Magkano ang Kontribusyon sa Philhealth Kada Buwan? Philhealth Contribution Table

Ang kontribusyon sa Philhealth ay hindi libre. Ito ay karaniwang binabayaran bawat buwan o taon. Ngunit, ang halaga ng inyong kontribusyon ay depende sa aling klaseng miyembro kayo ng Philhealth.

Tandaan: upang makakuha ng benepisyo sa Philhealth, kailangan makaroon ng isang miyembro ng kontribusyon sa huling tatlong (3) buwan bago magkasakit.

Mga nagtatrabahong pinapasweldohan (Employed)

Ang kontribusyon ay hinahati sa dalawa: una, ang share na babayaran ng miyembro at pangalawa, ang share na babayaran ng kompanya na pinagtatrabahuhan. Tignan ang susunod na table:

·BracketSweldo kada buwanBase ng SweldoKontribusyon kada buwanGaling sa nagtatrabahoBabayaran ng kompanya
14,999.99 and below4,000.00100.0050.0050.00
25,000.00 – 5,999.995,000.00125.0062.5062.50
36,000.00 – 6,999.996,000.00150.0075.0075.00
47,000.00 – 7,999.997,000.00175.0087.5087.50
58,000.00 – 8,999.998,000.00200.00100.00100.00
69,000.00 – 9,999.999,000.00225.00112.50112.50
710,000.00 – 10,999.9910,000.00250.00125.00125.00
811,000.00 – 11,999.9911,000.00275.00137.50137.50
912,000.00 – 12,999.9912,000.00300.00150.00150.00
1013,000.00 – 13,999.9913,000.00325.00162.50162.50
1114,000.00 – 14,999.9914,000.00350.00175.00175.00
1215,000.00 – 15,999.9915,000.00375.00187.50187.50
1316,000.00 – 16,999.9916,000.00400.00200.00200.00
1417,000.00 – 17,999.9917,000.00425.00212.50212.50
1518,000.00 – 18,999.9918,000.00450.00225.00225.00
1619,000.00 – 19,999.9919,000.00475.00237.50237.50
1720,000.00 – 20,999.9920,000.00500.00250.00250.00
1821,000.00 – 21,999.9921,000.00525.00262.50262.50
1922,000.00 – 22,999.9922,000.00550.00275.00275.00
2023,000.00 – 23,999.9923,000.00575.00287.50287.50
2124,000.00 – 24,999.9924,000.00600.00300.00300.00
2225,000.00 – 25,999.9925,000.00625.00312.50312.50
2326,000.00 – 26,999.9926,000.00650.00325.00325.00
2427,000.00 – 27,999.9927,000.00675.00337.50337.50
2528,000.00 – 28,999.9928,000.00700.00350.00350.00
2629,000.00 – 29,999.9929,000.00725.00362.50362.50
2730,000.00 pataas30,000.00750.00375.00375.00

Mga sariling sikap ang trabaho (Self-Employed / Individually Paying)

Image Source: unsplash.com

Noong Oktubre 1, 2010 naglabas ang Philhealth ng bagong presyo ng kontribusyon para sa mga propesyonal na kasapi sa susunod na listahan:

Mga Propesyonal

  • Accountant
  • Architect
  • Criminologist
  • Customs Broker
  • Dentist
  • Dietician
  • Engineer
  • Aeronautical
  • Agricultural
  • Chemical
  • Civil
  • Electrical
  • Electrical Communications
  • Geodetic
  • Marine
  • Mechanical
  • Metallurgical
  • Mining
  • Sanitary
  • Geologists
  • Landscape architect
  • Law Practitioner
  • Librarian
  • Marine Deck Officer
  • Marine Engineer Officer
  • Master Plumber
  • Medical Technologist
  • Medical Doctor
  • Midwife
  • Naval Architect
  • Nurse
  • Nutritionist
  • Optometrist
  • Pharmacist
  • Physical and Occupational Therapist
  • Professional Teacher
  • Radiologist and X-Ray Technician
  • Social Worker
  • Sugar Technologist
  • Veterinarian
Mga Iba Pang Propesyonal

  • Agriculturist
  • Artist
  • Businessman/Business Owner
  • Consultant
  • Environmental Planner
  • Fisheries Technologist
  • Forester
  • Guidance Counselor
  • Interior Designer
  • Industrial Engineer
  • Media
  • Actor and Actress
  • Director
  • Scriptwriter
  • News correspondent
  • Professional Athlete, Coach, Trainor, Referee, etc.

Sa unang taon (hanggang Oktubre 1, 2011) ang babayaran ay 600 piso bawat quarter (3 buwan) o 2,400 piso bawat taon. Para sa mga may kinitang 25,000 piso bawat buwan pababa, ang kontribusyon ay 300 piso bawat quarter (3 buwan) o 1,200 piso bawat taon.

Para sa mga susunod na taon (pagkatapos ng Oktubre 1, 2011), ang kontribusyon na ay magiging 900 piso bawat quarter (3 buwan) o 3,600 piso bawat taon. Para sa mga may kinitang 25,000 piso bawat buwan at pababa, ang kontribusyon ay300 piso bawat quarter (3 buwan) o 1,200 piso bawat taon.

Para sa mga miyembro na ang propesyon ay hindi kasali sa listahan sa taas, ang kontribusyon ay 300 piso bawat quarter (3 buwan) o 1,200 piso bawat taon.

Mga Sponsored o Indigent na Miyembro

Ang pinakamahirap na 25% ng populasyon ng Pilipinas ay maaaring makakuha ng libreng Philhealth sa pamamagitan ng programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ang kontribusyon nila ay babayaran ng gobyerno sa loob ng insang taon.

Panghabangbuhay (Lifetime) na Miyembro

Ang panghabangbuhay na miyembro ay hindi na nangangailangan magbayad ng kontribusyon. Ito ay karaniwang ibinibigay sa mga senior citizen na mga pensionado ng SSS at GSIS o mga miyembro na lampas sa edad na 60 na nakapagbigay ng 120 na buwan na kontribusyon noong nagtatrabaho pa sila. Maliban dito, may mga iba pang espesyal na kategorya ng mga taong maaaring makakuha ng benepisyo ng panghabangbuhay na miyembro ng Philhealth.