Q: Maaari bang mahawaan ng HIV o AIDS kapag lumunok ng semilya?
A: Ang semilya mismo ay hindi nakakasama kung ito’y iyong nilunok. Subalit kung ang iyong kapartner sa sex ay may STD, maaari kang mahawa nito sa pamamagitan ng kanyang semilya o tamod sa iyong bibig. Ang mga STD na pwedeng makuha sa ganitong paraan ay ang tulo (Chlamydia o gonorrhea), Hepatitis A, Herpes, kulugo o HPV, Syphillis, at iba pa.
Ang paglunok ng semilya ay hindi “high risk” para sa pagkahawa ng HIV/AIDS. Ibig-sabihin, napakaliit lamang ng posibilidad na ikaw ay mahawa sa ganitong paraan. Subalit, dahil may ilang kaso na naitala na nahawa sa pamamagitan nito, posible parin bagamat maliit lamang ang posibilidad.
Tingnan ang “Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Tamod o Semilya ng Lalaki” para sa karadagadang kaalaman.