Masama ba kung gabi-gabi naglalabas ng semilya?

Q: masama po ba kalusugan ang gabi gabi nag lalabas ng simelya anung ipekto nito sa katawan?

A: Kung pisikal lamang ang pag-uusapan, walang ebidensya na nakakasama sa kalusugan ang araw-araw o gabi-gabi na pagpapalabas ng semilya sa pagjajakol. Subalit, maaari itong makasama sa iyo kung ito’y nagiging hadlang sa pagiging produktibo mo sa pag-aaral, pagtatrabaho, at pagkakaron ng mabuting relasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan.

Kung ang pagpapalabas ng semilya gabi-gabi ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kung sino-sino, dapat ding maging edukado sa mga panganib ng sex, kasama na ang posibilidad na mahawa ng STD.

Tingnan rin ang artikulong “Pagjajakol: Mga karaniwang katanungan” para sa karagdagang impormasyon.