Q: masama po ba ang sore eyes sa buntis? Ano po ba ang maaaring epekto sa bata?
At ano po ba ang dapat gawin?
A: Huwag mag-alala. Walang ebidensya na nakakasama ang pagkakaroon ng sore eyes o viral conjunctivitis sa buntis o sa batang kanyang dinadala.
Ang sore eyes ay pwedeng pagdulot ng pagluluha, pamumula ng mata, at pangangati. Kung may iba pang sintomas gaya ng pagmumuta, paninilaw ng mata, may nana na lumalabas sa mata, panlalabo ng paningin, at iba pa, dapat itong ipatingin sa doktor sapagkat ito’y maaaring isang kondisyon na mas malala sa simpleng sore eyes lang. Subalit, bukod dito, hindi naman nating itinuturing ang pagkakaron ng sore eyes bilang isang seryoso karamdaman sa mga buntis, at ito’y mawawala na lamang ng kusa.