Ayon sa isang pagsusuri na nailahad sa journal na The Lancet at sinuportahan ng British Centre for Crime and Justice Studies, ang alak daw ay mas delikado pa sa mga bawal na gamot tulad ng heroin at crack cocaine. Gumawa ang mga dalubhasa ng bagong systema na kung tawagin ay “Multicriteria Decision Analysis” kung saan nilalagyan ng “score” (0 yung walang masamang epekto at 100 yung pinakamasama) kung gaano kadelikado ang bawal na gamot base sa epekto nito sa kalusugan ng taong gumagamit, epekto sa kanyang kasamahan, karagdagang gastos dahil sa masamang epekto, atbp.
Rangko ng masamang epekto
- Alak (Alcohol) – 72
- Heroin – 55
- Crack – 54
- Shabu (Crystal Meth) – 33
- Cocaine – 27
- Sigarilyo / Tabako – 26
- Shabu (Amphetamine) – 23
- Juts / Marijuana – 20
- GHB – 18
- Benzodiazepines – 15
- Ketamine – 15
- Methadone – 14
- Mephedrone – 13
- Butane – 10
- Khat – 9
- Ecstacy – 9
- Anabolic Steroids – 9
- LSD – 7
- Buprenorphine – 5
- Mushrooms – 5
Ang delikado, hindi nangangahulugang nakamamatay lamang
Bagamat ang alak ang pinakadelikado sa sarili at sa kapwa tao, ang heroin, crack cocaine, and metamphetamine (shabu) ang pinakanakamamatay sa taong gumagamit. Dahil sa laganap ang pag-inom alak, mas madalas ito nagiging kasabwat o sanhi ng mga kaguluhan. Ang pag-inom ng napakaraming alak araw-araw, tulad ng mga ginagawa ng mga lasengo ay nakasisira sa halos lahat ng parte ng katawan, lalo na ang atay.
Kung ganun, bakit hindi ipagbawal ang alak?
Image Source: unsplash.com
Ayon kay Dr. Leslie King, na isa sa mga dalubhasang nagsagawa ng pagsusuri, hindi praktikal na ipagbawal ang alak. Masyado na kasi ito naging malaking bahagi ng ating kultura. Ang tamang pamamaraan ay sikaping mabawasan ang mga taong may problema sa pagiging lasengo sa halip na ipagbawal ito sa lahat. Kung gayon, dapat ay gawin natin ang ating tungkulin na mas ipaalam ang tunay na peligro ng pag-inom ng alak lalo na sa nagiging alipin dito.
Reference:
David J Nutt, Leslie A King, Lawrence D Phillips. Drug harms in the UK: a multicriteria decision analysis. The Lancet, 2010; DOI: 10.1016/S0140-6736(10)61462-6