbol ay pawang pansariling kagusutuhan lamang at wala naman talagang epekto sa kalusugan. Para sa kanila, maaaring tanggalin o maaaring hayaan rin lamang ang paglago nito. Sa pangkalahatan, ang pag-aalis ng bulbol ay ligtas naman lalo na kung maayos at malinis ang paraan ng pag-aalis ng buhok. Ngunit dapat tandaan na maaari pa ring makaranas ng ilang epekto kaugnay nito.
Epekto ng pag-aahit ng bulbol o pubic hair
Image Source: www.draliabadi.com
- Hapdi mula sa maling pag-aahit
- Pamumula ng balat na inahit
- Pangangati dulot ng tumutubong buhok
- Pangangati dulot ng impeksyon sa ugat ng mga buhok
Ano ang dapat gawin kung makaranas ng mga epekto?
- Itigil ang pag-aahit ng buhok
- Kung namamaga at nangangati, pahiran ng gamot na mabibiling over-the-counter na mabisa para sa kondisyon (halimbawa: hydrocortisone cream)
- Ibabad sa maligamgam na tubig kung may iritasyon
- Kung may impeksyon, mabuting ipatingin sa doktor o dermatologist.