Listahan ng mga Bawal na Paputok o Firecrackers

Malapit na ang Enero 1, 2011! Parating na ang isa na namang pagdiriwang ng Bagong Taon, at dahil sa pinsalang hatid ng pagpapaputok, may mga grupo na nananawagang dagdagan ang listahan ng gobyerno ng mga ipinagbabawal na paputok o “list of banned firecrackers” upang mas maiwasan ang sakuna dulot dito. Minabuti ng Kalusugan.PH na gumawa ng artikulo upang linawin kung ano ba talaga ang mga paputok na ipinagbabawal sa pangkasalukuyan.

Ano bang mga paputok ang ipinagbabawal?

Ang mga sumusunod ay itinuturing na bawal na paputok ayon sa listahan ng Philippine National Police (PNP) noong 2007:

  • Lolo thunder
  • Super Lolo
  • Bawang (Large)
  • Pla-pla
  • Watusi
  • Giant Whistle Bomb
  • Judas Belt o Sintron ni Judas (Large)
  • Higad o sawa
  • Og
  • Atomic Bomb

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ay mga ito ay bahagi rin ng mga ipinagbabawal na paputok, kabilang man o hindi sa listahang nasa itaas, batay narin sa Republic Act 7183:

  • Piccolo
  • Boga
  • Anumang paputok na mas mabilis sa 3 segundo ang mitsa
  • Anumang paputok na may 0.2 grams o higit na pulbura

Ang mga ito naman ay HINDI ipinagbabawal ayon sa Republic Act 7183:

Image Source: www.formywife.info

  • Baby rocket
  • Bawang (Small)·
  • Small triangulo·
  • Paper caps·
  • El Diablo·
  • Judas Belt o Sintron ni Hudas
  • Skyrocket o Kwitis
  • Luces·
  • Fountain·
  • Mabuhay·
  • Roman candle·
  • Trompillo

Tunghayan ang artikulong “Sa Bagong Taon, Maging Ligtas sa Paputok!” upang malaman kung anong mga paraan at hakbang na ating maaring gawin upang maiwasan ang sakuna sa paputok.

References:
Republic Act 7183: An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers