Ano ang uric acid?
Ang uric acid ay isang produkto ng pagkawatak-watak ng mga protina sa katawan. Normal itong natatagpuan sa katawan, ngunit kung mataas ang antas nito sa dugo (hyperuricemia), ito ay maaaring maging sanhi ng gout, isang uri ng rayuma.
Anong pagsusuri o laboratory exam ang ginagamit upang malaman ang antas ng uric acid sa katawan?
Isang bahagi ng ‘blood chemistry‘ ang pagsusuri ng uric acid sa dugo ng katawan. Karaniwan, kinukunan ang pasyente ng 2-5 mL ng dugo sa harap ng siko. Ilang oras lamang ay maaari nang makakuha ng resulta nito.
Ano ang normal na antas ng uric acid sa katawan?
Ayon sa mga eksperto, ang normal ng antas ng uric acid sa katawan ang mula 3.6 mg/dL (~214 µmol/L) hanggang 8.3 mg/dL (~494 µmol/L) (1 mg/dL=59.48 µmol/L) para sa mga kalalakihan at At 2.3 mg/dL (137 µmol/L) hanggang 6.6 mg/dL (393 µmol/L) para sa kababaihan.
Paano makakaiwas sa mataas na uric acid?
Image Source: www.bbc.com
Ang mga sumusunod na mabisang paraan upang mapababa ang uric acid:
- Pag-iwas sa pag-inom ng alak
- Pag-iwas sa mga pagkain na mataas sa ‘purine’ (tingnan ang “Mga pagkaing nagpapataas ng uric acid“)
- Pagkain ng mga pagkain na nakakatulong magpababa ng uric acid (tingin ang “Mga pagkaing nagpapababa ng uric acid”