Mas malaki ang right nipple ko, normal lang ba ‘to?

Q: Dok, I’m male 18 years old na ako nagyon. Ask ko lang po natural lang ba na mas malaki yung right nipple ko, bigla nalang pag gising ko parang malaki at matigas yung gitna ng right nipple ko?

A: Maraming pagbabago ang nagaganap sa katawan ng isang binata na dulot sa pagbugso ng mga ‘hormones’ gaya ng testosterone. Isa sa karaniwang ikinokonsulta, o inaalala ng mga mga lalaking kasing edad mo ay ang itsura at pakiramdam ng kanilang mga utong o nipples. Marami sa mga ito ay normal lamang na bahagi ng paglaki. Yung iba, pinakapakiramdaman rin ang kanilang bayag at nag-aalala kung hindi pantay ang laki ng kanilang mga itlog. Hindi rin ito dapat ikabahala.

Ngunit kung mas mapapagaan ang loob mo, magpatingin sa doktor upang masuri ka nya. Dahil hindi natingnan, ang masasabi ko lamang ay opinyon na ang basihan ay ang karamihan.