Q: Doc may UTI po ako. Ang tanong ko lang po, nung nagjakol po ako tapos lalabasan na ako hindi po sya lumabas sa ari; napunta po yung tamod ko sa gilid sa taas po ng singit ko. at ramdam na ramdam ko yung pagpunta ng tamod ko dun at sobrang sakit. Ano po kaya ang dahilan bakit ganun nangyari sa tamod ko? At may iba pa ba akong sakit bakit ganun ung nangyari sakin?
A: Ang UTI ay isang impeksyon sa lagusan ng ihi. Sapagkat sa dulo ng lagusan ng ihi at lagusan ng tamod ay ang dalawang ito ay nagsasama sa tinatawag na ‘urethra’, posibleng maapektuhan ng UTI ay lagusan ng semilya at maging sanhi ng pagkirot kapag nilalabasan ng semilya. Ngunit ang hindi paglabas ng tamod sa ari ay isang kondisyon na dapat masuri ng isang urologist. Isang posibilidad ang tinatawag na ‘retrograde ejaculation’, kung saan ang tamod ay napupunta sa pantog, imbes na sa ari. Ito ay dulot ng pagkawala ng abilidad ng pwerta ng pantog na sumara, na siyang nangyayari sa normal na pagpapalabas ng semilya o ‘orgasm’.
Posible rin naman na mawala rin ng kusa ang problemang ito; baka dala lang ito ng impeksyon. Isang posibilidad ay ang pagiging side effect nito ng ilang gamot sa utak o sa high blood.
Kung ito ay maulit pa, dapat ipatingin na sa doktor upang maagapan.