Masakit na ngipin sa batang may ITP

Q: dr. masakit po ang ngipin ng anak kung 6years kaya lang may I.T.P sya atisa pa puro bulok na kasi ang ngipin po nya. ano po ba ung first aid ng masakit na ngipin?

A: Dahil ay ang anak ay may Idiopathic Thrombocytopenic Purpura o ITP, ako’y nag-aalinlangan magbigay ng partikular na payo sapagkat mas maganda kung ang kanyang doktor mismo ang makakapagbigay ng kanyang opinyon tungkol dito. Halimbawa, may mga gamot gaya ng Aspirin at Ibuprofen na bawal sa mga pasyenteng may ITP. Hindi ko rin alam kung ang iyong anak ba ay natanggalan na ng spleen o lapay, o hindi pa.

Mas maganda rin kung magpatingin na kayo sa dentista, at dapat ipaalaman ninyo sa dentista na may ITP ang bata. Kung okay naman ang platelet count, kalimitan ay wala namang itong problema at pwede parin namang gawin ng dentista ang anumang dapat nyang gawin sa ngipin.

Sa pangkasalukuyan, pwedeng subukan ang mga ‘home remedies’ gaya ng pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin, paglalagay ng cold compress sa ibabaw ng apektadong ngipin, at pag-iwas sa pagnguya at pagkain ng matitigas o magaganit na pagkain.

Tunghayan ang artikulo sa Kalusugan.PH tungkol sa bulok na ngipin. Muli, gusto kong idiin na dahil sa ITP na iyong anak, mahalagang makipag-ugnayan sa inyong hematologist o iba pang doktor tuwing iinom ng gamot o sa mga bagay na pangkalusugan.