Maari bang mabuntis kahit hindi naipasok ng buo ang ari ng lalaki?

Q: Maari po bang mabuntis kahit hindi naipasok ng buo yung ari ng lalaki sa sa ari ng babae ? Na yung ulo lamang ang pumasok pero hindi lahat?

A: Oo, maaring mabuntis kung ang lalaki ay nilabasan ng kanyang semilya sa loob ng ari ng babae, kahit hindi buong-buo ang pagkakapasok ng ari niya. Ang pagpapalabas ng tamod ng lalaki ay may kasamang pwersa at sa pagtalsik nito sa lagusan ng babae ay maaari parin itong makarating sa Fallopian tube upang makipag-ugnay sa egg cell at mag-umpisa ng proseso ng pagbubuntis.

Upang maklaro ang inyong isip tungkol sa bagay na ito, ang pinakamagandang gawin ay magpapregnancy test makatapos ang 14 na araw mula sa huling pagregla. Kung regular kang dinadatnan ng monthly period o regla at hindi ka dinatnan sa schedule ng iyong regla, pwede ka na agad magpa-pregnancy test sa araw din na yun. Kung hindi regular ang iyong monthly period, pwede kang magpa-pregnancy test sa ika-21 na araw makalipas ang pakikipagtalik. Tingnan ang pahinang ito para sa wastong paggamit ng pregnancy test.