Mag-ehersisyo para hindi sipunin?

Ayon sa isang pagsusuri na nailathala sa British Medical Journal, ang pagiging physically fit o regular na nag-eehersisyo ay hindi gaanong tinatablan ng sipon kumpara sa mga hindi fit. Ito ay natuklasan matapos suriin ang 1,000 katao hanggang 85 na edad ukol sa kanilang kalusugan at kung gaano kadalas sila sipunin.

Lahat ng nakilahok sa pagsusuri ay tinanong tungkol sa kadalasan ng kanila pag-eehersisyo, pamumuhay, karaniwang pagkain at mga stressful na pangyayari. Ito ang mga hinihinala ng mga dalubhasa na makakaapekto sa immune system oresistensiya.

Sa mga unang resulta, nakita nila na ang mga nakakatanda, lalaki at mga kasal ay mukhang mas maikli ang nararamdamang sakit na sipon. Ngunit, ay pinakamalaking tulong ay nanggaling sa regular na pag-eehersisyo. Katunayan, yung mga nag-eehersisyo na 5 o higit na araw sa isang linggo ay sinisipon ng halos kalahati (43-46%) lang ng mga araw kumpara sa mga nag-eehersisyo ng isang araw sa isang linggo.

Sabi ng mga dalubhasa, ang pag-eehersisyo daw ay nakakalakas ng resistensiya sa panandaliang panahon (mga ilang oras lamang). Ngunit, ay paglakas na ito ay mismong nakakatulong upang hindi dapuan ng sakit, tulad ng sipon ang tao.

Reference:

David C. Nieman, Dru A. Henson, Melanie D. Austin, Wei Sha. Upper respiratory tract infection is reduced in physically fit and active adultsBritish Journal of Sports Medicine, 2010; DOI: 10.1136/bjsm.2010.077875